Chapter 40: Inner Circle

7.1K 157 21
                                        

Chapter 40: Inner Circle

Isang Miyurkeles sa parking area ng paaralan nina Shirley nakatayo si Onofre sa likuran ng dalaga. "Uy so outreach nalang tayo?" tanong nung isang nursing student. "Yeah, ano pa nga ba? Pero yung unique naman sana" sabi ni Shirley. "Like what?" tanong nung isa.

"Libre tuli" bulong ni Onofre kaya super halakhak si Shirley. "Ano sabi niya?" tanong ng kaklase ng dalaga. "Wala" sagot ni Shirley. "Share mo naman sinabi ng boyfriend mo" udyok nung isang bading. "Libre tuli" sabi ni Onofre kaya laugh trip yung lahat.

"Game ako diyan pero nursing students lang kami. Sayang" sabi ng bading. "Uy seryoso na kasi, wag naman feeding feeding o linis kalye. Yung related naman sana sa course natin" sabi nung isa. "Gutom program, yung kukunin mo pagkain nila" banat ni Onofre kaya halos masiraan na sila ng bait katatawa.

"Hay naku kaloka yang BF mo girl" sabi nung isang dalaga. "Game serious na" sabi ni Shirley. "Pass on knowledge, wag barrio barrio. Aim for schools. Kasi pag baryo lang how do you know that they are willing to learn? They might be after the freebies only then that's it"

"Aim kayo ng school, coordinate kayo sa isang public school and there you can augment their health subject for one lecture. Mga simple lang na kaya nila gawin sa bahay. Like how to know if may lagnat, what to do if wala pang gamot. Basic illness lang, mga sugat which is common, mga kati kati, lagnat, ubo, sipon"

"Then ano pwede nila gawin if wala pa pera to buy medicine or better yet what they can do to avoid getting sick. Aim for the schools kasi the kids are going there to learn. Then later on we can give them med kits" sabi ni Onofre.

"Maganda idea mo pero med kits? Saan kami kukuha ng funds for that?" tanong ng bading. "Ako na bahala don, my mom and dad works for...basta kung willing kayo don't worry about the med kits, focus on the lecture that you are going to give" sabi ng binata.

"Seryoso ka?" tanong nung isang babae kaya napatingin na si Shirley sa binata. "Of course, basta focus kayo sa lecture. Yung med kit part sagot ko na yon" sabi ni Onofre. "Uy sure ka?" tanong palambing ni Shirley. "Yup, sige na figure out if you can manage to teach them, pero dapat magandang lecture naman"

"Honestly its best if wag sila magrely sa mga gamot. Prevention is still better than cure so focus on that. Then last resort na yung gamot kung may sakit na talaga" sabi ni Onofre. Natuwa yung grupo kaya napag usapan nila na mag meeting nalang ulit bukas.

Sa loob ng kotse nakangiti lang si Shirley habang hinahaplos mga hita niya. "Tahimik ka ata" sabi ng binata. "Grabe, totoo ba talaga yon?" tanong ng dalaga. "Yes, diba dad and mom ko e alam mo na. Sus matutuwa pa sila pag ganon kasi parang advertising narin yon"

"Don't expect much naman sa med kit, laman lang non is temperature strip pangkuha ng temperature, one roll gauze, plaster, medyo madami din pala at may gamot of course but again not that much. Uy baka sabihin mo taking advantage ako para sa advertisement, hindi ha. I just wanted to help"

"They already did the same before I remember kasi sumama ako sa pagdalaw nila don sa liblib na baryo. Bad move, kasi parang galit pa yung mga taga don. They were expecting food and cash, so ayan kaya ko sabihin na aim for a school and dapat sa health subject nila ang focus" sabi ng binata.

"Tsk, galing mo" sabi ng dalaga. "Awww wala yon no, para sa iyo yon" sabi ng binata. "Salamat talaga, sa totoo late na kami e. Yung ibang groups nag outreach na. Grabe Nof hulog ka ng langit" sabi ni Shirley.

"Tumigil ka nga, you are acting weird" sabi ng binata. "Basta thankful ako sobra. Lahat sila umaasa sa akin porke doctor dad ko at nurse mom ko. Busy naman si daddy para makasama sa amin sa outreach at ayaw namin gumaya sa iba" sabi ng dalaga.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon