Chapter 49: The Date

6.8K 153 14
                                    

Chapter 49: The Date

Isang Sabado sa mall, "Kyassss" sigaw ni Nina kaya napalingon si Dani. "Ninny!" sigaw ni Shirley saka tumakbo kaya yung bata talong ng talon. "Uy hello" bati ni Dani, binuhat ni Shirley yung bata saka pinaghahalikan sa pisngi. "Kyassss o" sabi ng bata saka pasikat sa relo niya.

"Wow, I missed you. Uy Dani hala gumanda ka lalo ah. Tama nga sabi ni Nof" sabi ni Shirley. "Huh? Ano sinabi ni Nof?" tanong ni Dani. "Na gumaganda ka lalo, grabe wag naman masyado. Baka mamaya pangit na ako bigla" sabi ni Shirley.

"Hahaha baliw, saan lakad mo?" tanong ni Dani. "Wala lang gala gala" sabi ni Shirley. "Ah kasi wala si Nof" sabi ni Dani. "Nasa Tarlac ata sila diba? Wake ng relative" sabi ni Shirley. "Oo daw ata, tara kain tayo. Nangulit si Ninny kasi gusto daw niya fries" sabi ni Dani.

"Too early baby" sabi ni Shirley. "Walk" sabi ni Nina kaya binaba siya ng dalaga. "Tara libot libot tayo" sabi ni Dani. "Sure, ang cute cute naman ni Ninny. So kumusta kayo?" tanong ni Shirley. "Okay naman, si Ninny spoiled kay Nof masyado" sabi ni Dani.

"Oo nga e, he always thinks about Ninny. Pero ganon ata talaga siya kasi pati mga kapatid ko e kaclose niya narin" sabi ni Shirley. "Ah uy bagong store ito ah, tara pasok tayo" sabi ni Dani. "Oo nga no, halata yung mga lagi dito ah" sabi ni Shirley kaya nagtawanan yung dalawa.

Habang nagtitingin ng mga damit aliw na aliw yung mga staff kay Nina. "Ninny stay close" sabi ni Dani palambing kaya kumapit yung bata sa blouse ng nanay niya. "She loves the attention" sabi ni Shirley. "Ay oo, parang attention seeker nga yan e. Oh did Nof tell you may dance number sila" sabi ni Dani.

"Really? Anong sayaw?" tanong ni Shirley. "Neyney" bulong ni Dani kaya nagtaka si Shirley. "Bakit kailangan ibulong?" tanong niya. "Kasi pag marinig niya mangungulit siya e di ako magaling sumayaw. As in ang kulit ni Ninny, pag nasama sila ni Nof super kulit nila" sabi ni Dani.

"Lately ganon din sila ng mga kapatid ko. Parang bata si Nof. Mas close na sila ng mga kapatid ko e" sabi ni Shirley. "So kumusta na kayo? Going strong ba?" tanong ni Dani pero tumawa lang si Shirley saka ngumiti.

Isang oras lumipas sa loob ng isang restaurant kandong ni Shirley si Nina. "Baby naman nakakahiya kay tita" sabi ni Dani. "No its okay, namiss ko si Ninny. Sakto lang kasi libre mo" biro ni Shirley kaya natawa si Dani.

"Pero seryoso Dani gumanda ka lalo, nakakatibo ka na" banat ni Shirley kaya natawa ulit si Dani kaya gumawa na si Nina. "Grabe naman to, wala naman ako ginagawa, or maybe mataba lang ako konti nung first time natin nagmeet. Back to school na kasi ako e" sabi ni Dani.

"Ay oo nasabi nga ni Nof yon, what is it Ninny?" tanong ni Shirley pagkat may tinuturo yung bata. "Ano ba yon?" tanong ni Dani kaya napalingon sila. "Epay mama" sabi ng bata. "No baby that is not egg pie, ano ba yon?" tanong ni Dani. "Cheese cake" sabi ni Shirley.

"Chikik" bigkas ni Nina kaya nagtawanan yung dalawang dalaga. "Chikik mama" sabi ni Nina. "Okay anak we will order one for you but first we eat okay?" sabi ni Dani. "Alam mo I remember my brother and sister, nung two years old sila di naman sila ganito e"

"Siguro Nina will be super matalino, you can sing, dance..." sabi ni Shirley. "Washa Ninny" bigkas ng bata saka tinaas kamay niya at nagpaatras atras kaya super hiyaw si Shirley sa tuwa. "Ayan na" sabi ni Dani. "Oh my God, ang galing galing" sabi ni Shirley kaya super palakpak si Nina. "Attention seeker, gustong gusto niya na pinupuri siya e" sabi ni Dani.

Pagdating ng pagkain nila naging abala si Shirley sa pagsubo sa bata. "Nakakahiya naman, akin na siya" sabi ni Dani. "No its okay, we take turns nalang. Kaya ko naman e at sanay ako no, I helped raise my wo siblings" sabi ni Shirley.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon