Chapter 28: Mitsa

7.5K 158 27
                                    

Chapter 28: Mitsa

Miyerkules ng hapon sa loob ng isang coffee shop walang tigil na kinukulit ni Bianca si Shirley. "O nasan na loverboy mo?" landi ni Bianca. "Gaga ka, he is just a friend. He will come don't worry, ikaw kasi atat kaya tignan mo ang aga aga natin dito" sabi ni Shirley.

"Just a friend? Friend na kasamang nagpupuyat up to two in the morning?" landi ni Bianca. "It was just a one time thing, nagkataon lang na nag enjoy kami" sabi ng dalaga. "Uhuh, so tell me bakit hindi natuloy yung date niyo nung Saturday?" tanong ni Bianca.

"Grabe ka it was not a date" sabi ni Shirley. "So bakit hindi natuloy?" tanong ni Bianca. "Hay kasi po I could not sleep so I checked my phone. Nag FB ako tapos nakita ko isang post kung saan nakatag siya. Excited daw si Ninny to go Nof's place so ayon"

"Siguro Nof forgot may appointment siya, ayaw ko naman maging sagabal so I texted him and said I need eight hours sleep at nagpostpone ako" paliwanag ni Shirley. "Oh yung karibal mo" sabi ni Bianca kaya tumawa ng malakas si Shirley.

"Karibal ka diyan, kaibigan ko din yon. Sa totoo I miss Ninny too" sabi ni Shirley. "E di gawa din kayo ni Nof" biro ni Bianca kaya nagtawanan yung dalawa. "Grabe ka tumigil ka nga, he is jus a friend okay?" sabi ni Shirley saka tinignan phone niya. "Ayan naghahanap nalang daw ng parking" sabi niya.

"Oh bakit ka nag aayos?" landi ni Bianca. "Hala to, di naman ako nag aayos" sabi ni Shirley. "You just fixed your hair, oh wag kang magdeny" sabi ni Bianca. "I did not, hoy ikaw magbehave ka naman" sabi ni Shirley. "Tell me again bakit mo siya ininvite dito?" hirit ni Bianca.

"Sabi mo you wanted to meet him, wag mo ako babaliktarin naman" sabi ni Shirley. "Is that him?" tanong ni Bianca sabay turo sa lalakeng kapapasok sa coffee shop. "That's him" bulong ni Shirley sabay napangiti.

Kumaway si Onofre saka lumapit na, tumayo ng sabay yung mga dalaga kaya agad agad inabot ng binata kamay niya. "Nof" sabi niya. "Bianca" sagot ng kaibigan ni Shirley. "Nof eto yung bestfriend ko" sabi ng dalaga. "O bakit wala kayong kiss? Nahiya kayo kasi nandito ako?" banat ni Shirley kaya napakamot si Onofre habang si Shirley natawa at tinadtad ng kurot ang braso ng kaibigan niya.

"Order lang ako, teka can I get you both something else?" tanong ni Onofre. "Ay kanina pang gutom si Shirley, inaantay ka para manlibre ng makakain" banat ni Bianca. "Hahaha ang gaga mo" sagot ni Shirley saka pinalo sa braso kaibigan niya. "Treat mo kami Nof?" tanong ni Bianca.

"Sure" sagot ng binata. "Galante, check!" bigkas ni Bianca kaya hiyang hiya na si Shirley. Pagkaalis ng binata inatake ng kurot ni Shirley ang bestfriend niya. "Uy grabe ka stop it please" makaawa niya. "Hahaha fine, to naman nagbibiro lang ako e" sabi ng dalaga.

"Nanghuhuli ka lang e, sinabi ko naman sa iyo friend lang" sabi ni Shirley. "Look at him, okay naman siya ah. So why don't you like him?" tanong ni Bianca. "Oh my God, ang kulit mo" sabi ni Shirley. "Dami mo arte, mag move on ka na. May karapatan kang mag move on agad, we all know you loved him naman. Wala ka na dapat patunayan" sabi ni Bianca.

"Hay naku ang kulit mo. He is just a friend. Period. Okay?" sabi ni Shirley. Pagbalik ni Onofre panay ang titig sa kanya ni Bianca kaya natatawa si Shirley. "Gwapo, check. Matangkad, check..." bigkas ng dalaga. "Will you stop it" sabi ni Shirley. "Gaga hindi para sa iyo, para sa akin. Sa checklist ko no. Hi Nof, so single ka ba?" pacute ni Bianca.

"Since birth" sagot ni Onofre. "Si Shirley single din" biglang banat ni Bianca kaya napatawa ng husto sina Onofre at Shirley. "Akala ko ba ikaw?" tanong ni Shirley. "Sinasabi ko lang, at oo Nof single din ako. Grabe ka kung maka react ka e, stating a fact lang" sabi ni Bianca.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon