Chapter 8: Chance Encounter
Sa tapat ng isang parlor sa isang mall inis na inis na si Nina. "Anak naman e, mommy needs a hair cut" lambing ng dalaga pero nagsisigaw yung bata. Nagtungo sila sa isang fastfood, umorder ng fries si Dani at doon na natuwa si Nina.
Habang kumakain ang bata may naisip ang dalaga kaya nilabas niya phone niya. "Nof mama?" tanong ng bata. "Yes anak, well sana sumagot siya at di siya busy" bulong ni Nina.
Sa isang carwash kababalik ni Onofre pagkatapos siya bumili ng car wax para sa kotse niya. "There, kaya ako natatakot iwan kotse ko dito kasi tignan mo yan. Nilabas niya yung kotse" sabi ng isang customer saka tinuro si Onofre. Nagpipigil na ng tawa yung ibang staff, yung manager nakapamot na ng ulo pero si Onofre lumapit.
"Hoy! Gago! Kotse ko yan! Bumili lang ako ng wax kasi itong wax na ito yung laging ginagamit sa kotse ko! Ayaw mo maniwala? Ha? Eto pitaka ko! Gusto mo makita rehistro? Ha? Porke nakapambahay lang ako feeling mo taga carwash ako? Tignan mo nga may uniform sila o"
"Naghahanap ka lang ng rason para umalis kasi di mo afford ang bayad dito. Umalis ka na nga" sigaw ni Onofre kaya pumasok yung lalake sa kotse niya. "Dami mo excuses, napahiya ka kasi naipasok mo na kotse mo e. Nung nakita mo karatula ng presyo saka ka magpapalusot. Umalis ka, sama titig epek ka pang nalalaman di mo naman kaya panindigan. You are welcome, nakalusot ka sa mamahaling bayad sa carwash" sigaw ni Onofre.
Pagkaalis ng kotse inuuga ng manager ulo niya. "O ang mahal naman talaga dito e. Pero sulit naman, ikaw naman o. Na hurt ka ba?" landi ni Onofre kaya natawa yung manager. "Iba ka talaga pare" sabi ng matanda. "Uy naarouse ako, naarouse ako, nagvivibrate phone ko, aaahhh.." landi ni Onofre kaya nagtawanan yung mga staff.
Sinagot ng binata phone niya sabay itsa don sa wax sa isang staff. "Uy Dani hello" bati ng binata. "Hi Nof" sagot ng dalaga. "Kumusta? How is Ninny?" tanong ng binata. "Eto nga e, not cooperating, magpapagupit sana ako" sabi ni Danny. "Ah okay, goodluck" sabi ng binata sabay tawa. "Hahaha uy Nof" sabi ng dalaga.
"Bakit Dani?" landi ng binata. "Hahahaha wala, sige na nga bye" sabi ng dalaga. "Hahaha nasa carwash kasi ako tapos naka pambahay lang ako" sabi ni Onofre. "Ah ay sorry. Sige then" sabi ni Dani. "Wait, pwede naman ah. Saan ba kayo? Give me your location" sabi ng binata.
Trenta minutos lumipas napasigaw si Nina. "Noooof" hiyaw niya saka paspas na bumaba ng lap ng nanay niya. Tumakbo yung bata kaya napatayo si Dani. Agad kinarga ni Onofre yung bata, si Dani nahiya agad pagkat tinuro ng bata yung ice cream.
Pigil tawa si Dani nang lumapit yung binata. "You were not joking" sabi niya. "Oo nga pambahay lang pero okay lang naman diba?" tanong ng binata. "Baka isipin nila kinidnap mo anak ko, come Nins" biro ni Dani. "Ah ganon ha, sige eto anak mo" sabi ng binata. "Hahaha joke lang, uy favor naman" sabi ng dalaga.
"Sure, sige na pumunta ka na. Pero di ko magets, what is wrong with your hair? It looks nice naman ah" sabi ni Onofre. "Ay naku, basta di ako comfortable" sabi ng dalaga. "Oo na oo na sige na go. Ako na bahala kay Ninny...ano gusto mo? Yon?" tanong ng binata.
Nagulat si Dani pagkat basta nalang sila umalis, lumingon si Onofre saka sumenyas na umalis na yung dalaga. Kumaway si Dani pero natawa siya nang irapan siya ng binata pagkat nakapila na sila sa may counter.
Trenta minutos lumipas litong lito na si Onofre habang nasa tapat sila ng toy store ng bata. "Ninny nanaman e, saan tayo tatambay? Sabi ng mama mo matagal pa siya. You don't like dolls? There o so many dolls" sabi ng binata.
"Ay ang cute, father and daughter bonding" sabi ng boses kaya nanigas ang binata pagkat hindi siya makapaniwala sa boses na narinig niya. Unang lumingon si Nina, "Kyassss" sigaw niya saka sinugod yung dalaga. Yumuko naman si Shirley saka hinalikan ang bata sa pisngi.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.
