Chapter 36: Interogasyon
Isang hapon pagkahatid ni Onofre kay Shirley sa kanilang bahay agad agad bumukas yung gate at isang lalake na madungis ang nagpakita. "Daddy" bigkas ni Shirley kaya si Onofre nanigas at dahan dahan sinara pintuan ng kotse niya.
"Ay daddy this is Nof. Nof eto madungis kong daddy" sabi ng dalaga. Lumapit si Onofre saka inabot kamay niya, pinakita ni William yung magrasang kamay niya saka tinignan ang binata.
Naglakas loob parin si Onofre na makipagkamayan sa matanda kaya si Shirley napanganga. "Daddy naman kadiri ka sana nagpunas ka muna" sabi niya. "So I finally meet you" sabi ni William. "Yes nice to meet you too sir" sagot ng binata.
"Si daddy kasi hilig niya mag restore ng old cars tapos ibebenta niya after he plays with it for a month" sabi ni Shirley. "Oh wow, car enthusiast" sabi ni Onofre. "Would you like to see my project?" tanong ni William. Inuga ni Shirley ulo niya pero si Onofre tumungo at ngumiti.
"Follow me" sabi ng matanda kaya sumama si Onofre kay William habang si Shirley napailing. Sa likod ng bahay may special na garahe kung saan may isang sobrang lumang kotse ang nakaparada. "Oh wow it's a Land Cruiser" sabi ni Onofre.
"Oh so you know cars too" sabi ni William. "Hindi po sir, may nakita ako post sa Facebook ng Land Cruisers through the years tapos nakita ko po yung ganito don" sabi ng binata. "I see, make yourself useful" sabi ni William. "Daddy" reklamo ni Shirley. "Okay lang" sabi ni Onofre.
Ilang minuto lumipas naiwan sina William at Onofre sa garahe. "So you are dating may daughter" sabi ng matanda. "Oh no sir, we are just friends" sagot ng binata. "Just friends?" tanong ng matanda. "Well, I like your daughter and I told her that already but I am giving her space because she just underwent a break up. I am not here trying to take advantage of her state but I am here as a friend" sagot ng binata kaya tinitigan siya ng matagal ng matanda.
"Hand me the wrench" sabi ni William kaya napalunok si Onofre at tila natutunaw na siya sa nerybos. "So are you graduating?" tanong ni William. "Not yet sir, I am one year delayed" sabi ng binata. "Why is that?" tanong ng matanda. "Because I screwed up, no other excuses. I am making up for it and I am not a regular student but one year behind my real batchmates" sagot ng binata.
Di sumagot si William kaya si Onofre nadismaya na. "Tinalo ka daw niya sa billiards" sabi ng matanda bigla. "Opo sir, mahusay siya sa long shot" sabi ni Onofre. Ngumiti si William saka tumayo ng tuwid at nagpunas ng pawis. "Can I help?" tanong ni Onofre. "No you cannot" sabi ng matanda saka bumalik sa pag aayos ng makina.
"May anak ka na diba?" tanong ni William. "Wala po" sagot ng binata. "Wala?" tanong ng matanda. "Wala po, yung nakikita niyo po sa Facebook ay anak ng kaibigan ko po. Close lang kami" sabi ni Onofre. "I see, do you drink?" tanong ni William.
"I do but I am trying to quit" sabi ng binata. "Why?" tanong ni William. "Because I easily black out sir" sabi ng binata. "Maybe you drink too much, that is bad" sabi ni William kaya niyuko ni Onofre ulo niya. "Do you smoke?" tanong ni William. "Yes sir but I am trying to quit too...Shirley is helping me" sabi ng binata.
"Oh yes the magnets. So do they really work?" tanong ng matanda. "They do sir, I have lost the urge to smoke but sometimes its still there so I continue wearing the magnets when I am at home" sabi ni Onofre.
"Nagsisigarilyo din ako dati e, pero nung nakilala ko mama ni Shirley tumigil ako. That was a long time ago" sabi ng matanda. "Sorry about what happened to her" bulong ng binata. Tinungo lang ng matanda ulo niya saka yumuko at bumalik sa pag aayos ng makina.
"My daughter has been through a lot. I don't like her seeing sad or hurt" sabi ni William kaya napalunok si Onofre. "Yung dating boyfriend niya gago yon. Well its good they broke up because I really didn't like him. He was too showy, mayabang ang gago" sabi ni William kaya nagulat si Onofre.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.