Chapter 42: Risks
Magkatabi sina Shirley at Onofre, nakatingala sila at pinagmamasdan nila yung rock climbing wall. "Ano Nof, tara?" tanong ng dalaga. "Tara!" sigaw ng binata. "Hahaha ang yabang nung dalawa o, hoy basic wall yan" sabi ni Bianca. "Pagdating namin sa taas lalo kang liliit" banat ni Onofre kaya natawa si Shirley.
"Che! Malaglag ka sana" sabi ni Bianca. "Tara na Shirls, lets do this" sabi ni Onofre kaya nagsimula na sila umakyat. Pagdating sa gitna pareho silang napatigil, "Tired?" tanong ni Shirley. "Hindi ah, just checking on you" sabi ng binata. "Nof basic ito, tara dali bilisan natin" sabi ng dalaga.
Pagdating sa taas sabay sila napatingin sa baba. "Happy na sana pero basic nga e, so does this mean lipat na tayo sa mag advanced?" tanong ni Onofre. "I don't know, assess pa nila tayo for proper tips" sabi ng dalaga kaya sabay sila bumitaw at nagpalaglag.
Matapos ang isang lecture sa medyo advance wall sila pinasubok sa kanila. Gitna palang hingal na yung dalawa kaya nagtawanan sila. "Ang lalayo ng gaps, grabe masusubukan talaga lakas mo dito" sabi ni Onofre. "You wanna quit?" tanong ng dalaga. "Hindi ah, pero grabe di ako makapaniwala gitna palang grabe na pawis ko habang ikaw para ka lang naduraan" biro ng binata kaya laugh trip sila.
Pagkababa nila pareho silang hingal kaya todo ngisi si Bianca. "There is no right way up, sariling diskarte yan talaga. You choose the path that you are comfortable with pero syempre diskarte din. So parang challenge din siya, you have to plan ahead" sabi ng dalaga.
"Oo nga e, akala ko easy way up yung napili ko pero napasubo ako" sabi ni Onofre. "Ginaya kita hahaha bwisit" sabi ni Shirley. "Pansin ko nga, kaya ang lesson diyan tignan niyo din yung path ahead para maka plano kayo. Di ko sasabihin yung easy way, ganyan din ako noon pero trust me you will get it. Dali try ulit" sabi ni Bianca.
"Di ba pwede mag rest?" tanong ni Onofre. "Nof three hours lang ito" sabi ni Bianca. "Wow, so kailangan sulitin yung bayad for three hours" sabi ng binata. "Yup, kaya niyo yan. Sa ngayon di niyo pa kasi kilala sarili niyo, learning process palang kayo now. Next time medyo alam niyo na so mas magaling na kayo dumiskarte" sabi ni Bianca.
"Nof you ready?" tanong ni Shirley. "Yeah tara" sagot ng binata kaya muli silang sumabak. Pagkalipas ng isang oras nagpahinga sina Shirley at Onofre habang sina Bianca naman ang sumabak sa advanced wall. "Grabe ang galing niya, look at her determination" sabi ni Onofre.
Napasigaw si Shirley nang tumalon talaga si Bianca. "Oh shit" hiyaw ni Onofre pero nabilib sila pagkat nakakapit naman sa mas mataas na hawakan yung dalaga. "Whoa, damn super cool. Gusto ko ng ganon" sabi ni Shirley. "Ngayon mo lang alam ito?" tanong ni Onofre.
"Di naman, ilang beses na sila nagyaya pero nga busy ako with my love life" sabi ng dalaga. "Kasi biking kayo" sabi ng binata. "Hmmm yeah, iba kasi taste niya. Ewan ko don. Dami sacrifices din kasi pag nasa relationship ka. You cannot simply do what you want, kailangan mutual" sabi ng dalaga.
"Ganon ba yon?" tanong ng binata. "Ganon ata, pero syempre gusto ko din mag spend time with him. Kaya pag may lakad ang bardada lagi ako naiipit" sabi ng dalaga. "Diba doon papasok yung pag uusap, yung understanding at ewan ko" sabi ng binata. "Oo nga dapat pero ewan ko ba. Parang yung control was with him"
"Parang ganon kasi majority ng ginagawa namin e yung mga gusto niya. Syempre minahal ko siya so I gave way" sabi ni Shirley. "Di naman na ata tama yon, dapat give and take. Nagsalita yung magaling na naging tuta ni Sly" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga.
"Narealize ko nalang yon nung wala na siya sa akin, I mean napunta sa iba. Pero no regrets. Di ko sasabihin na sinayang ko oras ko or effort ko, ganon ang buhay e. You win some, you lose some. Tulad nitong rock climbing, its all about choices" sabi ng binata.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.