Chapter 9: Tukso

8.8K 193 10
                                    

Chapter 9: Tukso

Napatigil si Shirley nang may magandang lumapit kaya napalingon si Onofre. "Mommy" sigaw ni Nina kaya agad tumayo yung binata. "Ah.." bigkas niya at nalito siya bigla pagkat di niya alam saan niya papaupin yung nanay ng bata.

"Mama look...look" sabi ni Nina saka pinasikat agad yung relo niya. "You bought her a watch?" tanong ni Dani. "No, teka nga, Dani this is Shirley.." sabi ni Onofre. "Ay oo nga, siya yung crush mo diba?" bigkas ni Dani kaya namula si Onofre habang si Shirley nagtakip ng bibig para matawa.

"Kyaassss" bigkas ni Nina saka tinuro si Shirley. Lumapit si Dani saka inabot kamay niya, "Hello" bati niya. "Dito na ako, tabi na kami" sabi niya saka naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Shirley.

Naupo narin si Onofre saka inabot yung menu sa nanay ng bata. "Wala naman nagbago sa buhok mo, I mean mahaba parin. I was expecting it to be shorter" sabi ng binata. "Di ka babae kaya di mo alam" sabi ni Shirley kaya natawa si Dani. "Uy wait, are you two supposed to be on a date? Hala alis nalang kami ni Nins" sabi ni Dani.

"Geez, no date" sabi ni Onofre. "Chance encounter lang, inidian ako ng mga friends ko kasi at sakto nakita ko sila sa toy store sa taas" sabi ni Shirley. "Sure?" hirit ni Dani kaya tinapik na ni Onofre noo niya na ginaya naman ni Nina.

"Oh sorry, buti napaupo mo siya sa chair" sabi ni Dani. "Humiram kami ng boxes, ayaw niya dun sa high chair. Sabi ko kandong pero gusto sariling upuan" sabi ni Onofre. "Uy sorry ha, nag window shop pa ako konti. Sana nag order na kayo" sabi ni Dani.

"Sabay sabay na, basta kay Ninny its chi..." bigkas ng binata. "Chicken!" sigaw ng bata. "Ano ba yan Ninny, they both look pretty no tapos look at me I look like your driver" biro ni Onofre. "Uy Shirley sorry if he looks that way ha, kasi naman tinawagan ko siya bigla"

"Nins was not cooperating and I needed the haircut. So ayan, ganynan na siya" sabi ni Dani. "Okay lang summer pa naman" sagot ni Shirley. "U yang bait ng sagot mo ah, ineexepect ko sabihin mo bagay ko" sabi ni Onofre. "Well, si Ninny ang nagdala. Karga mo siya kaya di nahalata ng ibang tao suot mo. Try mo tumayo don sa labas ngayon na wala si Ninny" banat ni Shirley kaya natawa si Dani.

Ilang minuto lumipas nakatanggap ng text si Shirley pero agad din niya tinago phone niya. "Mga friends mo?" tanong ni Dani. "Yeah, bukas nalang daw kami manood ng sine" sabi niya. "Ay alam mo ang tagal ko nang hindi nanood ng movie...gusto mo...ay hindi nalang pala" sabi ni Dani saka tinignan si Onofre.

"Sauce, nahiya ka pa. Nandito na nga e, if you want to watch a movie then go watch a movie" sabi ng binata. "Hindi na nakakahiya na sa iyo, tapos iniwan mo pa car mo sa carwash diba?" sabi ng dalaga. "Okay lang kilala ko naman sila" sabi ng binata.

"Lets go, pambawi ko sa friends ko. Panoorin ko na tapos ikwento ko sa kanila sa chat at text" sabi ni Shirley kaya natawa si Dani. "Ikaw may pagkamaldita ka din talaga ano" sabi ni Onofre. "E they stood her up so tama lang" sabi ni Dani. "Ay magkakampi na kayo bigla, Ninny give it to me" sabi ng binata saka hinarap kamao niya sa bata.

Tinignan lang ito ni Nina kaya laugh trip sina Dani at Shirley. "Ay may napahiya o" sabi ni Shirley. "Ay hindi ko pa pala naturo sa kanya. Kay Karlo pala naturo yon" sabi ng binata. "Nof so pwede ba?" tanong ni Dani. "Hala to, if you want then okay lang. Wala naman ako gagawin e kaya lang si Ninny ayaw sa toys, sabi ko tatambay kami sa toy store pero di siya interesado" sabi ng binata.

"Next time nalang siguro yung movie" sabi ni Dani. "Grabe ka nandito na, go for it. Me and Ninny can go get my car then drive around a bit maybe then balik kami dito" sabi ng binata.

"Tara, gusto ko narin kasi mapanood yung movie na yon and I am sure the movie I am talking about is the one you want to watch kasi nandon si..." sabi ni Shirley at sabay sila nagtilian kaya si Nina nagtitili din. "Okay, pero Nof uy sure ka okay lang?" lambing ni Dani.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon