Chapter 29: Figurine
Sabado sa salas nina Dani nakakandong si Nina sa kanyang lolo. "See that the rain is strong, Kaloy cannot come" sabi ni Martin. "Rain bad lolo" sabi ni Nina. "Yes very bad the rain" sabi ng matanda. "Lolo si Nof?" tanong ng bata. "Nof cannot come because the rain is strong" sabi ng matanda.
Biglang umiyak yung bata kaya nagulat sina Dani at nanay niya. "Did she just understand what you said?" tanong ni Dani. "Siguro she based it on my facial reaction and I did shake my head" sabi ni Martin.
Nakarinig sila ng busina, lahat natawa pagkat yung bata napatigil talaga sap ag iyak, nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga ito. "Nof! Nof mama!" sigaw ni Nina pero tuloy ang tawanan sa tuwa nina Dani, Martin at Sarah. Bumaba ng sofa si Nina saka tumakbo papunta pintuan nila, "Mama open! Open!" sigaw ng bata.
"Si Nof" sabi ni Belen na kasamabahay nila. "Siya ate?" tanong ni Dani na napasugod sa may bintana. "Ate pakibukas" sabi ng dalaga kaya si Nina talon na ng talon sa tuwa. Binuhat ni Dani anak niya at tumambay sila sa may bintana.
"Nof!!" sigaw ng bata nang makita yung binata na pumasok sa gate. "Oh look Ninny he brought food" sabi ng dalaga. Sigaw ng sigaw yung bata at nakatok niya yung bintana kaya napatingin si Onofre. Inabot ni Onofre yung karton ng pagkain kay Belen saka nagtungo sa may bintana.
"In! In! Nof in!" sigaw ng bata pero ang binata todo pakenkoy at dinidikit niya mukha niya sa bintana. Tawa ng tawa si Nina kaya sumenyas na si Dani na pumasok yung binata. Biglang nagkiss si Nina sa bintana kaya natawa si Dani. "Mama kiss" sabi ng bata kaya at nakita ng binata na tinuturo ng bata ang nanay niya.
Pilyong Onofre dinikit ang pisngi niya sa bintana, "Kiss mama" sigaw ng bata kaya si Dani yumuko at game na game na hahalik. Biglang humarap si Onofre at nagsabay yung pagkiss nung dalawa salamin. Nanlaki ang mga mata nina Onofre at Dani na kinatuwa ni Nina, ang dalaga nanginig pa kaya napahiyaw at natili ang bata.
Nagkatitigan yung dalawa sa bintana, ang binata napakamot agad sa ulo habang si Dani hiningaan yung salamin para maghamog upang itago yung pamumula ng kanyang mukha. Kinatok ni Nina yung bintana, "Nof in!" sigaw niya.
Pagkapasok ng binata agad yumakap si Nina sa isang hita niya habang si Dani nag aabot ng towel. "Uy..di ako basa" sabi ng binata. "Kahit na, to be sure" lambing ni Dani kaya binalot ng binata yung twalya sa likod ng balikat niya. "Hello po tito at tita" bati ng binata.
"These are a lot of donuts" sabi ni Martin kaya binuhat ni Nof si Nina saka sila nagtungo sa dining area kasama si Dani. "Home made po yan, ginawa po ng eldest ate ko" sabi ni Onofre. "Tsuklit" sabi ni Nina. "Yes Ninny there is chocolate. She came home very happy kasi naperfect niya yung shape ng donut daw. Grabe ang dami niya ginawa, siguro fifty so I brought here the two dozens" sabi ni Onofre.
Nag abot ng plato si Sarah saka nilagay don yung chocolate donut. Naupo si Onofre kandong si Nina. Super ngiti ang bata nang masubuan ng donut, "Nof toons" sabi niya. "Ninny don't talk when your mouth is full" sabi ng binata kaya naaliw sina Martin at Sarah nang gayain ng bata yung binata na ngumunguya habang nakasara ang bibig.
"Toons come doon tayo sa salas" sabi ni Dani. "No actually maybe you would like to take a video of this. Dalian mo Dani kasi last time I forgot to tell you about this" sabi ng binata. Nung ready na phone ng dalaga nilabas ni Onofre phone niya saka nilapag ito sa lamesa. Lahat titig kay Nina na diniin thumb niya sa home button, nabuksan yung phone, nahanap ng bata yung Youtube saka nakapili na ng mapanood na cartoons.
Napahiyaw sa tuwa sina Sarah at Dani habang si Martin napapalakpak. Super palakpak din si Nina kaya ang binata bumulong sa tenga niya, "Good girl, very good girl" sabi niya saka tinuka sa pisngi ang bata. "Wow, oh my God, she knows how to operate your phone" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaaa" hiyaw ni Nina saka lalong pumalakpak.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.