Chapter 39: Kels

7.8K 173 20
                                    

Chapter 39: Kels

Pagpasok palang ng bahay nina Dani sumalubong na agad si Nina at pinapasikat ang mga kuko niya. "What the..." bigkas ng binata. "Color Nof o" sabi ng bata. "Yes baby, wow so colorful" sabi ng binata at sakto sumulpot si Dani.

"What the hell are you doing to her?" tanong ng binata na pagalit. "Bakit ba? She saw me coloring my nails, nainggit siya so ayan kinulayan ko din" sabi ng dalaga. "She is just a kid" sabi ni Onofre. "I know, kesa magtantrum pinag bigyan ko na" sabi ni Dani. "What if she puts it in her mouth? Baka malason siya" sabi ng binata.

"Binabantayan ko naman e" sabi ni Dani. "Nof blow o" sabi ng bata kaya yumuko ang binata at hinipan ang mga daliri ng bata. "Nakabili ka?" tanong ni Dani. "Opo meron po" sabi ng binata. "Yes! Dali dito dito, bring Ninny" sabi ng dalaga saka nagtungo sa dining area.

"Wow Ninny o" sabi ni Dani nang buksan ng binata yung karton ng brownies. "Wow! Mama o" sabi ng bata. "Yes Nof will feed us" sabi ni Dani. "Ano?" tanong ng binata. "Basa nails namin, I can eat but if I do she will follow. So ano gusto mangyari?" pacute ni Dani.

"Wow, Ninny ang mudrakels mo ha" sabi ni Onofre kaya biglang tumawa si Nina. "Nof gawan mo kami hot choco narin" sabi ng dalaga. "Umaabuso ang mudrakels mo Ninny" reklamo ng binata. "Mukels" sabi ng bata kaya natawa yung binata.

"Mudrakels, mudra kels, mudrakels" sabi ni Onofre. "Mudrakels" sabi ng bata todo palakpak si Onofre. "Eto this is your mudrakels" sabi ni Onofre. Tinuro ni Nina ang nanay niya, "Mudrakels" bigkas niya saka tumawa. "Sige turuan mo, daddy heard the G word and he thought she learned it from you" sabi ng dalaga.

"Ha? She learned that from you, bakit di mo sinabi?" tanong ng binata. "Wala" pacute ni Dani. "Wow, so ano did he ask about us?" tanong ni Onofre. "Nope, dalian mo sa hot choco para makakain na kami" sabi ng dalaga. "Ninnykels ang mudrakels mo mega utos anetch" bigkas ni Onofre at napaariba sa tawa si Nina.

"Hala anak" sabi ni Nina kaya humirit si Onofre at nagpilit na mag gay lingo na kinatuwa ng bata. "As if naiintindihan mo ha" sabi ni Dani pero pag lingon niya natatawa pala si Nina sa pag kilos ng binata na todo wagayway mga kamay at pakembot kembot habang nagsasalita.

"O there hot chocokels. Come Ninnykels kandongbells ka initch" sabi ni Onofre kaya maluha luha na si Dani sa katatawa. "Ninny don't use hands ha, like this only okay?" sabi ni Dani na nagpakita na nakausli lang mga daliri niya.

"Alipin ang peg, okay Ninny bite, say ah" sabi ng binata. Paglapit sa brownies sa bibig ng bata kumabig ang binata at siya ang kumagat. Sumigaw si Nina kaya paspas na dinikit ng binata yung brownies sa bibig nito. "Ayan kasi" sabi ni Dani. "Antipatika, di makaantay" sabi ni Onofre.

"Rap" bigkas ng bata saka ngumiti. "O si mudrakels naman, natetempt ako mag breezy move" sabi ni Onofre. "Anong breezy move?" tanong ni Dani na kakagat na dapat pero nilayo ng binata yung brownies saka nilapit mukha niya. "Hahaha gagu" sigaw niya saka kinurot yung binata. "Gagu" gumaya yung bata saka tumawa.

"Joke lang" sabi ng binata. "Ikaw nakakahalata na ako ha" biro ng dalaga. "Joke lang nga e, grabe ka naman. Napanood ko lang sa FB yung ganon no" sabi ng binata. "Mudrakels" sabi ni Ninny kaya natawa si Onofre. Tinuro ni Dani yung binata saka nag isip, "Ano ba tawag don?" tanong niya. "Ninny who is that?" tanong ni Onofre saka tinuro si Dani.

"Mudrakels" sagot ng bata saka tumawa. "Ah Ninny that is testicles" sabi ni Dani. "Hoy" bigksas ni Onofre. "Tetekels" sabi ng bata kaya umariba sa tawa sina Dani at Onofre. "Tsk ayan tinuruan mo, bakit naman yon? She is just a kid" sabi ng binata.

"E di ko alam ano tawag nung isang term so yon nalang meron ka naman e. Tama ba o wala?" banat ng dalaga. "Hahahaha wow insulto yon ah. Grabe, mudrakels is okay, its funny, pero yung tinuro patay nanaman ako sa tatay mo" sabi ng binata.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon