Chapter 21: Daddy Shorts

8.4K 161 16
                                    

Chapter 21: Daddy Shorts

Kinabukasan sa may garahe nina Dani nakaupo si Onofre habang kandong si Nina. "Imbes na tulungan mo ako para matapos to agad" sabi ni Dani. "Ayaw ko kasi grabe ka e. The other we already washed your car and now you are doing it again. Isang araw palang lumipas" sabi ng binata.

"E lumabas kami ni Ninny at mommy kahapon" sabi ni Dani. "Hindi tao yan na kailangan na naliligo araw araw" sabi ni Onofre. "Di mo ako tutulungan?" tanong ni Dani. "Hindi, nag eenjoy ako dito pinapanood ka. Lahat ng lalake na mas gusto manood kesa tumulong sa ganitong oras" biro ni Onofre kaya natawa ng malakas si Dani.

Tumawa si Nina kaya tinuka tuka siya ng binata sa gilid ng noo. "Ninny you take care of yourself ha so that you will become like your mama. You might be a super model. But Ninny look at your legs, dami kagat ng lamok...look at mommy o flawless parang siya yung nagtatago sa kulambo habang ikaw iniwan para katayin ng mga lamok" sabi ni Onofre.

Natawa ng husto si Dani kaya anak niya nakitawa din bigla. "Ang sama mo, kasalanan ni daddy yan kasi hilig niya kalaro si Nins tuwing hapon sa garden. Spoiled kay lolo" sabi ng dalaga. "Pumapalusot pa ano Ninny? You tell her, mommy...sige na" sabi ni Onofre. "Mommy" gaya ng bata kaya natuwa si Dani.

"Mommy umayos ka...mommy umayos.." sabi ni Onofre. "Mommy...mayos" bigkas ng bata. "Very good. Mommy umayos ka" sabi ng binata. "Mommy mayos ka" bigkas ng bata. "Very good girl!" sigaw ni Onofre kaya pumalakpak si Nina habang si Dani tawang tawa na talaga.

"Mommy mayos ka!" sigaw ng bata. Fake laugh si Onofre kaya inulit ulit ng bata yung mga salitang yon. "So that is how you teach her" sabi ni Dani. "O bakit? It works diba? Ganon naman e, if she sees me laughing she thinks its good. Mommy mayos ka" sabi ni Onofre. "Mommy mayos ka!" sigaw ni Nina kaya tinadtad ng halik ng binata yung bata sa pisngi.

"Like this Ninny, you point..ganito point. Mommy mayos ka" sabi ni Onofre kaya tinuro ng bata nanay niya. "Hala, hoy grabe ka na baka gawin niya sa iba" sabi ni Dani. "Its gonna look funny naman at mas maganda na ito kesa sa pagmumura. Nakakagulat e nagmumura si Ninny" sabi ni Onofre.

"Sorry about that" sabi ni Dani. "She may not know what the word means pero alam niya kailan gagamitin e. Like kanina when she dropped the candy I gave her, sabi niya ay S word tapos she looks pissed pa" sabi ni Onofre. "You gave her candy again? I told you to stop giving her candy" sabi ni Dani.

"Isa lang yon, its like everytime she sees me inaantay niya yon e. To naman pag bigyan mo and besides kung ano man ngipin niya now peke parin mga yan. Diba? Saka palang tutubo yung mga totoo later on" sabi ng binata.

"Nof, tulungan mo naman ako dito. Tinatamad ako e" sabi ng dalaga. "Tsk ikaw kasi e, dito ka at ako na magtutuloy" sabi ng binata. "Yes!" sigaw ng dalaga sa tuwa. "I am sorry wala ako magandang legs na tulad mo at wala din akong magandang upper body" landi ng binata.

"Ninny, Nof umayos ka" sabi ng dalaga. Parang nalito yung bata, tinignan si Nof pero dahan dahan din lang bumalik tingin niya sa kanyang nanay. "Mommy mayos ka" bigkas ng bata. "Bwahahahahahahaha! Very good Ninny, very good!" sigaw ni Nof kaya nagsisigaw yung bata saka nagpalakpak.

Lumapit si Nof saka inabot kamao niya, nagulat si Nina nang naki fist bump naman yung bata. "Oh my God! You taught her!" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Dani. "She knows fist bump" sabi ni Dani sa tuwa saka tumayo at dinala ang anak niya sa loob ng bahay.

Sa salas abala si Martin na nagbabasa sa tablet niya nang sumulpot sina Dani. "Daddy quick, fist bump kayo. She knows" sabi ni Dani sa tuwa. Inusli ni Martin kamao niya, naki fist bump naman agad si Nina kaya tumawa ng malakas yung matanda. "She knows" sabi ni Dani.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon