Chapter 51: Turning Point
"Ang cute ng photo niyo ni Ninny na naka bathrobe kayo" sabi ni Veronica sabay higop sa kape niya. "Ay kasi araw araw kami nag afternoon bath together sa tub. That is why dapat maaga ako uuwi today" sabi ni Dani.
"Pagdating ko excited na yan, tapos we stay in the tub for thirty minutes. Ang sarap ng bonding namin sis at the same time nakaka relax ako. Of course she learned to love tub baths from Nof" dagdag niya.
"Pero yung swimming video niya ha, grabe ang cute niya under water" sabi ni Veronica. "As usual wala ulit ako don. Tinalo pa ako ng anak ko sa paglalangoy" sabi ni Dani. "O bakit parang malungkot ka or something is bothering you" sabi ni Veronica.
"Kasi di ko alam saan ako lulugar talaga e. Di umaamin si Shirley if sila na, si Nof wala din kibo pag nagtatanong ako. I need to know" sabi ni Dani. "You don't need to know, basta dumistansya ka nalang. Sabi mo last time Shirley is afraid that she will be judged na nagka boyfriend agad siya"
"So maybe si Nof nirerespeto niya yon so tahimik din siya" sabi ni Veronica. "Kaibigan ba kita? Sana sinabi mo na hindi sila" sabi ni Dani. "O pano kung hindi sila? Liligawan mo si Nof?" biro ng kaibigan niya kaya nagtawanan sila.
"If hindi sila then I can speak freely. Maglalakas loob narin ako magsabi sa kanya" sabi ni Dani. "Ano sasabihin mo?" tanong ni Veronica. "Na masarap yung cheesecake na dinala niya nung isang araw" banat ni Dani kaya laugh trip ulit sila.
"Sis what if sila?" tanong ni Veronica kaya napabuntong hininga si Dani. "Di ko nga alam e" bulong niya. "Ang labo mo talaga, isipin mo din pano na pag sila nga talaga?" hirit ng kaibigan niya.
"Maiipit ako" sabi ni Dani. "Speaking of the devil, si Nof o" sabi ni Veronica. "Tumigil ka nga, oo na I like him. You don't need to test me. Lilingon at lilingon ako pag binanggit mo name niya" sabi ng dalaga.
"Pangalan nino?" tanong ni Onofre kaya naya nanlaki ang mga mata ni Dani habang si Veronica super ngisi. Dahan dahan lumingon si Dani, sakto naman yumuko si Onofre saka tinuka ang dalaga sa pisngi. "Sabi ko na kotse mo yon e. Pauwi na ako pero sabi ko kotse mo yon" sabi ng binata saka hinila yung isang upuan saka naupo sa tabi ng dalaga.
"Hi Veron" bati ni Onofre saka inabot kamay niya. Nakipagkamayan naman si Veronica, si Dani nanigas nang tinignan siya ng binata. "Matagal pa ba kayo dito? If yes oorder ako" sabi ni Onofre. "Ah..one hour pa siguro kasi I have to go home for Ninny" sagot ng dalaga.
"Okay wait lang" sabi ng binata saka umalis. "May kiss talaga" landi ni Veronica kaya nagtakip ng bibig si Dani. "Gaga greeting lang yon" sabi niya. "Greeting, tapos sa akin shake hands lang?" hirit ni Veronica kaya kinilig si Dani.
"E kasi nga close na kami, if he does it to you baka mabastos ka or baka iba isipin mo" sabi niya. "O baka patayin mo ako ano? Mabait siyang kaibigan kasi alam niya if he kisses me you will kill me" banat ni Veronica kaya laugh trip sila.
Todo ayos sa sarili si Dani nang makita na pabalik na yung binata. Pagkaupo ni Onofre sumandal ito konti kay Dani saka humigop sa baso niya. "Napapalagi ata niyo dito ah, bakit may pinopormahan ba kayo?" tanong ni Onofre. "Wala no, bonding lang naman" sabi ni Dani. "Veronica kanino ka nagpapacute dito?" tanong ng binata.
"Hahaha wala baliw" sagot ng dalaga. "Si Dani ano? Sino dito? Turo mo" sabi ni Onofre. Pilyang Veronica tinuro ang binata kaya nagulat si Dani at nasipa ang kaibigan niya. Di nagets ni Onofre kaya lumingon siya at may nakitang binata sa table sa likuran nila.
"Oh mukhang lagi sa gym yon ah" sabi ni Onofre na pabiro na nagpalaki ng katawan kaya natawa si Dani. "So maskulado pala ang taste mo, ngayon ko lang alam yon ah" sabi ng binata saka pabirong nagflex kaya laugh trip yung dalawang dalaga.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.