Chapter 15: Oninny

8.7K 172 14
                                    

  Chapter 15: Oninny

Kinabukasan ng bandang alas nuebe sa dating paaralan ni Dani, ang dalaga panay ang bangga kay Onofre. "Grabe dami nakwento ni Veronica sa akin, aliw na aliw siya sa iyo kahapon" kwento ng dalaga. "Ewan ko don, normal naman ako" sagot ng binata.

"She could not stop talking about you, ligawan mo kaya" banat ni Dani kaya natawa si Onofre. "Ligaw agad? Just because we had a good day ligaw agad? Kaya siguro ang daming bad relationships kasi konting spark akala nila yun na forever spark" sabi ng binata.

"Wow ano ka love guru? Pano nangyari yon never ka nagka girlfriend?" biro ng dalaga. "Di ko na talaga alam kung kaibigan kita o hindi e" sabi ni Onofre. Bumangga si Dani saka dumikit sa binata, "Galit ka?" lambing niya. "Hindi, teka ano ba ginagawa natin dito? Mag eenroll ka ba?" tanong ng binata.

"Di ko nga alam e, parang gusto ko na bumalik sa pag aaral pero ayaw ko naman iwanan si Nins" sabi ng dalaga. "Iniwan mo nga e" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Parang gusto ko nga umuwi to go get her" sabi ni Dani. "Yeah, its kinda weird talaga e. I mean you and me only, parang may kulang. Remember nung pumunta tayo sa party na tayo lang?"

"Ayun parang may kulang kasi everytime magkasama tayo kasama si Ninny" sabi ng binata. "Kaya nga e" sabi ng dalaga sabay nagulat nang nagsquat yung binata saka humawak sa braso niya. "I can be your Ninny" pacute ni Onofre sa saliang bata kaya super halakhak si Dani.

"Uy tumayo ka nga" sabi ng dalaga. Nagthumb suck si Onofre saka humawak sa kamay ng dalaga kaya si Dani nanigas at medyo namula. "Hahaha uy tumayo ka nga, nakakahiya" sabi niya. "My name is...Oninny" banat ni Onofre kaya si Dani tawang tawa na.

"Uy Nof people are looking at you na" sabi ng dalaga. "Food mama, food" banat ni Onofre kaya ang dalaga napatadyak at nagpigil ng tawa. Tumayo si Onofre saka ngumiti, bumitaw ang mga kamay nila kaya ang dalaga nakahinga ng malalim.

"Tara na nga, mag inquire lang ako then alis na tayo" sabi ni Dani. "Ilang years pa ba bago ka mag graduate?" tanong ni Onofre. "Nof...I only finished a year of college" sabi ni Dani sa mahinang boses. "So three more, siguro ayusin mo nalang schedule mo so that Ninny wont miss you too much"

"Okay lang kung maprolong yung last three years, kahit wag ka mag full load. Kasi sayang if di mo makita yung paglaki niya. I mean minsan niya lang dadaanan yung two years old, three years old, four years old...pag tanda niya konti e matigas na ulo niya"

"So habang cute pa siya sana spend much time with her. If ang reason mo bumalik ng schooling is to be socially active again then wag ka nalang mag enroll...enjoyin mo nalang time mo with her"

"You can continue your college when she starts kinder maybe para maengganyo din siya. Pero mas kailangan ka niya actually when she starts schooling too. Nakakalito ano? Pero ewan ko, naisip ko lang yon" sabi ng binata kaya dahan dahan dumikit ang dalaga sa binata.

"You never asked me" sabi ni Dani. "Asked you what?" tanong ng binata. "Nasan daddy niya" sagot ng dalaga sa sobrang hinang boses. "Nakikita ko naman na wala siya so bakit pa ako magtatanong. Private matter na yon" sabi ni Onofre.

"Di ka ba curious?" tanong ni Dani. "Curious saan? Hoy Dani ha, I know it takes a guy and a girl to make a baby. Ano ka virgin Mary?" banat ng binata kaya natawa at napangiti yung dalaga.

"Nakakaintindi naman ako, di ako katulad ng iba na magtatanong pa. Actually inaantay ko si Ninny na maglakad sa tubig noon pero hindi niya nagawa so ayon I know may tatay siya" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani at nakapakit konti sa braso ng binata.

"Dani kung opening itong usapan na ito para ikwento mo ano nangyari wag. Don't do it, di ko na kailangan malaman yung kwento...kung gusto mo siya saktan ituro mo lang. Tropa tayo e, di na kailangan ng kwento o paliwanag basta ituro mo. Check ko nga kung may taste ka" banat ni Onofre kaya napahalakhak si Dani.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon