Chapter 46: Step Closer
Isang araw sa isang bike trail inaayos ni Onofre yung upuan ng bike na hiniram niya. "Shirls akala ko naman trail na mala daredevil, ganito lang pala" sabi ng binata. "Away ko pa naman mamatay o masaktan no, ganito lang siya. Simple, mix ng simple, rough road konti, madaming pasikot sikot. Konting adrenaline rush lang naman" sabi ng dalaga.
"Be gentle on me" landi ng binata. "Hahaha oo first run natin we explore the trail then second run dapat mas mabilis na tayo" sabi ng dalaga. "Okay, so para bang practice ito tapos next time sa mas daring trail tayo?" tanong ng binata. "Lets see, ano tara?" tanong ng dalaga.
"Grabe ka naman, para kang si Baron, di ba pwede ano tara with cuteness?" biro ng binata. "Ano ka sirena? Tara na" sabi ng dalaga saka iniwan yung binata. Nung makahabol yung binata hingal ito, "Sabi mo check out the trail, bakit ang bilis mo?" reklamo niya.
"Grabe hingal ka agad?" tanong ng dalaga na nagpabagal. "Ewan ko, the bike is not cooperating" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga at tumigil. "Adjust mo naman kasi yung gears, hahaha grabe" sabi ng dalaga. "Excuse me marunong ako mag bike pero walang gears, di ba automatic ito?" tanong ni Onofre.
"No, here gayahin mo gears ko" sabi ng dalaga. "How?" tanong ng binata kaya napangiti nalang yung dalaga. Pag andar nila natawa si onofre. "Grabe akala ko sira tong bike, nagtataka ako bakit todo effort na ako parang di kumakagat o umaandar ng maayos" sabi ng binata.
"Hahaha kasi po yung gear mo kanina naka set siya for the tamad climbing. Basta how is that?" tanong ng dalaga. "Okay na, grabe feeling ko kanina weakling ako o nasira ko na tong bike. Sorry naman ignorante e" sabi ng binata. "Dikit ka lang, I will teach you when to shift if needed" sabi ng dalaga. "Okay" sabi ng binata. "Nof wag lang enjoy sa ride, be aware of the trail. Tulad mo alam mo saan dadaan, alam mo saan may butas lalo na dun sa papunta sa amin. Ganito din dito" sabi ng dalaga.
"Got it, pero Shirley sorry ha. Imbes na enjoyin mo ng husto ito e may inaalala ka pa" sabi ng binata. "Don't be silly Nof, mas maganda pag may kasama. Nof may butas..oh" bigkas ng dalaga at napaaray yung binata saka napatigil.
"Aray ko may balls" bigkas ng binata kaya laugh trip yung dalaga. "I told you to be aware" sabi ni Shirley. "Oh my God, natagtag...pag kotse okay lang pero bike ito and it freaking hurts" sabi ni Onofre na namilipit konti.
"And you thought it was easy huh" pacute ng dalaga. "Okay I get it now, okay na ako" sabi ni Onofre kaya nagsimula ulit sila. Pagbalik nila sa starting area nila tumigil muna sila. "May mga paahon din pala tapos pababa, grabe so ito pala ang trail" sabi ng binata.
"Yup, pag dito ka at titignan mo parang its not much ano? I am excited about the sharp curve doon tapos yung double curve near the end. Dati mahina ako sa ganon e" sabi ni Shirley. "Pero bakit tayo lang ang nandito?" tanong ng binata.
"Kasi old trail na ito actually, for me its quite new pero para sa mga dati nang bikers this is kinda super old. Baka nagsawa na sila" sabi ng dalaga. "Oh, e saan kayo dati?" tanong ni Onofre. "Doon sa may bago" sabi ni Shirley.
"Huh, if mas bago that means its much better right?" sabi ng binata. "True pero mas madami din tao. Kaya nga nagkatagpo sila e, diba? Tinamad lang ng isang araw napalitan na" sabi ni Shirley. "Uy don't think of it that way naman" sabi ng binata.
"I know, everything has a reason. So ano gusto mo don tayo sa bago para habang nasa trail naalala ko siya? Gusto mo mag beast mode ako at maging daredevil sa galit ganon?" biro ng dalaga. "Hahaha pero up to now you are mad?" tanong ni Onofre.
"That was just a joke, wala na siya sa sistema ko" sabi ng dalaga. "One more round please, getting to know the trail better" sabi ni Onofre. "Sure" sagot ng dalaga kaya umandar na sila. "You know what Nof, I rushed into that relationship" sabi ng dalaga.

BINABASA MO ANG
YAYO
Roman d'amourIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.