Chapter 10: Tuliro
"Nof do you know a lot about cars?" tanong ni Dani. "Anong ibig mo sabihin? Di ako expert pero alam ko alagaan yung kotse ko" sabi ng binata. "Kasi iniisip ko if magpapabili narin ako. Kahit second hand lang sana" sabi ng dalaga.
"Marunong ka ba magdrive?" tanong ni Onofre. "Oo naman" sabi ng dalaga. "My sister knows how to drive but my dad does not let her drive if kasama si Karlo. Dani di sapat yung marunong" sabi ng binata.
"Marunong ako no. Gusto ko lang sana yung maliit lang" sabi ni Dani. "Is that Ninny? Boses niya yon?" tanong ni Onofre. "Yup, habang kausap kita nandon sa bed nagkukunwari kausap ka din" sabi ng dalaga.
"Alam mo ba Karlo does that too, pag mag isa siya he talks. Ganyan na ganyan, walang sense pero daldal ng daldal" sabi ni Onofre. "Wait is Karlo there?" tanong ni Dani. "Hahaha nabasa mo utak ko ah, teka kunin ko" sagot ng binata.
Nung kasama na ni Onofre si Karlo, nakakandong narin si Nina kay Dani. "Say hello baby, sige na" sabi niya. "Hello" bigkas ni Nina. "Speaker phone para marinig natin" sabi ni Onofre at satko narinig naman ni Dani yung sigaw ng binata.
"Noofff" hiyaw ni Nina. "Hello" bigkas ni Karlo kaya nanlaki ang mga mata ni Nina saka tinignan nanay niya. Nagsimulang mag baby talk si Karlo, si Nina sumigaw at nag baby talk din kaya laugh trip sina Dani at Onofre.
Palitan ng sigaw yung dalawang bata kaya tawa ng tawa si Onofre. "Dani may idea ako, what if we let them play. Pero wala ako alam na play area for kids" sabi ni Onofre. "Dito sa amin may park" sabi ni Dani.
"Ay shoot oo nga no, nadaanan ko last time nung sinubukan ko yung long route. May swing at slides don na maliit" sabi ni Onofre. "Yeah, pag di ako tinatamad I bring Nins there" sabi ni Dani.
"Busy ka ba? Wala kayo lakad?" tanong ni Onofre. "Wala naman, you coming over?" tanong ni Dani. "Oo ipapasyal ko si Karlo. Okay lang ba?" tanong ng binata. "Yeah sure, sige ba para for a change makalaro din si Nins" sabi ng dalaga.
Bandang alas diyes narinig na ni Nina yung busina. "Mama! Mama! Noff!" hiyaw ng bata. "Yes yes wait lang anak" sabi ni Dani. "Mama! Nof! Nof!" sigaw ni Nina saka hinampas yung pintuan. "Oo anak, grabe ka nag aayos pa si mama e" sabi ng dalaga.
Pagbukas ng gate napatigil si Nina nang makita na may kasamang batang lalake si Onofre. Nagtago si Karlo sa likuran ng binata kaya si Dani natili. "Ang cute cute niya" bigkas niya. "Mama sino? Sino mama?" tanong ni Nina saka tinuro yung bata.
"Karlo naman e, sige na don't be shy" sabi ni Onofre. Lumapit na sina Dani at Nina, yumuko yung dalaga saka inabot yung batang lalake. "Hello there cutie" sabi niya. "Nof sino?" tanong ni Nina. "Karlo" sagot ng binata. "Kalo?" bigkas ng dalaga kaya natawa si Onofre.
"Kaloy nalang, Kaloy" sabi ng binata. "Kaluuuuyyyy" bigkas ni Nina kaya sumulip yung batang lalake. "Uy there you are, hello Kaloy. This is Ninny" sabi ni Dani. "Kaloy sige na, this is Ninny and tita Dani" sabi ni Onofre kaya tumingala yung batang lalake para tignan si Dani saka tinignan si Ninny.
"Good sila Kaloy, play kayo ni Ninny gusto mo?" lambing ni Onofre. "Play" bigkas ng bata. "Play!" sigaw ni Nina saka tumalon talon kaya si Kaloy tumalon talon narin. Natuwa sobra si Dani lalo na nung humarap na si Karlo kay Nina.
"Nice, get in the car" sabi ni Onofre. "Wag na, lakarin nalang natin no. Malapit lang yon" sabi ni Dani. "Ikaw bahala" sagot ng binata. "Come on lets walk. Go to the park" sabi ni Dani. "Park! Yehey! Park! Park! Swing mama! Swing" sabi ni Nina.
"Yes anak" sagot ni Dani. "Kaloy swing! Swing!" sigaw ni Nina kaya nagtalunan yung mga bata. Limang minutong lakad biglang tumakbo si Nina. "Ninny! Uy Kaloy! Madapa kayo" sigaw ni Onofre kaya si Dani napangiti. Si Nina dumiretso sa swing habang si Karlo napatigil sa tabi ng slide.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.