Chapter 12: Dark Side

8.7K 198 45
                                    

Chapter 12: Dark Side

Sa loob ng grocery panay ang bangga ni Veronica kay Dani. "Ano ba?" reklamo ni Dani. "Wala lang, lagi kayong magkasama ni Nof" landi ni Veronica. "Selos ka?" banat ni Dani kaya natawa si Veronica.

"So ano ba? Meron ba?" tanong niya. "Wala gagi to. Parang second BFF ko lang, bakit interested ka? Sabihin mo lang bes pero alam mo if ever interested ka naku go for it. Di ka magsisisi" sabi ni Dani. "O bakit mo pinapasa sa akin?" landi ni Veronica.

"Ang kulit mo ha. Ayaw mo maniwala? Tara tara itanong natin siya" sabi ni Dani. "Uy grabe wait, nagbibiro lang ako no" sabi ni Veronica. "Wag kasi ganon na joke no. Just because he is a guy hindi ko na siya pwede maging BFF din?" tanong ni Dani.

"Ganon naman diba? If may BFF kang guy laging may issue" sabi ni Veronica. "Kay Nof wala, ang bait niya pero malakas tama ng katamaran minsan" sabi ni Dani. "What do you mean?" tanong ni Veronica.

"Look at him, nakapambahay lang. Ayaw niya actually lumabas today pero pinilit ko siya na samahan tayo no" sabi ni Dani. "Pinilit mo lang? Bakit mo pinilit?" tanong ni Veronica. "Para after this we can go around for a while" sabi ni Dani.

"Wow user ka na" sabi ni Veronica. "Friends nga e at wala naman daw siya ginagawa so now meron na" sabi ni Dani. "Grabe ka, taking advantage ka naman na" sabi ng kaibigan niya. "Last na talaga, kasi naman pag lalabas ako gusto sumama ni Nins lagi e" sabi ni Dani.

"Babayaran naman e" narinig nilang sigaw ni Onofre kaya napatakbo sila. "Ayan o ayan o, nandyan lahat ng kinain namin o. Regular naman ako dito ah. Ayan umiyak na yung bata kasi tinakot mo gago!" sigaw ng binata saka kinarga si Nina.

"Sir baka kasi di niyo bayaran" sabi ng isang undercover guard. "Bago ka siguro dito! Tawagin mo manager, dalian mo!" sigaw ni Onofre. "Nof what happened?" tanong ni Dani. "E gago yan e, akala niya siguro di ako magbabayad. Kaya nga nilalagay parin sa cart yung wrapper at mga box ng juice e" sabi ni Onofre.

Inabot ng binata si Nina sa nanay niya nang makita niya yung assistant manager. "O diba you know us? Regular kami diba? Tapos ngayon sisitain ako nitong bagong tauhan niyo. Ayan o mga pinagkainan. A lot are doing it at wala naman napaskil na rule na bawal kumain or tikman before di pa bayad"

"Look around, kaya nga sikat kayo kasi you allow this to happen pero just because I look like this now sinita ako? Discrimination na ito" sigaw ni Onofre. "Sir please calm down. Sir I apologize for the misunderstanding" sabi ng assistant manager. "Anong misunderstanding? Porke ganito suot ko sinita ako pero yung super sexy chick na naka pipi shorts kanina na kumakain ng cheese balls okay lang kasi maganda"

"Ayon o! Nakapila na, pabukas mo yung can at makikita mo dami nang bawas" sabi ng binata. "Nof tama na, let it go" sabi ni Dani. Kinuha ni Onofre si Nina saka pinaupo ulit sa loob ng cart. "Nakakasira ng grocery experience, nyeta" sabi ng binata saka tinulak yung cart palayo.

"Hey what the hell was that?" tanong ni Dani. "Tsk sorry pero di naman ako magrereact ng ganon if hindi niya pinaiyak si Ninny" sabi ng binata. "What did he do?" tanong ng dalaga. "Inopen ko yung bagong chocolate tapos yung kupal na yon inagaw sa akin kaya ayon umiyak si Ninny" sabi ng binata.

"Grabe ka, ang dami mo na pinakain sa kanya" reklamo ni Dani. "O wag mo papalitan yung issue. Stick to one issue" sabi ni Onofre kaya pigil tawa si Veronica. "Fine pero sana naman nag tone ka, kawawa naman yung guy" sabi ni Dani.

"Kawawa? Discrimination yon. Talagang hinayaan niya yung sexy chick, she ate cheese balls tapos uminom pa ng Gatorade" sabi ni Onofre. "Baka hindi niya nakita" sabi ni Dani. "Impossible, he followed her and yes we followed her too" landi ng binata.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon