Chapter 41: Killing Instinct

7.9K 167 24
                                        

Chapter 41: Killing Instinct

Habang nakatapat sa isang movie poster inis na inis si Dani. "Nagulat talaga ako, seeing someone sabi niya tapos ako pala" sabi ni Onofre. "Geez, ilang beses mo na sinabi yan ah. I already congratulated you" sabi ng dalaga. "To naman, can't you be happy for me? Ngayon ko lang nararamdaman yung ganito" sabi ng binata.

"Eto, panoorin natin ito" sabi ng dalaga. "Huh, bakbakan yan. Diba ayaw mo ng ganyan?" tanong ni Onofre. "Madaming patayan, gusto ko ito. Paminsan minsan maganda din manood ng patayan e, yung puno ng anger and violence" sabi ni Dani. "Why? We can watch another movie, ayun o may bagong love story" sabi ng binata.

"Di ako makakarelate, ikaw baka maka relate ka. Gusto mo yon? Ako gusto ko itong patayan, madaming patayan, madaming madaming patayan" sabi ni Dani. "Dani are you okay?" tanong ni Onofre. "I am fine, so ano would you like to watch this movie with me or mas prefer mo yang love story kasi in love ka" tanong ng dalaga.

"Ikaw nalang mamili, yung gusto mo nalang" sabi ng binata. "O ano nanaman? Turn mo mamili today, nag suggest lang ako ng patayan pero ikaw parin masusunod" sabi ni Dani. "Well I just thought I could open up to you" sabi ng binata. "Nof, can't you see I am teaching you a lesson?"

"Pag may kasama mo yung mahal mo...wait this is a lesson okay?" sabi ng dalaga. "Yes" sagot ng binata. "Okay, as I was saying pag kasama mo nga basta yon o do not talk about other girls. Kasi look baka mamaya magkasama kayo tapos nasanay ka na with me talking about anything"

"Tapos may mabanggit ka na girl, naku that is going to be a big problem lalo na pag manhid ka" banat ni Dani. "Manhid ba ako?" tanong ng binata. "Sinasabi ko lang, so consider this training. Do not talk about her when you are with me. O diba? Para masanay ka na later on na pag kasama mo siya you also don't talk about me or else baka mamatay yan sa selos" banat ni Dani kaya natawa yung binata.

"O bakit ka tumawa? Akala ko ba close tayo? Dapat kakampi mo ako ah. Why don't you find me pretty?" tanong ni Dani. Biglang hinaplos ng binata yung pisngi ng dalaga saka ngumiti, "I always found you very pretty Sophia" sabi ng binata kaya niyuko agad ng dalaga ulo niya pagkat ramdam niya yung biglang pag iinit sa mukha niya.

Kinurot niya yung binata sa tiyan kaya si Onofre napailing. "Aray ko" sabi ng binata. "Why did you call me Sophia?" tanong ng dalaga bilang palusot. "Ha? Its your name" sabi ng binata. "Alam ko pero nasanay na ako sa Dani, biglang Sophia ka with matching haplos. Pinagprapraktisan mo ba ako? Kasi S name niya so Sophia din gagamitin mo sa akin?" tanong ng dalaga.

"Hala, S si Sly, S si Shirley, S ka din. Wow imagine that lahat ng babae na malapit sa akin letter S" sabi ng binata. "Oo nga, pero sino ang closest?" tanong ni Dani. "Hmmm dati si Sly pero nagka falling out, si Shirley naman...ikaw" sabi ng binata.

"Ako? Alam ko si Shirley" sabi ng dalaga. "Ikaw nga, ganito yan from a friend level standpoint. You or Shirley, so its going to be you. Yup ikaw talaga" sabi ng binata. "From another standpoint?" tanong ni Dani. "Anong standpoint?" tanong ni Onofre.

"Ewan ko sa iyo, ikaw nagpapauso ng standpoint e" sabi ng dalaga. "Hahaha wala naman iba so far. So my very beautiful friend what movie would you like to watch, you choose" lambing ng binata kaya paspas na humarap si Dani sa isang poster pagkat kinikilig siya.

Nanigas si Dani nang dumikit yung binata saka yumakap mula likuran. "Ikaw ah, nahiya ka pa eto pala gusto mo cartoons" sabi ni Onofre. Di nakasagot si Dani lalo na nung hininga ng binata baba niya sa balikat ng dalaga. "How I wish Ninny was older a bit to understand movies para kasama natin siya to watch this" bulong ng binata.

"Kaya nga e" sagot ni Dani. "Hmmm you smell nice, new perfume?" tanong ni Onofre saka bumitaw. "Okay ba?" tanong ng dalaga. "Yeah, ang bango niya at sakto lang siya. Di tulad nung lagi mong gamit medyo malakas" sabi ni Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon