Chapter 16: Chance Encounter 2

8.7K 174 10
                                        

Chapter 16: Chance Encounter 2

Isang araw sa tapat ng isang shoe store sa loob ng mall humarang si Shirley sa daanan ni Onofre. "Uy hello" bati ng binata. "Anong uy hello ka diyan? Nakita mo na ako kanina pero hindi mo ako pinansin" sabi ng dalaga.

"Ah e ayaw ko mapahiya e. Kasi madami kang kasama kanina tapos naalala ko nung nasa Pagudpud tayo. You didn't introduce me to your friends so naisip ko if binati kita baka dedmahin mo lang ako. Kaya I didn't bother anymore. Nakita mo pala ako" sabi ng binata.

"Wow matampuhin ka grabe" sabi ng dalaga. "Ayaw ko lang mapahiya. Madami ka kasama kanina, if binati kita baka tinignan mo lang ako" sabi ni Onofre. "May rason naman kung bakit hindi kita pinakilala sa friends ko sa Pagudpud pero yung mga kanina sila yung mga super close friends ko so if binati mo ako of course ipapakilala kita pero sayang hindi mo na makukuha yung chance na yon"

"Tamang tama ang ganda pa nung isang friend ko, I saw you looking at her" landi ng dalaga. "Yung maiksing buhok?" tanong ni Onofre. "Oo, nilingon mo siya two times" sabi ni Shirley. "Yeah, cute niya" sabi ng binata.

"Her name is Micah, pareho kaming nursing student" sabi ni Shirley. "Okay, noted" sabi ng binata. "Noted?" tanong ni Shirley. "Oo noted, actually I just find her cute. Sabihin mo na interested ako konti pero kaibigan mo e. Parusa yon" sabi ni Onofre.

"Wow, so if di ko siya kaibigan go ka pero since kaibigan ko ayaw mo kasi you think she is like me. Mabait yon" sabi ni Shirley. "Wala ako paki kung mabait, kaibigan mo e. Pano ako mag seseryoso sa kanya kung ikaw ang kaibigan niya? I would be cheating on her everyday kasi ikaw lagi ko titignan" sabi ng binata kaya natawa si Shirley at napalo ang binata sa tagiliran.

"O ano? Sinabi ko na sa iyo crush kita, lasing at di lasing so hanggang ngayon naman. Kaya lang alam ko saan ako lulugar" sabi ni Onofre. "What do you mean alam mo saan ka lulugar?" tanong ng dalaga. "Basta. O baka may lakad kayo, pero did you come here just to tell me dinedma kita?" tanong ni Onofre.

"Hindi, magpapalibre ako sa iyo. Mabait ka diba?" pacute ng dalaga. "Wow user" biro ng binata. "Che" sabi ng dalaga saka tumalikod at naglakad na palayo. Humabol si Onofre, tinignan siya ng dalaga sabay todo pacute. "Ililibre mo na ako?" tanong niya. "Hahahaha bwisit ka, pano ko naman tatanggihan yan?" tanong ng binata.

"To naman, don't tell me nagtatampo ka parin dahil sa Pagudpud. Kaya kita hindi pinakilala kasi kaka break lang namin ng boyfriend ko tapos ano I introduce a guy to them agad? Diba? Ang pangit naman tignan" sabi ni Shirley.

"Oh..you just suffered a break up?" tanong ni Onofre. "Yeah, kaya nga I stayed to listen at you ranting kasi nakaka relate ako. Kahit na magkaiba e parang may connection tayo konti at nakakatawa ka kaya ayon nakinig ako" sabi ni Shirley.

"Oh sorry, tsk di ko naman alam na ganon pala" sabi ni Onofre. "So ngayon ililibre mo na ba ako?" tanong ng dalaga. "Teka totoo ba yung sinabi mo? O niloloko mo lang ako?" tanong ng binata. "Totoo" sabi ng dalaga sa mahinang boses kaya di alam ni Onofre kung ano gagawin niya.

"Samahan mo ako muna, bibili ako sapatos tapos sige kain tayo" sabi ng binata. "Your shoes are still okay naman" sabi ng dalaga. "Pero tag ulan na so I need new ones. Kailangan ko yung may grip, yung ibang shoes ko pudpud na konti soles" sabi ng binata. "Okay, pero let me just say...yang porma mo..." sabi ng dalaga.

"Kid stuff?" tanong ng binata. "Okay siya, oo kid stuff pero nadadala mo naman" sabi ng dalaga. "Gwapo kasi e" banat ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Abuso ka din e, pinagbigyan na kita sa porma mo tapos ihihirit mo pa itsura mo? Wow ha, dali na para makabili na tayo ng sapatos mo. Gutom na ako e" biro ng dalaga.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon