Chapter 11: Hinala

9K 173 14
                                        

Chapter 11: Hinala

Bago dinner time kinabit ni Onofre yung laptop sa TV nila. Nakaupo si Tomas, Clarisa at Olive sa sofa at si Karlo nakakandong sa kanyang lolo. "Okay so this is where we went today. Karlo who is that?" tanong ng binata saka tinuro si Nina sa screen.

"Ninny!" sigaw ng bata. "Yes that is Karlo's new playmate. Grabe enjoy na enjoy niya yung slide" sabi ng binata. "Saan yan?" tanong ni Tomas. "Ah sa park sa malapit kina Dani. Eto po si Dani, wait mamaya kasi siya yung kumukuha ng video" sabi ng binata.

"Bale saging business nila kaya madami kaming inuwing banana chips. Gustong gusto ni Kaloy actually kasi sakto lang tigas niya. Crunchy siya pero not that hard" sabi ng binata. "Wow Kaloy you had fun ah. Hala o sigaw ng sigaw ha" sabi ni Olive.

"Okay so you enjoy watching at maliligo lang ako" sabi ni Onofre. Pagkaalis ng binata napatingin si Criselda kay Olive. "I think inuunti unti niya" sabi ng matanda. "Oo nga po, pero maybe lets tell him that we know already" sabi ni Olive.

"Will you let him be. Let him be a man. Look the young girl is healthy and looks to be doing fine. At least I know where his money is going to. And what did you notice lately? He has not been drinking and naglessen yung pag smoke niya"

"Di niyo ba napansin yon? Dati e labas siya ng labas sa garden to smoke pero now he barely goes out" sabi ni Tomas. "Para di na siya mahirapan" sabi ni Criselda. "Hon, at least he is showing that he is responsible. Let us wait for him to tell us the truth. Siguro nga dinadahan dahan niya so antayin natin siya" sabi ni Tomas.

"Sabagay, today is the birthday of Ferds and Nof is at home. Dati dati pag may barkada siyang may birthday umaga palang wala na siya. Kanina tawag ng tawag sina Sly dito looking for him. They even came over to pick him up pero wala pa sila" kwento ni Olive.

"You see that, he is changing on his own" sabi ni Tomas. "Pustahan tayo ma anytime soon may bisita tayo" sabi ni Olive. "Awww ang cute niya e ano? Tignan mo halos pareho sila ng mata din ni Karlo" sabi ni Criselda.

Samantala sa loob ng kwarto ni Dani abala ang dalaga sa kakaupload ng mga photos at videos nang makatanggap siya ng private message.

Shirley: O dalawa na pala anak niyo

Dani: LOL. That is Karlo his pamangkin

Shirley: Joke lang. Ang cute ng reaction nila nung nalaglag si Nof

Dani: IKR! Pause video nga ako tapos screen grab ko e, ang cute nila

Shirley: Well yun lang. I just found them so cute

Dani: Uy wait do you have the number of Nof?

Shirley: LOL wala no. Ikaw meron non

Dani: He changed e. Dito lang kami Messenger nag uusap pero off siya now

Shirley: Baliw we kami friends dito or we don't each others numbers

Dani: Ah okay, ang slow naman na manligaw non

Shirley: Hahaha wag kang gagawa ng issue ha

Dani: Issue? E tuwing magkasama kami ikaw binabanggit niya e

Shirley: Hahaha baliw.

Dani: Totoo no. Akala ko naman nanliligaw na talaga siya sa iyo

Shirley: Nope.

Dani: Why di mo sya type ba? Okay naman siya ah

Shirley: He is okay.

Dani: Pero kulang, okay I get it

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon