Chapter 47: Rekindle

7.4K 161 25
                                        

Chapter 47: Rekindle

Isang hapon nakaupo si Dani sa study desk niya habang kausap si Veronica. "Sis he texted me" sabi ng dalaga. "Oh ano sabi niya? Sinagot mo ba or are you still going to ignore him?" tanong ni Veronica.

"Ewan ko nga e, two weeks na ako nagpapalusot, naubusan na ako ng palusot" sabi ni Dani. "Ano sabi niya?" tanong ni Veronica. "Na namimiss niya kami at gusto niya kami itreat sa labas" sabi ni Dani. "Uy papayag siya" landi ni Veronica kaya natawa si Dani sabay tinignan ang anak niyang natutulog sa kama.

"Everytime may busina Ninny thinks its him. She misses him" sabi ni Dani. "E ikaw?" tanong ni Veronica. "Ano kaya? Reply kaya ako pero wala na ako palusot" sabi ni Dani. "Wow nilihis o, do you miss him?" tanong ni Veronica. "What if pumayag ako makipagkita?" tanong ni Dani.

"Hay naku, humihingi ka ng payo or what?" tanong ni Veronica. "Payo, ano sa tingin mo?" tanong ni Dani. "Go meet with him, halata naman you miss him too" landi ni Veronica. "Oo its normal naman kasi naging close kami. Pero ayaw ko makialam, I think sila na e" sabi ni Dani.

"Ahhhh kaya pala umiiwas. Wala naman nagbago sa status niya sa FB ah. Wala siyang posts na photos na sila na" sabi ni Veronica. "Oo alam ko pero last time nagkausap kami happy siya. Ayaw ko makasira sa happiness niya, nag expect lang talaga ako pero from the start naman alam ko he wanted Shirley"

"I expected too much...ang bait bait kasi niya sa akin so I expected. Nalito ako, di ko inalam lugar ko. I got so blinded and became selfish along the way" sabi ni Dani. "So pano na yan?" tanong ni Veronica. "Alamin ko lugar ko, papayag ako for Ninny. I can tell she misses him" sabi ni Dani.

"E ikaw?" hirit ni Veronica. "Syempre lalo na ako" bulong ni Dani. "Yun eh. So replayan mo na" sabi ni Veronica. "Pano ako magrereply kausap kita?" sagot ni Dani. "Sige na then, replayan mo tapos balitaan mo ako later" sabi ni Veronica. "Okay, pag iisipan ko muna. Di pa ako sure" sabi ni Dani. "Style mo, balitaan mo ako mamaya" sabi ng kaibigan niya kaya nagtawanan sila.

Kinabukasan ng umaga pinaghihila na ni Nina si Dani habang nagbibihis palang ito. "Nof mama" sabi ng bata. "Wala pa baby, wait nagbibihis pa si mama o" sabi ni Dani. "Fast mama" sabi ng bata saka pinagadadabog na yung pintuan ng kanilang kwarto.

Ilang minuto lumipas nagsisigaw si Nina nang marinig yung busina habang nanay niya biglang kinabahan. Tibok ng puso ni Dani sobrang bilis, di siya mapakali pero anak niya biglang tumakbo palabas ng pintuan. "Ninny wait" sigaw niya saka humabol.

Sa tapat ng gate nagtatalon na si Nina kaya paspas na binuksan ni Dani yung lock. Paghila niya sa gate tumakbo agad palabas anak niya, bago maka react si Dani nakita niya na si Onofre na binuhat yung bata saka niyakap ng sobrang higpit.

"Noooofff" sigaw ni Nina sa tuwa, ang binata nakapikit kaya naantig si Dani. "I miss you so much" bigkas ng binata saka dahan dahan namulat at nakipagtitigan sa magandang dalaga. "Hi" bati niya. "Hi" sagot ni Dani saka lumapit. Nagulat si Dani nang tukain siya ng binata sa pisngi saka hinaplos sa likuran. "How are you two? Namiss ko kayo sobra"

"Busy ka parin ba or can we spend the day together?" tanong ni Onofre. "Ah..free" sabi ni Dani sa nanginginig na boses. "Dirty" sabi ni Nina saka hinaplos mukha ng binata kaya natawa si Onofre at Dani. "No, new look lang" sabi ni Onofre.

"You look good..with that dirty look" sabi ni Dani. "Really? Tinamad ako magshave sa totoo. So sabi ko try something new pero sabi ni Ninny dirty e" sabi ni Onofre saka pinaghahalikan si Nina sa pisngi na kinatuwa ng bata.

"New car?" tanong ni Dani. "Kay ate, eto yung bagong issue ng company nila. Ganda no?" sabi ng binata. "Sobra, buti pinahiram niya sa iyo" sabi ni Dani. "One day lang, nagmakaawa ako talaga" sabi ng binata. "Car!" sigaw ni Nina saka pinagtuturo yung kotse kaya natawa nalang si Dani.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon