Chapter 5: Barkada

8.7K 181 18
                                        

Chapter 5: Barkada

Bandang alas tres ng hapon pinaghihila ni Veronica at Dani si Onofre papasok sa kanilang cottage. "Sige na kasi, we bought so much food. Di kami kumain kanina so early dinner narin ito. As in ang daming food" sabi ni Dani.

"Ah oo sige ah babalik ako" sabi ng binata. Yumakap si Nina sa isang paa ng binata at sigaw siya ng sigaw. "O yan sige ka, sige na kasi" sabi ni Veronica. "Okay sige pero nahihiya ako sa friends niyo" sabi ni Onofre. "Tsk ano ka ba, yung nangyari kanina wala yon. Lika na pakilala ka namin sa lahat" sabi ni Dani.

Pagpasok nila nakilala ng binata ang lahat ng mga barkada ni Dani. "Maupo ka muna kasi bibili pa sila" sabi ni Ton. "You lied, sabi mo meron na" sabi ni Onofre. "Para umoo ka na agad, mama Ton wag mo papaalisin" sabi ni Veronica kaya kumandong pabiro yung bading.

"Shoooooo!" hiyaw ni Nina, tumakbo siya pasugod saka tinulak si Ton paalis sa hita ni Onofre. Nagtawanan ang magbabarkada, pinanood nila yung bata na sumusubok umakyat sa hita ng binata. "Nooofff..Noffff up up" bigkas niya kaya bumigay na si Onofre at kinandong yung bata.

"Ay may ipapakita pala ako sa inyo" sabi ni Onofre. "Uy ano ka ba! May bata, tara sa kwarto" biro ni Ton kaya natawa ng malakas si Onofre na ginaya naman ni Nina. "Eto video, Dani you should see this" sabi ni Onofre.

"Ay si Nins! Lumalangoy!" sigaw ni Veronica. "Omaygaaaa is she really swimming?" tanong ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina saka tinuro ang sarili niya sa video. "Hala lumalangoy! Guys look! Hala" sigaw ni Veronica habang si Dani naupo saka naging teary eyed.

"Hindi naman langoy as in langoy, parang tatawid lang. Basta long story" sabi ni Onofre. "Wow ang galing galing ni Nins" sabi ni Joel. "Hoy mamaya na yan di naman mawawala ang video. Pumunta na kayo at bumili" sabi ni Ton kaya biglang tumayo si Onofre at dinukot wallet niya.

"Pre kami na" sabi ni Joel, hinila din ni Dani si Onofre para maupo kaya ang binata napakamot nalang. Nakakandong si Nina kay Ton at pinapanood nila yung video kaya si Dani napatingin kay Onofre. "How? Did you teach her?" tanong niya.

"Ay sino tong pretty na ito?" tanong ni Ton. "Kyassss" sigaw ni Nina saka tinuro si Shirley sa video. "Patingin nga" sabi ni Dani kaya nagpalit sila ng pwesto ni Onofre. "Ayan siya Dani, that is her" sabi ng binata.

"Ay oo ang pretty niya. Mas maganda pa siya kesa kay Sly" sabi ng dalaga. "She helped, wala naman talaga balak lumangoy pero me and Ninny ended up by the pool area e. Una nagbabad lang kami sa kiddy pool then biglang dumating si Shirley" sabi ni Onofre.

"Wait, she gave you her name? Wow, yiheeee congrats" landi ni Dani. "Tsk lets not talk about it. Wala na yon, as I was saying nung nandon siya nagka idea ako so I went to buy floaters and shorts, buti meron nagtitinda sa labas na mura kaya ayan. At first grabe iyak niya sa tubig pero umokey naman" kwento ni Onofre.

Biglang inagaw ni Dani anak niya saka pinaghahalikan ito sa pisngi at labi. "Ang galing galing mo anak, I wish I was there. Tsk..hay" sabi ng dalaga. "Ay sorry if I went overboard. Biglaan lang yon talaga, I didn't mean to..." sabi ni Onofre pero humarap si Dani sa kanya saka ngumiti.

"Ang daming pictures pero karamihan si Shirley at Nins" sabi ni Veronica kaya biglang natawa si Onofre. "Para paraan lang yan" sabi niya kaya natawa narin bigla si Dani. "Habang nauto kuha ng kuha ng photo, sabi ko hawakan niya si Ninny para may photo siya sa pool. Hahahaha pero sa totoo wala ako balak kunan si Ninny" sabi ni Onofre kaya doon na natawa si Ton.

"O meron pa kayong kuhang tatlo...ay bad ka di na nakuha si Nins" sabi ni Veronica. "Nilihis ko, tsamba shot, check mo yung iba blurred...chance na kaya hala sige pindot ng pindot" sabi ni Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon