Chapter 30: Flash
(Flashback – Where it all began)
"Tara na kasi" sabi ng isang dalaga. "Sige you go ahead" sagot ni Shirley. "Tsk don't tell me dito ka pa, uy baka mapano ka dito" sabi ng kaibigan niya. "Hindi, he is harmless and he makes me laugh. I need it. Sige na mauna ka na. Malapit lang naman cottage natin dito at nandyan naman si kuya guard" sabi ni Shirley.
"Thirty minutes lang then babalikan ka namin" sabi ng dalaga. "Oo, he makes me laugh and it helps sis. Sige na I will be fine" sabi ni Shirley. Pagkaalis ng kaibigan niya nilapitan ni Shirley yung lasing na binata.
"Crush! Binalikan mo ako, does that mean you like me too?" tanong ni Onofre kaya natawa ng malakas yung guard. "Gago to kung makatawa parang sinasabi na wala ako pag asa sa kanya. Pero may point ka kasi yung bestfriend ko na babae na halos kasing ganda niya e iba yung pinili, tangke ng gasul yung barkada ko pinili"
"It hurts kuya" sabi ni Onofre sabay kinabog dibdib. "Feel mo ba yon kuya? Ang sakit diba? Sinaad ko naman ang intensyon ko sa kanya na ako ay labis na humahanga sa kanya at prangkahan ko nang sinabi na gusto ko siya pero waley kuya. It hurts so much...comfort me?" landi ni Onofre kaya natawa ng malakas si Shirley pagkat umatras yung guard.
"Kuya comfort me...wala ka pakisama. Alangan na sa kanya ako humingi ng comfort edi sabihin niya bastos ako at taking advantage. Bakit kuya may chance ka ba? Ang maton maton ng itsura mo hindi ka pagkakamalan" sabi ni Onofre kaya nagtakip na ng mukha si Shirley.
"Sige na may trabaho pa ako, bumalik ka nalang sa cottage mo. Ihatid na kita" sabi ng guard. "Nagbayad ako ah. Di naman ako lalangoy ah at tinago mo na yung natirang beer ko. I have rights you know, fully paid kami kaya may karapatan ako mag tambay dito"
"Natatakot ka na nakawin ko yung buhangin dito? Hello dalawa lang bulsa ng shorts ko no. Pag pinuno laglag na siya makikita na ng lahat yung golden jewels ko. Sige ipagdamot niyo yung buhangin" sabi ni Onofre kaya inuga ng guard ulo niya pero natawa pagkat todo tawa si Shirley.
"Kuya ako bahala sa kanya" sabi ng dalaga kaya nagualt si Onofre at napatingin sa dalaga. "Crush...really? You will care for me? I am so touched" landi ng binata. "Miss bawal lumangoy ha at di na siya pwede uminom" sabi ng guard. "Opo kuya, samahan ko lang hanggang mahimasmasan siya" sabi ni Shirley.
Pagkaalis ng guard naupo si Onofre saka niyuko ang kanyang ulo. "Crush okay lang umalis ka na. I will be fine" sabi ng binata. "Wag mo na inumin yung tinago mong beer" sabi ng dalaga. "Anong tinagong beer? Wala ah. O kapkapan mo ako" sabi ng binata.
"Nakikita ko, inuupuan mo na sila. Pasimple ka pa kanina tinatago mo sila using your feet" sabi ni Shirley. "Wala...ay shit meron nga, oh my God it's a miracle! Nangingitlog ako ng beer! Crush itago mo ako kasi pag aagawan ako ng beer companies. Papatayin nila ako kasi nangingitlog ako ng beer" sabi ni Onofre kaya natawa ng husto yung dalaga.
"Nakita mo pala, isusumbong mo ba ako? Dalawa nalang ito, pwede ko ba ubusin?" tanong ni Onofre kaya biglang naawa yung dalaga. "Lasing ka na e" sabi ni Shirley palambing. "I know but it still hurts" sabi ng binata. "Kasi you are doing it wrong, if you want to forget kailangan kainin mo din yung bote" banat ni Shirley kaya napanganga si Onofre at tinitigan yung dalaga.
"Hahahahahaha" bulyaw ng dalaga kaya ang binata napakamot. "Sorry it was a joke" sabi ng dalaga. "Okay lang, sige na umalis ka na" sabi ng binata. "Grabe to pikon masyado. Hey di nadadaan sa inom ang problemang ganyan, if ever nadaaan sa inom e di sana pati ako lasing na" sabi ni Shirley kaya tinitigan siya ng binata.
"Inahas ka din?" tanong ni Onofre. "Pinagpalit sa iba" sagot ng dalaga. "Ay mas masakit yang sa iyo kasi naging kayo. Ay teka, mas masakit sa akin kasi ayaw ako sagutin tapos iba yung sinagot. Wait kanino ba yung mas masakit?" tanong ng binata.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.