Chapter 56: No Escape
"Sinabi niya yon?" tanong ni Veronica. "Oo as in, akala ko I was dreaming pero I really heard it. Pabulong niya sinabi pero paulit ulit" sabi ni Dani. "Binibiro mo ba ako?" tanong ni Veronica. "Hindi, I swear he said it" sabi ng dalaga.
"Teka nga, this was about the kiss you two had a long time ago?" tanong ni Vernica kaya namula si Dani. "Aha! Oh my God nag kiss ulit kayo lately?" tanong ni Veronica. "It was like a game, it was Ninny's fault" sabi ni Dani.
"Ano naman kinalaman ng bata dito? Palusot ka pa. Did you two kiss lately? When? How? Kwento!" sabi ng dalaga kaya nagtakip ng bibig si Dani at lalong namula. "Oh my God, kontrabida ang peg mo sa sine. May girlfriend na siya tapos pumapapel ka?" tanong ni Veronica.
"Excuse me! He kissed me. It was just a game they play with Ninny tapos nadamay lang ako para sumali. I swear Ninny forced us to play" sabi ni Dani. "Grabe ka tapos ginagamit mong palusot ang anak mo" sabi ng dalaga.
"Ay grabe ka, kung nandon ka lang sana. Anyway so it happened okay. Was I happy? Honestly yes pero guilty din ako. Veron dumidistansya ako I swear, inaaccept ko na magkaibigan lang kami pero siya kasi e. Ewan ko kung biro, lagi siyang nagbibiro about stuff"
"Then yung nga kagabi, he said that pero I tried my best talaga na kunwari di ko narinig. So iniba ko agad usapan as usual" sabi ni Dani. "Okay so now what?" tanong ng kaibigan niya. "After dinner pinilit niya na siya magdrive. I said kaya ko. Then he said gusto niya bisitahin si Ninny at siya daw magbibigay ng regalong food"
"So umuwi kami sa amin. Akala ko atat lang siya to see Ninny kasi he got out first pero nawala siya. Akala ko joke, we looked for him, then he called up and told me nagtaxi na daw siya. He just wanted to make sure I got home safe" kwento ni Dani.
"Yiheeeeeeee, so kinilig ka naman no" landi ni Veronica. "Kinilig to the point nagising ko si Ninny. Ayon lumamon siya sa dala kong food tapos medyo napuyat tuloy ako kasi naging hyper siya" sabi ni Dani.
"Hala ka, ano na yan Dani?" tanong ni Veronica. "Shit nga e, I should be happy pero I somehow feel guilty kasi alam ko merong Shirley" sagot ng dalaga. "So up to now walang pag amin na sila na?" tanong ni Veronica. "Sabi ko nga sa iyo baka tama hinala ko e. Na sila na siguro pero they are not making it public" sabi ni Dani.
"Is that him?" tanong ni Veronica. Malayo palang sila sa parking area pero nakita na ng dalaga si Onofre sa may kotse niya. "Oh my God, siya!" bigkas niya. "Nakakapasok siya dito?" tanong ni Veronica. "He did yesterday, kasi nga kinukulit ako ni...oh my God its really him" sabi ni Dani.
"Kinukulit ka ni?" tanong ni Veronica. "Basta he came over, kissed me sa cheek tapos kinuha gamit ko then hinawakan niya kamay ko" sabi ni Dani. "Yiheeeee, Oh em geee! He did that?" tanong ni Veronica. "He did, hala bakit siya nandito? How do I look?" tanong ni Dani.
"Hahaha feeling guilty tapos how I look? Ganern?" landi ni Veronica. "Tsk ano ba yan? Hala bakit siya nandito, teka nga dito muna tayo. Di naman siya nagtext, itext mo nga ako baka delayed lang" sabi ni Dani. "Wag na, puntahan mo na" sabi ng kaibigan niya. "Gagi samahan mo ako" sabi ni Dani.
"Hindi na, panoorin ko nalang kayo from here" sabi ni Veronica. "To naman e, hala bakit siya nandito? Friday ngayon, wala naman kami usapan" sabi ni Dani. "Puntahan mo na" sabi ni Veronica. "Samahan mo ako" sabi ng dalaga. "Di na kasi susunduin ako ni Charles" sabi ni Veronica. "Tsk to naman o, samahan mo lang ako saglit" sabi ni Dani.
"Bakit ba? Hala to, si Nof naman yan e" sabi ni Veronica. "I know but ewan ko ba I feel nervous" sabi ni Dani. "Nervous? He is a good guy" sabi ni Veronica. "I know that pero samahan mo ako para di ako maging kontrabida sa kwento nila" sabi ni Dani.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.