Chapter 33: Bagyo

8.2K 162 23
                                    

Chapter 33: Bagyo

Isang maulan na araw sa bahay nina Dani nagpipigil ng tawa si Sarah pagkat nagwawala si Nina na parang maliit na boss. "Okay Nins one more time" sabi ni Dani saka pinatugtog yung isang kanta.

"Whoooo whoooo" birit ni Nina saka kumanta si Dani. Sumigaw yung bata saka tinakpan bibig ng nanay niya kaya si Sarah super halakhak. Daldal ng daldal si Nina na tila pinapagalitan ang kanyang ina kaya si Dani nagsimangot. "Anak ha, dapat kinakampihan mo ako" sabi ng dalaga.

"You never learned how to sing" sabi ni Sarah. "Wow thanks a lot ma ha. Bakit kasi di niyo ako tinuruan?" tanong ni Dani. "Di rin ako marunong, daddy mo ang marunong" sabi ni Sarah. "Wag niyo ako idadamay diyan, ayaw ko makurot ni Nina" sabi ni Martin.

"Dadi ikaw nga. Please dad" sabi ni Dani kaya tinignan ni Nina ang kanyang lolo. "Lolo whoooo" sabi ni Nina kaya natawa na si Sarah. "Di ko kabisado yang kanta" sabi ni Martin. "Kinakanta mo nga non stop bago tayo matulog" sabi ni Sarah kaya natawa si Dani. "Okay, sige start mo" sabi ni Martin.

Nagsimula na si Nina, sina Dani at Sarah napapangiti pagkat bumirit bigla si Martin. "Nooooooo" sigaw ni Nina saka kinurot lolo niya sa kamay. Nakarinig sila ng busina, si Nina nanlaki ang mga mata niya saka napatingin sa nanay niya. "Nof mama" bigkas ng bata. "No baby, malakas yung bagyo kaya tito Nof cannot come" sabi ni Dani.

"Si Nof" sabi ng kasambahay nila, "Oh my God" bigkas ni Dani. "Omaygaaaaa! Nof! Nof!" sigaw ni Nina saka tumakbo papunta sa pintuan nila. Paspas si Dani sa may bintana, nakita niya yung binata na may hawak na sobrang laking payong.

"Ate paki bukas please" sabi ng dalaga. "Why is he here? Ang lakas lakas ng bagyo" sabi ni Martin. "I don't know, wala naman siya sinabi sa akin" sagot ni Dani na tumakbo paakyat ng bahay habang si Nina hinila lolo niya para samahan siya pumunta sa pintuan.

Binuhat ni Martin si Nina saka nag antay sila sa may pintuan, ang bata nagsisigaw na nang makita si Onofre na papasok ng gate. "Ay di siya basa" sabi ni Dani na pasimple na tinago yung twalya sa likuran niya. "Good morning po" bati ni Onofre. "Nof why did you come? Ang lakas ng bagyo" sabi Martin.

Di nakasagot yung binata pagkat nagtitili si Nina at gustong magpabuhat sa binata. "Wait Ninny fix ko muna payong ko ha, ay mauna na kayo sa loob habang mainit pa yung mga cinnamon" sabi ng binata. "Oh look Nina, he brought food" sabi ni Martin.

"Nof grabe bumabagyo ha" sabi ni Dani saka inabot yung twalya sa binata. "Hindi ako basa" sabi ni Nof pero ang dalaga lumapit at pinunasan noo ng binata saka sinabit yung twalya sa likuran nito. "Salamat, malapit lang naman kasi kina ate papunta dito so I said why not. Bored ako don e" sabi ng binata.

"Bored? Bakit nasan ate mo?" tanong ni Dani. "She went to work" sabi ni Onofre. "Work? Ang lakas ng bagyo" sabi ng dalaga. "Dani di pa siya boss like your parents" bulong ng binata. "Oh sorry" sabi nI Dani.

Pagdating sa dining area napasimangot si Dani nang makita anak niyang madungis ang bibig. "She loves it" sabi ni Martin. "Nof this is delicious" sabi ni Sarah. "Sige lang po habang mainit kasi malapit sa place ni ate may shop that specializes on cinnamon. Favorite niya yan actually" sabi ni Onofre.

"Pinapataba mo naman kami ni Nina e" reklamo ni Dani saka tumikim. "Mama" hiyaw ng bata saka nilayo yung plato kaya nagtawanan ang lahat. "Ay ang damot" sabi ni Dani. "Madami naman e, two dozens yan. Pag lumamig reheat nalang later bago kainin" sabi ni Onofre. "So is your ate okay now?" tanong ni Dani. "Okay naman na kaya lang takot kasi pag bumabagyo"

"So I am staying with her hanggang lumipas yung bagyo. Twenty minutes drive from her place to here" sabi ni Onofre. "Balita ko sunod sunod daw na bagyo" banat ni Dani. "Oo nga e pero lilihis naman daw yung isa. So instead of being along sa place ng ate ko dito muna sana ako" sabi ng binata.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon