Chapter 57: The Now

7K 156 21
                                        

Chapter 57: The Now

Sabado ng umaga nagwala si Nina nang marinig yung busina ng isang kotse. Si Dani kinabahan, inayos ang sarili saka sinamahan ang anak niya palabas ng bahay. Pagbukas ng gate lalong nagwala si Nina nang makita yung kotse ng binata.

Paglabas ni Onofre napatigil siya at titig na titig siya kay Dani. Ang dalaga natense pero biglang tumakbo anak niya para sugurin yung binata. "Hello baby girl" sabi ni Onofre saka agad binuhat yung bata. "Noooof" sigaw ni Nina saka nag nose to nose yung dalawa.

"Wow you are looking pretty today, just like mama. Pareho pa kayo suot" sabi ni Onofre saka tinignan si Dani. Suot ng dalawa orange na hang shirt kung saan kita konti puson niya at white walking shorts na maiksi konti. "Come Ninny whats in the car?" tanong ng binata.

"Wow" bigkas ng bata saka natili kaya lumapit na si Dani. "Cupcakes" sabi ng dalaga. "Pink" sigaw ni Nina saka nagturo. "Yes pink, then we have brown, yellow, blue, okay go to mommy first para buhatin ko mga to papasok" sabi ng binata.

"Nagbake ate mo ulit?" tanong ni Dani. "Yup, she overdid it again. Naperfect niya isa, pag ganon nangyari she wont stop. Di ko na maalala ano flavors basta assorted na mga ito" sabi ng binata. "Hala naka lock on na mga mata niya o" sabi ni Dani.

"You look very pretty today pala" sabi ni Onofre kaya napangiti ang dalaga at binangga ang binata. Pagkapasok sa bahay nilapag agad ni Onofre yung karton sa lamesa. "Pink mama" sabi ni Nina. "Yes baby, wait lang ha" sabi ng dalaga. "Pink Ninny? This one?" tanong ni Onofre.

Pagkaabot ng cupcake agad kumagat yung bata saka ngumiti. "Hmmmm" bigkas niya saka gusto magpababa kaya binaba siya ni Dani. "O where are you going?" tanong ni Onofre pero tumakbo yung bata papasok sa isang kwarto.

"Mang iinggit yan, nandon sina mama at papa sa kwarto kausap uncle ko sa Sykpe" sabi ng dalaga. "Ah, kain ka narin. Tikim ka isa" sabi ng binata. "Later na, pero ang dami nito ha" sabi ni Dani.

Napalingon yung dalawa, nakita nila si Nina hila hila si Martin. "Hello po tito" sabi ni Onofre. "Nof, wait Nina, hindi naman mawawala yung cupcakes" sabi ng matanda pero mapilit yung bata. "Get lulu" sabi ng bata kaya kumuha ng isa yung matanda. "O here" sabi ni Martin. "Bown" bigkas ni Nina kaya natawa si Dani. "Brown baby" sabi niya.

"Luuuullaaaa" sigaw ni Nina kaya lumabas narin ng kwarto si Sarah. "Oh wow, cupcakes" sabi niya. "Nagbake ulit po ate ko kasi" sabi ni Onofre. "Get lula" sabi ng bata kaya kumuha narin ng isa yung matanda. "Masarap ito, mamasa masa yung chocolate" sabi ni Martin.

"Here" sabi ni Onofre saka inabutan ng isa si Dani. "Thanks" sagot ng dalaga at kumagat agad. "Walk" sabi ni Nina saka hinila ang binata. "Walk? Where?" tanong ni Dani. "Nof walk" sabi ni Nina kaya sumama naman agad yung binata sa kanya.

"You want to go to the park?" tanong ni Onofre. "Walk" sabi lang ng bata kaya nagulat ang lahat. "Wow ha" sabi ni Dani. "Sige po samahan ko lang siya mag walk. You want one more? Magdala ako ng isa pa?" tanong ng binata. "Noooo" sigaw ng bata kaya nagtungo na sila sa pintuan.

"Sama na ako" sabi ni Dani kaya humabol siya. Habang naglalakad panay ang tingin ni Onofre kay Dani kaya lalong natetense ang dalaga. "Grabe parehong pareho kayo ng suot o" sabi niya saka lumuhod at hinaplos tiyan ng bata. "Pareho kayo ni mama o, mama sexy, Ninny sexy din kunwari kahit malaki ang tiyan" banat niya.

Natili yung bata saka pinag hihila yung shirt ng binata. "What is it baby?" tanong niya. "Ito o" sabi ng bata saka tinuro tiyan niya. "Ha? Bakit yang tyan mo?" tanong ni Onofre. Nag German bigla yung bata na tila nagagalit kaya tumayo si Onofre.

"Ano daw?" tanong niya. "I don't know, what is it baby?" tanong ni Dani. "Eto o" sigaw ni Nina saka tinuro tiyan niya. "I don't get it" sabi ni Onofre. Nagwala si Nina saka inabot tiyan ng nanay niya saka tinuro sarili niyang tiyan.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon