Epilogue

11.7K 216 83
                                    


Epilogue

Isang araw sa loob ng Jollibee abala si Nof na pinapakain si Nina. "Chew carefully baby" lambing ng binata. Nagulat ang binata nang basta nalang naupo si Anton sa tapat niya. "Oh pre" bigkas ni Onofre.

Napatigil si Nina sa pagkain saka tinignan yung bagong saltang binata. "Eat lang baby, friend siya. That is Anton" sabi ng binata. "Hello cutey pie, my name is Antwon..can you say that? Antwon" sabi ng siga. Bungisngis lang si Nina saka nagtuloy sa pagkain niya.

"Hoy, di niya nagustuhan yung sinabi mong ek ek shirt" sabi ni Anton. "Grabe ka naman, alam mo yang pagbibigay ng regalo parang sugal din naman yan e" sabi ni Onofre. "Hindi, nagtiwala ako na magugustuhan niya. I made a promise, I never break my promises" sabi ni Anton saka nakipagtitigan sa binata.

"Wow, seryoso ka? Para don lang gugulpihin mo ako?" tanong ni Onofre. "Oo, a promise is a promise. Ano naman klaseng lalake ako pag di ako tumutupad sa mga pangako ko pero you are with that cute girl so I am willing to give you a second chance" sabi ng siga.

"Ano nanaman?" tanong ni Onofre. Naglabas ng maliit na zip locked back yung siga na may dalawang sinulid sa loob. "O ano yan?" tanong ni Onofre. "Kikay kit ng mangkukulam tanga" sagot ni Anton. "Hey watch your words" sabi ni Onofre pagalit kaya tinignan ng siga yung bata.

"Fine, pero eto itong mas mahaba yung waist line niya tapos etong maiksi ganito lang dapat kahaba" sabi ng siga. "Huh? Para saan?" tanong ni Onofre. "Eto pera, bilhan mo siya shorts, yung maong. Soli mo sukli at dapat may resibo" sabi ni Anton.

"Pati yan iuutos mo? Kaya mo naman gawin yan ah" sabi ni Onofre. "Clothes store ng babae yon" sabi ni Anton. "O ano ngayon?" tanong ni Onofre. "Basta, ikaw ang gagawa nito. May utang ka sa akin. Ngayon na dalian mo" sabi ni Anton.

"Nakikita mo ba busy ako? Sorry ka. Kung gusto mo mamaya samahan kita pagbalik nila galing sa parlor" sabi ni Onofre. "Ah ganon?" tanong ni Anton. "Oo ganon, I am so sorry Ninny just started eating" sabi ni Onofre.

"Ah ganon?" tanong ni Anton saka tumayo. "Oo ganon na nga. Kung may problema ka sa akin saka mo ako singilin pag mag isa ako. Wag ngayon at family time ito" sabi ni Onofre kaya umalis bigla yung siga.

"See that Ninny, madaming bully sa mundo pero you have to stand up to them. Pero Ninny matuto ka din lumugar, not all fights are worth fighting, there are some where you have to lose in order to win. I know I am not making sense now but do not worry baby I will always be here for you" lambing binata.

Limang minuto lumipas bumalik si Anton, nilapag niya yung isang tray na puno ng pagkain kaya nanlaki ang mga mata ni Nina. "Ang takaw mo naman" sabi ni Onofre. "Oh this is not for me" sabi ng siga. "Suhol para sa akin?" tanong ni Onofre. "Hindi, para kay cutey pie" sabi ni Anton.

"Huh?" tanong ni Onofre. "Come cutey pie, come to tito Antwon. This is all for you" sabi ng siga. Tinaas ng bata mga kamay niya saka pinagtuturo yung siga. "Akin na, gusto niya pumunta sa akin" sabi ni Anton. "Teka lang, basically you are still a stranger" sabi ni Onofre.

Nagpumilit si Nina kaya napilitan si Onofre na ibigay ang bata. "This is all yours" lambing niya kaya natatawa si Onofre. Todo palakpak si Nina, ang siga tinignan ng masama si Onofre. "Ano? Dalawa kapatid ko" sabi niya. "Siga siga tapos may soft side ka din" landi ni Onofre. "Dami moa lam, kunin mo na yung pera, mga sinulid tapos bilhin mo na. Color grey, ash grey kunin mo" sabi ng siga.

"Tsk, I cannot leave her with you" sabi ni Onofre. Tinitigan lang siya ng siga kaya napatayo yung binata. "She will be fine, kahit ganito ako tao parin ako" sabi ng siga saka sinubuan si Nina.

Trenta minutos lumipas nakabalik si Onofre at nakahinga ng maluwag pagkat nakita niya si Nina na tumatawa. "Hoy tama ba yung kinuha mo?" tanong ni Anton. "Oo, halos pinagtawanan na ako doon" sabi ni Onofre. "Huh, sure ka tama yan ah. Pag yan masikip sa kanya babalikan ulit kita" banta ng siga.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon