Chapter 18: #FreShi

8.6K 178 25
                                    

Chapter 18: #FreShi

"O ano nagustuhan mo yung kanta?" tanong ng dalaga. "Okay naman, sikat ba yon?" tanong ng binata. "Not really pero listen to the lyrics, its really good" sabi ng dalaga. "Di ko type yung tunog" sabi ni Onofre. "Ay ganon ka? Nakikinig ka kasi maganda yung tunog?" tanong ni Shirley.

"Ganon naman diba?" tanong ng binata. "Well for some, ako kasi mahalaga sa akin yung laman din. Alam ko na mga type mo, Gangnam Style no?" sabi ng dalaga. "Di rin, basta kung ano uso pinapakinggan ko" sabi ng binata.

"I see, hey tambay ako sa muffin shop later maybe" sabi ni Shirley. "Ano gagawin mo don?" tanong ng binata. "Wala, chill lang. Malapit na pasukan e. Unwind lang so I was thinking if you wanted to come" sabi ng dalaga. "Ah..aha! Ikaw ha, alam ko punchline nito e, wear the pink stuff para makamura ka" sabi ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"Gipit e and I wanted to get it done kasi ako yung tipo na ayaw ko yung may utang ako" sabi ni Shirley. "Di naman utang yon e and nagbibiro lang ako. You don't have to continue that deal" sabi ni Onofre. "Tuloy pero gipit lang kasi I am saving for a bike. Hinahanap hanap din kasi ng katawan ko yung biking" sabi ng dalaga.

"Miss mo siya?" landi ng binata. "Hello no! Nasanay na katawan ko sa biking so ganon lang yon" sabi ni Shirley. "I see, tara chill out tayo pero wag naman sa muffin shop. Actually may alam akong magandang location ng isang coffee shop" sabi ni Onofre.

"Libre mo?" pacute ng dalaga. "Oo, kasi tamang tama sa area na yon icheck ko yung isang binebentang kotse. Bibili kasi sina Dani ng car" sabi ni Onofre. "Oh so magsasama kayo ni Dani?" tanong ni Shirley. "Hindi, I was at their place yesterday" sabi ng binata.

"I see, so san ba yung sinasabi mo?" tanong ng dalaga. "No, you get ready then I will come pick you up" sabi ni Onofre. "Ano oras na ba?" tanong ni Shirley. "Almost eight" sagot ni Onofre. "Sige, bihis na ako actually so ikaw na mamili ng time" sabi ng dalaga.

"What? Bihis ka na?" tanong ng binata. "Oo, actually papunta na dapat ako don. It opens at eight e, pero nung lalabas ako e nakita ko yung kapitbahay kong kinakainisan ko, nandon sa tapat kausap yung manliligaw niya. Eesh pesteng babae yon" sabi ni Shirley kaya natawa si Onofre.

"Kaya tinawagan mo ako ganon?" tanong ng binata. "E kasi nabasa ko yung good morning mo. Tinamad ako mag reply so eto messenger call" sabi ng dalaga. "Okay, give me fifteen minutes. Ligo at bihis lang then puntahan na kita" sabi ni Onofre. "Hey..you don't need to wear the pink stuff" sabi ng dalaga. "I know kasi ako naman maglilibre" sabi ni Onfore kaya super natawa si Shirley.

Isang oras lumipas sa loob ng isang coffee shop napangiti si Shirley pagkat sobrang ganda nung lugar. "Parang malaking bahay lang tapos madaming salas" sabi niya. "Dati walang tao dito, konti lang pero ngayon laging puno ito" sabi ni Onofre. "Laging puno pero nakakuha tayo ng spot" sabi ni Shirley.

"Well nagpareserve na ako sa kaibigan. He works here, siya nag introduce sa amin nitong place. Dati half lang tong lugar pero nag expand sila so now ang lawak na ng place. Unlike the other coffee shops na pila ka counter then get your own order dito parang typical restaurant siya" sabi ni Onofre.

"I am sure mahal dito" sabi ni Shirley. "Diyan ka nagkakamali, in order to compete mas mura prices nila. Mas mura ng thirty pesos pero bawi ka naman sa ambience" sabi ng binata. "True pero di ko type music nila" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre.

"Alam mo nilalait lait ko lang tong lugar na ito dati. Pero nung nagbagsakan grades ko tapos tinakot ako ng dad ko na mas mababa pa sa minimum makukuha sus na appreciate ko tong lugar. Well inggit ako sa nakaisip nitong place. Imagine magtatayo ka ng ganito e yung Starbucks nandon lang sa kanto"

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon