Chapter 6: Road Trip
Alas sais ng umaga sa loob ng kotse ni Onofre abala si Ton na namimili ng CD. "Veh ano gusto mo?" tanong ng bading saka nilingon yung dalaga sa likod. "Kahit ano, bakit hindi pa sila umaandar?" tanong ni Veronica. "Nauna na yung two cars e, may naiwan siguro sila" sabi ni Onofre.
Nakita nila bumukas yung pintuan saka lumabas si Dani buhat si Nina na uiiyak. Tinuro ng bata yung kotse ni Onofre, inuga ni Dani ulo niya kaya lumabas na ng kotse sina Ton at Onofre. "What's wrong?" tanong ni Ton.
"Gusto niya diyan" sabi ni Dani kaya lumabas narin si Lester para buksan yung likod ng SUV niya. "Okay lang maluwag pa actually" sabi ni Onofre kaya paglapit ni Dani sa kotse ng binata natigil yung iyak ni Nina at agad ito napangiti. "In mama! In mama" sigaw ng bata saka pumalakpak kaya natawa nalang si Lester.
Dalawang minuto lumipas nauna na kotse ni Lester, nakabit na ni Onofre seatbelt niya nang sumigaw si Nina at nagtuturo. "What is it now anak?" tanong ni Dani sa inis. "Mama...mamaaaaa" hiyaw ng bata saka tinuturo yung harapan. "Gusto ata dito" sabi ni Ton.
"Hay naku naman anak, o sige go to tita Ton" sabi ni Dani. Lumipat yung bata sa harapan pero nagsisigaw ito, "Mama here! Here!" hiyaw niya. Tatlong minuto lumipas walang kumikibo at lahat nakatingin sa bata na nakangiti. "Okay na ata" sabi ni Veronica. "Lets go" sabi ni Onofre kaya pag andar ng kotse natili ang bata at pumalakpak.
Ilang minuto lumipas umingay sa kotse, "Look baby it's the ocean" sabi ni Dani. Biglang tinabi ni Onofre yung kose kaya lahat napatingin sa kanya. "Take photos and videos" sabi ng binata. "Pwede ba? Di ata pwede kasi highway ito" sabi ni Ton.
"Pwede yan, wait here" sabi ng binata saka lumabas. Sinet up ni Onofre yung mga early warning devices saka pinalabas na yung iba. "O game, sige lang at ako magbabanay kunwari dito" sabi niya. "Grabe nilabas mo pa yung gulong at tools?" tanong ng bading.
"Syempre para maniwala naman sila, para paraan lang yan" sabi ng binata. Limang minuto lumipas lumapit si Onofre kay Ton, "Panorama mo kasi, ganito akin na" sabi ng binata. Pagkatapos ng isang minuto natuwa yung bading. "My God ngayon ko lang alam na pwede ang ganyan na kuha" sabi ni Ton.
"Uy ikaw wala ka photos, give me your phone at kunan kita" sabi ni Veronica. "Wag na, photo bomber nalang ako" sabi ng binata. "Actually inaantay ka namin para ikaw kumuha sana" banat ni Dani. "Ah bakit di niyo sinabi? Akin na" sabi ni Onofre.
Bente minutos lumipas tuwang tuwa sila habang tinitignan yung mga photos. "Hala baka hinahanap na nila tayo" sabi ni Dani. "Okay lang, di naman mawawala ang Vigan and besides ang dami niyo. Di din lang kayo mag eenjoy if sama sama kayo gagala. Hayaan mo na sila mauna then tayo mamaya"
"Aantayin nila tayo kasi ako may kakilala sa Pangasinan" pasikat ni Onofre. "Hahaha oo nga, and we got really nice photos" sabi ni Veronica. "Di lang tayo maka upload kasi ang hina ng signal" sabi ni Ton.
Ilang minuto lumipas nagring phone ni Veronica. "Hello, oh malapit na kami. Hindi kami nasiraan, nag stop kami at nag picture taking. Basta mamaya pakita ko. Mauna na kayo mamasyal, sunod nalang kami" sabi ng dalaga.
Pagpatay ng tawag natawa siya, "Akala nila naaksidente tayo kasi di daw tayo matawagan" sabi ni Veronica. "Paunahin mo na sila kasi di ko kayo kaya ilibre lahat. Pag tayo tayo kaya ko" sabi ni Onofre kaya natawa si Ton.
"Uy grabe ka naman" sabi ni Dani. "Hay naku I told you pinag ipunan ko tong trip na ito. Its just lunch naman" sabi ng binata. "Teka pala ano sabi nila nung nagpaalam kang mauuna ka? Did you tell them sasama ka sa amin?" tanong ni Veronica.
"Akala nila nagbibiro ako so kanina I snuck out early morning tapos tumambay nalang ako dito sa kotse" sabi ng binata. "What do you mean akala nila nagbibiro ka?" tanong ni Veronica. "Sabi ko kasi mauuna na ako pauwi, ayon tumawa lang sila" kwento ng binata.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomantizmIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.