Chapter 59: Not Alone
Huwebes sa may main gate ng paaralan ni Dani nagulat si Onofre nang makita ang dala karga ang kanyang anak. "Kuya visitor" sabi ni Dani sa guard inabot yung visitor's pass sa binata. "Suot mo yan tapos pakikarga nga si Ninny" sabi ni Dani.
"You brought her to school?" tanong ni Onofre. "Nooofff" bigkas ni Nina kaya agad siya binuhat ng binata. "May meeting kami saglit, libot libot muna kayo ha or sa canteen kayo. Sorry talaga pero nakakainis ginawa nila kasi akong officer" sabi ng dalaga.
"Okay, sige ako na bahala" sabi ng binata. "Baby mommy will be back ha, school lang" sabi ng dalaga saka tinuka anak niya sa labi. Pagkalayo ng dalawa kumaway pa si Nina. "School mama Nof" sabi ng bata. "Yes baby. You want to eat?" tanong ng binata. "Walk" sabi ng bata.
Habang naglalakad ang daming pumapansin kay Nina kaya ang bata todo ngiti. "Ninny when you grow up dito ka din mag school siguro" sabi ng binata. "Ninny school" sabi ng bata. "Yes but not like this, school for kids first" sabi ng binata. "Mama" bigkas ng bata saka nagturo kaya natawa si Onofre.
"No baby, kahawig lang pero very good eyes Ninny ha very pretty girl too" sabi ng binata. Tahimik yung bata bigla at titig sa isang babae na kumakain ng turon. "Nof anoh?" tanong niya. "Turon, you want turon?" tanong ng binata. Tumingala ang bata saka tinaas mga kamay niya. Pagkabuhat sa kanya ng binata tinuro niya ulit yung babae.
Nilapitan ni Onofre yung babae, "Hi miss, ah pwede malaman saan mo nabili yung turon?" tanong ng binata. "Tron" bigkas ni Nina kaya naaliw yung babae. "Ang cute, sa canteen" sagot niya. "See that Ninny its also banana" sabi ng binata. "Banana?" bigkas ni Nina kaya pinakita naman ng dalaga yung kinakain niya. "Yes banana wrapped in wrapper, then it has brown sugar ata or something like that" sabi ni Onofre.
"Nof tron" sabi ni Nina. "Okay baby, miss salamat" sabi ni Onofre. "Ang cute ng anak mo" sabi ng dalaga. "Salamat" sagot ng binata saka naglakad na palayo. "Did you hear that baby? Ang cute mo daw" sabi ng binata saka tinuka ang bata sa pisngi.
Ilang minuto lumipas pumasok si Dani sa canteen at nakita agad si Onofre at Nina. Pagkaupo niya pinasikat ni Nina yung kinakain niyang turon. "Tron mama sarap" sabi ng bata. "Ay naku sweets again" sabi ni Dani. "Gustong gusto niya, second na ito" sabi ng binata.
"Second? Ang laki niyan ah" sabi ni Dani. "Syempre hati kami. Type niya yung crunchy wrapper na matamis" sabi ni Onofre. "Nung gumawa si lola ayaw mo" sabi ng dalaga. "Tron sarap" sabi ni Nina saka kumagat at ngumuya ng dahan dahan.
"Ano gusto mo? Kunan kita" sabi ng binata. "Hindi na, kasi kanina pa niya binabanggit yung fries" sabi ni Dani. "Fries. Yoko na" sabi ni Nina saka dinikit yung turon sa bibig ng binata. "Ay Ninny ah, fries again. Utotin ka ulit mamaya" sabi ng binata saka gumawa ng tunog ng utot na kinatuwa ng bata.
Super tili si Nina saka tumawa ng malakas, kumagat si Onofre sa turon saka tinignan si Dani. Ngumiti yung dalaga kaya nilapit ng binata yung turon sa bibig niya. Kumagat si Dani at biglang nainggit yung bata. "O akala ko ayaw mo na?" biro ng binata saka nilalayo yung turon.
"Nof! Tron please" lambing ng bata. "Ay wow, saying please often now" sabi ni Dani sa tuwa. "Of course, Ninny has manners. Here bite baby" sabi ng binata kaya napangiti yung dalaga ng husto.
Ilang minuto lumipas sa parking area, "Toot toot" bigkas ni Nina kaya nagtawanan sina Dani at Onofre. Tumawa si Nina saka tinignan nanay niya, "Mama toot toot" sabi ng bata. "Toot toot daw" sabi ni Onofre kaya inunlock na ng dalaga yung kotse niya.
Sa loob ng mall habang naglalakad may isang lalake na biglang bumangga kay Nina sabay sabi lang ng "Oops" saka umalis. Ang bata nadapa kaya agad lumuhod si Dani. "Gago ka ba?!!!" sigaw ni Onofre kaya nagulat ang lahat ng tao sa paligid. "Nabangga mo yung bata, nakita mo nang nadapa tapos didiretso ka lang?! Ha?!" hiyaw ni Onofre sa galit saka pinagtutulak yung astiging lalake na taas noo pa.

BINABASA MO ANG
YAYO
Roman d'amourIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.