Chapter 3: Friends

9.4K 188 10
                                    


Chapter 3: Friends

Kinabukasan ng alas sais ng umaga magkasama sina Dani at Veronica sa beach front. "Hahaha hingal ka na" kantyaw ni Veronica pagkat ginagaya ni Dani yung ginagawa ni Onofre sa bata kahapon.

"Tama na anak, pagod na si mama" sabi ni Dani. "Joel! Joel lika dito!" sigaw ni Veronica kaya lumapit yung isang barkada nila. "Ayan go to ninong" sabi ni Dani. "Bakit? Lalangoy kayo?" tanong ni Joel. "Hindi, kargahin mo tapos magpahabol ka sa alon, gustong gusto niya yon" sabi ni Veronica.

"O sige, come baby" sabi ni Joel pero yumakap yung bata sa nanay niya ng mahigpit. "Nooofff" bigkas niya kaya natawa si Veronica. "Wala si tito Noff anak, si tito Joel muna" sabi ni Dani. "Come baby" sabi ni Joel pero binaon ng bata mukha niya sa leeg ng kanyang ina.

"Ayaw niya, thanks nalang Joel" sabi ni Dani. "Hala ka, may attachement na ata siya kay Nof" sabi ni Veronica. "Oo nga e, pero alam mo he is an okay guy" sabi ni Dani. "Naks, what do you mean okay?" tanong ni Veronica. "Baliw, okay as in okay na tao no" sagot ni Dani.

"Uy siya nga pala magkano nagastos mo sa dinner?" tanong ni Veronica. "Tsk wala nga e" sabi ni Dani. "See that I told you. Diba sabi ko sa iyo" sabi ng kaibigan niya. "Oo pero nakakahiya sobra pero uy icheck mo pala FB ko, bago profile photo ko don. Grabe ang ganda ng kuha niya sa amin against the sunset" sabi ni Dani.

"Wait photographer siya? Or hobby niya lang" sabi ni Veronica. "Hindi, sumasabit lang daw siya sa ex ng ate niya na photographer kasi daw madaming models" sabi ni Dani. "Ay so he is that kind of guy" sabi ni Veronica.

"Parang, pero parang hindi naman ata" sagot ni Dani. "Well sama ka na, tapos iwan mo ulit si Nins sa kanya" biro ni Veronica. "Uy grabe ka nakakahiya na ano" sabi ni Dani. "Ikaw din, sabi mo nasa bucketlist mo ang zipline at banana boat" sabi ni Veronica.

Biglang natawa si Dani kaya nagtaka kaibigan niya. "Sorry kasi kahapon he mentioned na pinag ipunan daw niya tong trip to be with his long time crush. Kaya lang yung crush niya e naging sila na nung isang barkada niya. Kaya daw buti nalang naiwan siya or else baka tinulak daw niya sa zipline yung dalawa" kwento ni Dani kaya natawa si Veronica.

"Aray, so you mean to say dito niya lang nalaman na naging sila?" tanong ni Veronica. "Yeah, bale the other night naglasing daw tapos pinagtripan siya ng mga barkada niya so he ended up at our place" sabi ni Dani. "Oh take advantage na, mabait naman siya so try mo kausapin na alagaan niya ulit si Nins for today para makasama ka" sabi ni Veronica.

"Gusto ko talaga sumama pero nahihiya na ako sa kanya. Baka may plans siya for today" sabi ni Dani. "Tara lets go ask" sabi ni Veronica. "Hmmm what if ikaw kaya magtanong?" tanong ni Dani. "Hahaha baliw, mas kilala mo siya no. Bring Nins para di siya makatanggi" biro ni Veronica.

"Hmmmm wag na, nakakahiya na masyado" sabi ni Dani. "Tara samahan kita. Akin na si Nins tapos ikaw yung kumatok sa cottage nila" sabi ni Veronica. "What if ikaw yung magsabi, nahihiya na talaga ako sa kanya e" sabi ni Dani. "Sige tara, akin na ako bubuhat kay Nins" sabi ni Veronica.

Sa may pintuan ng cottage nina Nof kumatok si Dani, biglang tumakbo si Veronica dala yung bata kaya natili ng malakas at natawa si Niña. "Uy Nica!" sigaw ni Dani sa inis pero bumukas na yung pintuan. Isang matangkad na kulot na binata ang bumukas ng pintuan at natulala sa kagandahan ni Dani.

"Ay hello good morning, is Nof there?" tanong ng dalaga. "Nof? Si Nof? Ah teka lang" sabi ng binata saka tumakbo papunta sa dining area. "Uy guys, may magandang babae na naghahanap kay Nof. As in ang ganda niya, tisay na matangkad" sabi niya.

Takbuhan yung boys sa pintuan kaya si Dani biglang nahiya na. "Nof! Nasan si Nof? Hoy tawagin niyo nga. Hi miss teka lang ha" sabi nung isang lalake. "Nasa likod!" sigaw nung isa. "Ah miss nasa likod siya, ah pasok ka daan ka nalang sa back door" alok nung isa.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon