Chapter 44: Wedding Day
Sa labas ng isang simabahan inaayos ni Anabel yung suot ni Onofre. "There you go" sabi ng matanda. "Thank you tita" sabi ng binata. "Mauna na kami sa loob" sabi ni William kaya tumabi si Shirley sa binata.
"Susunod kami, matagal pa naman" sabi ng dalaga. Pagkalayo nila napabulong si Onofre. "Ang cute ng sister mo" sabi niya. "Sus, diretsuhin mo na ako, sesegway ka pa e" biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. "You look stunning" sabi ni Onofre.
"Stunning ka diyan, baka marinig ka nung pinsan ko biglang umatras" biro ng dalaga kaya tawanan ulit sila. "Hanggang ngayon ba naman para ka parin uranggutan tumawa" sabi ng isang binata kaya ang bilis lumingon ni Onofre.
"Ako ba pinagsasabihan mo non?" tanong ng binata sa galit. "Uy Nof wait" sabi ni Shirley. Tinaas nung isang binata dalawang kamay niya saka umatras. "Buhay ka pa pala, ano nangyari niluwa ka ng impyerno?" sabi ng dalaga kaya nagpigil ng tawa si Onofre.
"Excuse me, a face like this from hell? Inutusan ako ng langit bumalik para daw may balance. Habang nandito ka daw sa lupa imbalance e, malakas ang pwersa ng impyerno habang nandito ka" sagot nung binata. "Ayus ayusin mo pananalita mo brod" sabi ni Onofre.
"Miss Shooli may attack dog ka na. Ano siya disciple mo sa school of karate mo?" tanong nung binata kaya nalito si Onofre. "Oooh look Boolbs is scared hahaha" landi ng dalaga saka niyakap si Onofre.
Super ngiti si Onofre pero pinatigas niya katawan niya a pinalaki sa tuwa. "Oh totoo ba itong nakikita ko? Miss Shooli may love life ka? Oh my God this is amazing. Pare di kita kilala pero congrats at buhay ka pa" sabi nung binata kaya natatawa na si Onofre. "Gago ka Boolbs, musta ka?" tanong ni Shirley. "Eto we just moved back from abroad" sagot nung binata.
"Saan naman sa abroad?" tanong ng dalaga. "Cebu" sagot nung binata kaya natawa ng malakas si Onofre. "Hay Boolbs di ka parin nagbabago, o wait. Nof this is Boolbs, tao yan" banat ni Shirley kaya tawang tawa si Onofre na inabot kamay niya.
"Berns pre, or Bernard" sabi nung binata. "Onofre, or Nof. Kaya Boolbs kasi kulot ka?" sagot ni Onofre kaya super halakhak na si Shirley. "You see that my student is intelligent, gets niya agad" sabi niya. "Yeah" sagot ni Bernard.
"Ang di ko magets Shooli? Pero familiar yung mister Shooli" sabi ni Onofre. "Tawag niya sa akin Shooli, di niya kaya Shirley kasi walang ipin sa harapan yan noon hahahaha. As in wala" kantyaw ng dalaga.
"Maaga naman ako nagpapustiso, yeah so what false teeth ako" sabi ni Bernard. "Uy pikon na o, iiyak na yan" hirit ni Shirley. "It was nice seeing you again" sabi ni Bernard. "Wait, bakit ka nandito? Bakit nakasuot ka din ng motif ng kasal ng pinsan ko?" tanong ng dalaga.
"Oh pinsan mo ba yung mapapangasawa ng anak ng boss ng daddy ko?" tanong ni Bernard kaya super natawa si Onofre. "I know the feeling, dami din namin napuntahan na events kasi ang daming anak ng boss ng parents ko" sabi niya. "Joke lang, I saw your name sa invitation. Kaya sa likod ako uupo kasi baka sunugin mo yung simabahan" sabi ni Bernard.
"Ang gago nito" sabi ni Shirley. "Pare parang madami kang alam tungkol sa kanya, we are going to be good friends" sabi ni Onofre. "Nof subukan mo lang, lets go. Di ko kaibigan yan. Sige Boolbs" sabi ni Shirley saka inakay si Onofre palayo.
"Bakit ba yon?" tanong ng binata. "Basta nakakairita yon" sabi ng dalaga. "Nakakairita e ngayon nalang ata ulit kayo nagkita" sabi ni Onofre. "He is not a friend" sabi ng dalaga. "Imposible, parang close nga kayo e" sabi ng binata. "Keep your enemies close...mortal enemy ko yon Nof" sabi ni Shirley kaya nagulat yung binata at napalingon kay Bernard.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.