Chapter 52: Mortal
"Hoy Boolbs saan mo ninakaw tong kotse na ito?" tanong ni Shirley. "This is mine" sagot ng binata saka tumingin sa rear view mirror. "Kukuha ka sasakyan compact pa ang laki laki mong tao ka. Nof ilibre mo nga yan ng common sense" banat ng dalaga kaya natawa si Onofre.
"Grabe kayong dalawa, sana naman naupo ka dito sa harapan Nof" sabi ni Bernard. "Balak mo pa siya ahasin sa akin? My God Boolbs" banat ni Shirley kaya inuga nalang ni Bernard ulo niya. "Sino ba kasi nakaisip ng reunion na ito?" tanong ni Shirley.
"Anak ni teacher Glenda kasi she is dying daw" sabi ni Bernard. "What? Gago ka wag kang nagbibiro ng ganyan favorite teacher natin lahat yon" sabi ni Shirley. "No joke, favorite batch niya daw tayo so her son Gerry tried to contact all of us. Kasi lagi daw tayo ang kwento niya up to when she retired" sabi ni Bernard.
"Ano sakit niya?" anong ni Shirley. "Breast CA" sagot ni Bernard. "Oh my God medical terms di na ako makakasabay" sabi ni Onofre. Niyakap ni Shirley yung braso ng binata, "CA is cancer" lambing niya. "Oh pero diba pag ganon e aalisin lang kasi yung asawa ng boss ng daddy ko ganon at nakasurvive naman" sabi ni Onofre.
"Yes but not for all. Kumalat na daw e" sabi ni Bernard. "Hala kawawa naman" sabi ni Shirley. "Pero no one must talk about it. Gerry said lets all be happy kasi ayaw niya ipaalam daw she is dying" sabi ni Bernard. "How the hell are we going to that now? Alam ko na e, eeesh sana di mo sinabi"
"Nof kailangan talaga nito ng common sense" sigaw ni Shirley. "E ikaw!" sigaw ni Bernard. "Ano pare?" tanong ni Onofre kaya umatras yung binata. "Hahahahaha bleh, ano may sasabihin ka ba?" landi ni Shirley. "Madaya ka! Pano ako babawi ng maayos? So one sided na ngayon ang laban, this is unfair" sabi ni Bernard.
"Pre, ayos lang bumawi basta sa maayos na paraan. Pasensya ka na kasi if she gets offended I too get offended. Patas naman ako so piliin mo nalang pang bawi mo" sabi ni Onofre. "Mwahahahahaha, o ano Boolbs may angal ka?" landi ni Shirley.
"Wala po" sagot ni Bernard kaya laugh trip yung dalaga. "Boolbs, okay din pala tong kotse mo e, comfortable naman kahit compact" sabi ni Onofre. "Walang common sense, kung babae like me pwede pa pero look at you two. Ang lalaki niyong karne. Feeling ko nakikiuso lang tong si Boolbs e"
"Compact na hatchback, so ano balak mo mag asawa ng dwende ganon?" banat ni Shirley. "Hey baka kulang sa budget, ano ka ba?" lambing ni Onofre. "Kulang sa budget? Nof ang mahal kaya ng ganito. Obviously its new pa o, o ano Boolbs tama ba ako?" tanong ng dalaga.
"Yeah" sabi ni Bernard. "2016 model ito kaya, tapos matic pa siya and look the interior is really nice. Grabe Boolbs wala ka common sense, sana nagpatulong ka kay Nof to get a second hand na maganda. Kahit 2015 or 2014 na SUV sana which is either the same price as this or cheaper. O di sana mas komportable ka. Hay naku Boolbs" sabi ni Shirley.
"Paki mo, basta meron" sabat ni Bernard. "Just saying, pero wala na. Nabili na e" sabi ni Shirley. "Okay naman ah, very sporty nga e. Tipid ito sa gas diba?" sabi ni Onofre. "Exactly" sabi ni Bernard. "Tipid ba?" tanong ni Shirley. "Grabe ka alam mo yung presyo pero di mo alam full specs?" tanong ni Onofre.
"Aha! Nagbabalak ka din bumili!" sigaw ni Bernard. "Hindi" sigaw ni Shirley. "Nagbabalak ka ba Shirls?" tanong ni Onofre. "Nagtitingin lang just in case my dad asks me if I wanna get one" pacute ng dalaga. "Hahaha akala ko ba sharing kayo sa current cars niyo?" tanong ng binata. "E kasi I heard them talking na ibenta yung isang luma tapos kukuha ng mas bago. Di naman ako nag eexpect pero if ever that is the case and they ask me what I want or if may suggestion ako e may mashare din ako sana" sabi ng dalaga.
"Typical miss Shooli, lahat planado ahead of time. Ready sa lahat ng what ifs" sabi ni Bernard. "Tanga! Kung ready ako e di sana naforesee ko na pagtataksilan ako! Eeesh tanga!" sigaw ni Shirley kaya natameme si Bernard at Onofre.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.