Chapter 13: Sly

8.6K 187 17
                                    

Chapter 13: Sly

"Finally sumagot ka" basa ni Onofre kaya tinapik niya ulo niya saka napamura ng pabulong. "Sorry naka silent tong phone ko for a long time. Busy taking care of my nephew habang bakasyon pa" palusot ni Onofre.

"You missed two parties, we all miss you" sabi ni Sly. "Oo nga e, well wala e busy" sagot ng binata. "Busy e ang dami kong nakikitang posts tagging you. Yo are with that girl and her daughter" sabi ni Sly.

"So? She is a friend" sabi ng binata. "May anak na yon" sagot ng dalaga. "So what? Porke may anak na di ko na pwede maging kaibigan?" sabat ng binata. "I didn mean it that way, I am just reminding you that she has a daughter already" sabi ni Sly.

"I know that. What are you trying to say?" tanong ni Onofre. "Wala, nevermind. Parang nagbago ka na" sabi ng dalaga. "Change is constant. Everyone, everything changes" sagot ni Onofre.

Di sumagot si Sly kaya paspas na tinawagan ni Onofre si Dani. "Dans, badtrip nagkamali ako nasagot ko sa messenger si Sly. Nalito ako, kasi halos same DP sila ni Verons" sabi ng binata.

"Ano? You and Veronica are chatting?" tanong ng dalaga. "Yeah why?" sagot ng binata. "Ay mali, I mean you and Sly?" kabig ng dalaga. "Oo nga e, badtrip kasi. Akala ko chat head ni Veron, halos same kasi sila ng DP. Badtrip talaga" sabi ng binata.

"So how was it? Memories ba? Bakit ngayon ka lang" biglang birit ng dalaga kaya natawa ng malakas si Onofre. "Nag away kami" sabi ng binata. "About what?" tanong ng dalaga kaya nautal yung binata.

"Basta nagbago na daw ako so I said everyone changes. Badtrip di ko lang madiretso na pati naman siya nagbago. Meaning may boylet na siya" sabi ni Onofre. "Di mo masabi kasi mahal mo pa siya" landi ng dalaga.

"Not true" sabi ng binata. "Oh come on, if you don't love her I am sure mas masahol pa away niyo. Naging mala words of wisdom reply mo kasi mahal mo pa siya" sabi ni Dani. "Babagsakan kita" banta ng binata. "Do it" sagot ng dalaga.

"Uy tumunog, may message siya" sabi ni Onofre. "Basahin mo" sagot ng dalaga. "Pano ko sasagutin e kausap kita? Nakadikit sa tenga ko yung phone ko" sabi ni Onofre. "E di basahin mo, read it aloud so I can hear it" sabi ng dalaga.

"Okay wait...eto..I broke up with him because I realized I am madly in love with you" basa ng binata. "Hahahaha imbento ka!" sabi ni Dani. "Anong imbento, sinabi niya talaga. Gusto mo screenshot ko?" tanong ni Onofre.

"Hahaha yeah right. Hoy nabasa ko na yang reply mo na ganyan sa isang post mo" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Stalker ka!" sigaw niya. "Hindi ah, it was post on a photo. Ewan ko na basta alam ko photo yon. Ano sinabi niya?" tanong ni Dani.

"She changed the topic and is now asking kumusta ako" sabi ng binata. "Sagutin mo na" sabi ng dalaga. "If sinagot ko hahaba usapan namin. Pag humaba ako din lang masasaktan, pero may pahabol na message. If you are free may get together later. Sama ka na, para sure na sasama ka ikaw sumundo sa akin" basa ng binata.

"O yun naman pala e, go" sabi ni Dani. "Ayaw ko. Ayaw ko ilagay sarili sa sitwasyon na mapapainom ako after" sabi ng binata. "E di wag ka uminom, if you are pissed later punta ka dito and we talk. Wag mo idaan sa inom kasi"

"Kaya nga may friends" sabi ni Dani. "Wag na, sabihin ko nalang busy ako. I know myself, I am just going to get pissed tapos iinom nanaman ako. Ayaw ko na uminom. Malay mo biglang dumating si miss right tapos lasing nanaman ako" sabi ng binata.

"Well sige balitaan mo ako later" sabi ng dalaga. "Why may gagawin ka?" tanong ni Onofre. "Wala naman pero you have to chat with her, o baka di mo a sinasagot si Veronica. Iba na talaga chick boy o" biro ni Dani kaya natawa si Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon