Chapter 4: Lucky Charm

8.7K 191 12
                                    


Chapter 4: Lucky Charm

"Ikaw maldita ka, kaya mo naman na pala maglakad. Buong araw kita kinarga kahapon" sabi ni Onofre. "Sikat na sikat ka o, everyone is looking at you. So many pretty girls but they all think you are my daughter...hay naku" bulong ni Onofre saka tinignan yung bata na nakangiti at tila naeenjoy yung paglalakad nila.

May nakita si Onofre na magandang babae, ngumiti ang binata, ang dalaga ngumiti din. "Uy come Ninny let us follow her" sabi ng binata. Sinundan nila yung dalaga papunta sa pool area pero nadismaya si Onofre nang may sumalubong sa kanyang gwapong binata na matangkad.

"Malas" bulong niya pero biglang tumalon yung bata at natili saka tinuro yung pool. "Oh you want to swim? Di ata pwede Ninny pero come may kiddy pool doon" sabi ng binata. Walang bata sa kids pool kaya napalingon si Onofre. "Sit sit, lets take off your shoes pero Ninny you just stand in the water ha or..sige sige okay you can get wet or...teka baka magkasakit ka" sabi niya.

Dalawang minuto lumipas naupo sa edge si Onofre habang si Nina tuwang tuwa na nakaupo sa tabi niya. "Kick the water like this o" sabi ng binata kaya sumigaw ang bata sa tuwa at ginaya yung pagsipa ng binata sa tubig.

Ilang minuto lumipas, "Let her in" sabi ng boses kaya napangiti si Onofre at napalingon. "Uy hello crush" bati niya. Napalingon si Nina, "Kyassss" bigkas niya kaya natawa yung dalaga saka inabot yung pisngi ng bata. "Hello cutie pie. Why don't you let her in the pool?" tanong ng dalaga.

"E baka magkasakit e tapos naka diaper siya. Wala siya shorts or undies man lang" sabi ng binata. Well naman kasi ito sa plano" sabi ni Onofre. "Ang cute niyo nga e, orange dress siya tapos ikaw orange shirt. Awww father and daughter bonding" landi ng dalaga.

"Crush ang kulit mo ha" sabi ni Onofre. "Kyasss! Sit sit" bigkas ng bata saka tinapik yung espasyo sa tabi niya. Nagtanggal ng sandal yung dalaga at game na game naman na nakilaro sa bata. "Family bonding" banat ni Onofre kaya napalahakhak yung dalaga.

"Kapal much" sabi niya. "Bantayan mo nga saglit, alam mo may store sa front desk e. Parang may nakita ako shorts for kids" sabi ni Onofre. "Ah yeah pero its expensive there, don ka sa labas may parang maliit na bangketa don" sabi ng dalaga.

"Oh yeah I think I saw that. Can you watch her for me?" tanong ng binata. "Sure" sagot ng dalaga. "Salamat, eto pala yung bag. Pag tumawag mom niya magpakilala ka nalang. Sabihin mo ikaw yung crush ko, basta nakwento na kita sa kanya" sabi ni Onofre. "Hahaha kinuwento mo ako sa asawa mo?" biro ng dalaga. "Ay bruha ka" sabi ni Onofre.

Bente minutos lumipas nakabalik ang binata. "Baho mo, amoy yosi ka" sabi ng dalaga. "Ah hindi kasi may mga nakatambay sa parking area, pinainit ko lang kotse ko" palusot ng binata. "Palusot ka pa, oh bakit ka pa bumili ng floaters? Para kang baliw, ang baba na nga dito e" sabi ng dalaga.

"Huh, gusto ko din lumangoy kaya doon kami sa big pool. "Talagang ginastusan ang anak" biro ng dalaga. "Hahaha u yang mura don sa bangketa pero pinapaalis sila nung guard. Hinabol ko pa yung nagbebenta. I got the shorts for twenty five each so I got her two then this floaters are really cheap. I know low quality pero minsan lang naman gagamitin e"

"Come on lets go get her changed" sabi ng binata. Nag antay si Onofre sa pintuan ng ladies shower room, pag labas ng dalaga at nung bata laugh trip sila. "Bakit bakit?" tanong ni Onofre. "Maluwag" sabi ng crush niya. "Oh no pero wait" sabi ng binata saka lumuhod at gumawa ng paraan.

"Very wise" sabi ng dalaga habang pinapanood ang binata na pinapaikot yung likuran ng shorts saka tinitiklop papasok. "Ayan fitted na" sabi ni Onofre na naatat na sinuot yung mga arm floaters sa bata. "Ay wait.." sabi niya. "Its okay, doon ako shade bantayan ko yung bag...dali pasok mon a wallet at phone mo para makaalis na ako" biro ng dalaga kaya nagtawanan sila.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon