Chapter 32: Pagtibok

8.1K 180 35
                                        

Chapter 32: Pagtibok

Sa outdoor area ng isang restaurant magkasama sina Onofre at Shirley. "Grabe ang galing ni Ninny, pinasikat ko yung video sa lahat ng classmates ko and they loved her. Ang dami nakapansin pa ng relo ko hahaha" kwento ng dalaga.

"E ako? Di ba ako napansin?" tanong ni Onofre. "Hmmmm nandon ka ba?" biro ng dalaga. "Salamat ha" sabi ng binata. "Joke lang no, pero grabe suot parin niya yung relo ko" sabi ni Shirley. "Paulit ulit na ah, parang gusto mo ata bawiin" sabi ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"Honestly oo, at least honest. Parang nagsisisi ako konti. Iniisip ko kung sira na ba siya or what" sabi ng dalaga. "Grabe ka naman" sabi ng binata. "Sorry naman ganon ako e. Sentimental din yung relo na yon" sabi ni Shirley. "Mas maganda naman yang bago na suot mo ah" sabi ni Onofre.

"Really?" tanong ng dalaga. "Yeah, yung binigay mo is more kid stuff. Yan at least it matches your age" sabi ng binata. "Sabagay pero di kami talaga maka get over kay Ninny. So pano mo siya tinuruan?" tanong ng dalaga. "Sa totoo hindi e, honest ako ah. As in di ko tinuruan" sabi ng binata saka kinuwento yung nangyari.

"Wow, sayang bilib na bilib na sana ako sa iyo pag sinabi mo ikaw nagturo" pacute ng dalaga. "Well I cannot take credit for something I really didn't do. Basta nagpaka bitter ako, I kept playing that song and I didn't know she liked it or she was even listening to it" sabi ni Onofre.

"Other guys would take credit para bumango sila or magkaroon ng pogi points" sabi ni Shirley. "Oo alam ko pero pag pinaulit na sa kanila wala na sila ibubuga. Sila din lang mapapahiya later on. Bobo ang mga ganon pero madaming tao na ganon" sabi ng binata.

Biglang sumulpot si Bianca saka naupo sa tabi ni Onofre. "Uy paki antay nalang kasi inuuna pa yung ibang orders" sabi ng dalaga. "Grabe ka okay lang no" sabi ni Shirley. "Biancs sa inyo talaga ito?" tanong ni Onofre. "Yup, balak nga namin magpatayo ng funeral home din kasi lahat ng pagkain dito pampa high blood" sabi ng dalaga kaya nagtawanan sila.

"Figure conscious na ang madaming tao" sabi ni Onofre. "I know but our resto is still doing well. Ayan o si Shirley, fitness buff pero lagi nagpapalibre dito" sabi ni Bianca kaya natawa si Shirley. "Uy pag naging kayo dito mo siya lagi idate ha" banat ni Bianca kaya si Onofre naman ang natawa.

"O bakit? Kaya nga kita ininvite dito para matikman mo food namin para pag dates niyo dito nalang. May VIP reservations pa, basta itext niyo ako" hirit ni Bianca. "Ang bata bata mo pa ang dami mo nang alam" banat ni Onofre kaya super natawa si Shirley.

"Che, teka nga palagyan ko lason yung food mo" sabi ng dalaga saka umalis. "Alam mo without make up she is pretty" sabi ni Onofre. "Ewan ko ba diyan, I keep telling her that too pero make up ng make up" sabi ni Shirley. "Nakakatawa bakit yung ibang babae pag nag make up pumapangit sila?" tanong ng binata kaya natawa si Shirley.

"Napansin ko din yan, lalo na sa mga kasal" sabi ng dalaga. "Oo grabe, like my cousin who got married. Maganda yung pinsan ko pero sa wedding day niya oh my God pumangit dahil sa make up. Then mga ate ko din dahil sa make up di ko na sila marecognize" sabi ng binata.

"Hahahaha nasa make up artist din yon no" sabi ni Shirley. "Isa pa yung pageant sa school dati, e alam mo na boys will be boys so nakapasok kami sa back stage hahaha. Ang papangit na nila grabe, parang iba na itsura nila tapos ang kakapal ng make up"

"From crush material naging ewan bigla e" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga. "So ganon ka pala ha, pumupunta pa sa back stage ha" sabi ni Shirley. "Yeah, pero wala din kami nakita masyado it was total chaos" sabi ng binata. "Ano ba ineexpect mo makita?" tanong ng dalaga kaya natawa nalang si Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon