Chapter 37: Tamporado

7.8K 163 26
                                        

Chapter 37: Tamporado

Huwebes ng bandang alas tres nakasimangot si Dani nang makita si Onofre sa gate nila. Lumabas ang dalaga para buksan yung gate, ang binata ngumiti saka pinasikat yung dala niyang supot. "Why are you here?" tanong ni Dani. "Its Thursday" sabi ni Onofre.

"I already told you I am not feeling well" sabi ng dalaga. "Ito naman nagtatampo agad. Sorry na if di kita mapuntahan kahapon" sabi ng binata. "Minsan lang ako hihiling kasi e, nakakatikim talaga ako ng brownies kahapon" sabi ni Dani. "Sinabi ko naman sa iyo nandon ako kina Shirley e" sabi ni Onofre.

"Yeah whatever, I am not feeling well" sabi ni Dani. "I brought ingridients for champorado, paluto nalang natin tapos kainin. Sakto bed weather tapos you are not feeling well. Aroz Caldo sana pero di ko alam ingridients non kaya eto mas madali at baka magustuhan ni Ninny" sabi ng binata.

"She is asleep" sabi ni Dani pero biglang bumukas yung pintuan, "Noooof" sigaw ni Nina saka nagtatalon kaya binuhat siya nung kasambahay. "Gising na. Pero sige kung ganyan kalalim tampo mo sa akin eto kunin mo nalang" sabi ng binata. "Tssss...lika na. Minsan lang talaga hihiling di pa mapagbigyan" bulong ng dalaga saka nauna papunta sa bahay.

Nagpakarga si Nina sa binata kaya agad sila naupo sa may dining area habang iluluto ng kasambahay yung tsamporado. "Nof Poo" sabi ng bata saka tinuro yung cartoon character sa dibdib niya. "Uy ang ganda ng pajama mo, yes that is Pooh, Winnie the Pooh. This one is?" tanong ng binata saka nagturo.

"Tiga" sabi ng bata kaya natawa si Onofre. "Tigger, Ti-gger" sabi ng binata. "Tiga" sigaw ni Nina saka pumalakpak. "Dani bakit ang layo mo? Dito ka din" sabi ng binata. "Gusto ko mahiga" sigaw ng dalaga na nakahiga sa may sofa.

"Ninny, your mommy is tamporado" sabi ni Onofre. "E ikaw e, isang hiling lang di mo maibigay" sabat ni Dani. "See that Ninny, she is mad at me. Baka last na pagkikita na natin ito. Bye bye Ninny" drama ni Onofre. "E di umalis ka" sabi ni Dani.

"Eto ate paki karga si Nina, aalis na ako" sabi ni Onofre kaya bumangon si Dani para tignan ang dining area kaya tumawa ang binata. "Che! Umalis ka na kung gusto mo" sabi ng dalaga. Tumayo ang binata at nagtungo sa sofa, "O eto kunin mo si Ninny" sabi ng binata pero ayaw magpapasa ng bata.

"Come Nins" sabi ni Dani. "Noooooo" sigaw ng bata saka yumakap kay Onofre ng mahigpit. "So I guess I have to stay" landi ng binata. "E di stay, dun ka nga" sabi ni Dani saka nahiga kaya si Onofre naupo sa may rug. "Look at her Ninny, she is mad o" sumbong ng binata kaya tinignan ng bata nanay niya.

"Ninny bad si Nof" sabi ni Dani kaya tinignan ng bata yung binata saka kinurot sa tenga. "Aray ko" bigkas ni Onofre. Nag German bigla si Nina na tila pinapagalitan ang binata kaya si Dani tumawa. "Sige anak pagalitan mo yan" udyok niya.

Tumayo yung bata saka pinalo ang binata sa braso saka tinuro turo. "Sorry Nof" sabi niya saka tinuro mama niya. "Wow she knows" sabi ng binata saka tinignan si Dani. "Sorry" sabi niya. "Hmmph" bigkas ni Dani saka pumikit. "Ninny ayaw o, mad parin o" sumbong ng binata.

Nalito yung bata kaya pigil tawa si Onofre. "She already heard I said sorry, now she does not understand why you are still mad at me" bulong niya. "Ninny bad si Nof" hirit ni Dani kaya pinagkukurot ng bata yung binata. "Aray ko, nag sorry na ako ah" reklamo ni Onofre. Muling nag German si Nina kaya ang binata lumuhod at nagsorry ulit. Tinignan ni Nina ang nanay niya pero si Dani pumikit.

"Sorry" narinig ni Dani saka nakaramdam ng halik sobrang lapit sa mga labi niya. Natili yung dalaga ng sobrang lakas kaya si Nina napatalon at natili din saka tumawa. "Nof" sigaw ni Dani kaya ang binata paspas na tumakbo papunta sa dining area.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon