Chapter 35: Tita Pat

7.8K 176 16
                                        

Chapter 35: Tita Pat

Sabado sa isang hallway sa isang condo unit residences naglalakad sina Onofre, Nina at Dani. "Sana naiwan nalang kami sa car" sabi ng dalaga. "Okay lang yan, mabait ate Pat ko and I wanted to show you the view from her unit" sabi ng binata.

Tumapat sila sa isang pintuan, kumatok agad si Nina kaya nagulat si Dani. Bumukas agad yung pintuan, isang magandang babae ang agad sumigaw saka lumuhod at pinagkukurot yung pisngi ni Nina. "Hello there baby.." sabi ni Patricia saka nagbaby talk kaya tumawa agad agad si Nina.

"Wow" bulong ni Dani sa gulat pagkat yumakap agad agad anak niya kay Patricia. "Ate" sabi ni Onofre. "Uy hello" sabi ni Patricia na agad tumayo karga karga si Nina. "Ate eto si Dani and that is Ninny. Dani this is my eldest ate Patricia" sabi ni Onofre.

Nakibeso si Patricia kaya si Nina nagtaka at biglang gumaya. Super natawa si Patricia pagkat dinidikit ng bata yung pisngi niya sa kanyang pisngi. "Oh my God she is so adorable" sabi ni Patrica. "Omaygaaaa" bigkas ni Nina kaya lalong natawa si Patricia.

"Come in, ang aga niyo naman. Sorry pala if I ruined your date ha. Yung car ko kasi na bago di pa binigay ng company e" sabi ni Patricia. "Ate we are not going on a date, lalabas lang kami" sabi ni Onofre pero di na siya pinansin ng ate niya at dinala si Nina sa may malaking bintana.

"Buildings, so many buildings" sabi ni Patricia kaya lumapit narin sina Onofre at Dani. "Mas maganda sa labas pero I will not allow you to bring her with your. Wag din muna kayo lumabas sa balcony baka she might want to follow. Naku delikado na" sabi ni Patricia.

"Ate magbihis ka na" sabi ni Onofre. Muling nadedma ang binata, dumiresto si Patricia sa kusina saka naglabas ng chocolate mula sa ref. "Sorry ha ganyan talaga yan. Pag nasa bahay yan solo niya si Karlo" kwento ni Onofre.

Basta nalang sinama ni Patricia si Nina sa kwarto niya kaya napakamot yung binata. "Sorry talaga" sabi niya. "Okay lang, pero ang ganda ng place niya. Maganda ba dito pag gabi? I mean makulay yung view?" tanong ni Dani. "Yeah at first okay siya pero pag nasanay ka na it gets boring"

"Tara upo muna tayo" sabi ni Onofre. "Alam ko mahal ang place na ganito e" bulong ni Dani. "Oo nga, nagtalo nga kami e, sabi ko dapat bahay nalang. She said dual purpose ito, its closer to work and then if ever nagka family siya ito pwede iparent or ipalease. Basta talo ako sa usapan namin" sabi ng binata.

"Malaki siguro sweldo ng ate mo" bulong ni Dani. "Yeah, matalino kasi yan tapos may masters degree pa. Some say dahil daw sa parents ko kaya nakuha niya pwesto niya so si ate she wants to prove them wrong" sagot ng binata. "Ah sabagay" sabi ng dalaga.

"Kaya lang they recalled her old company car, di pa dumating yung bago. Sabi ko nga palit kami pero di daw pwede baka kasi hanapin daw sa kanya. She chose the Ford Ecosport nab ago, ang ganda as in" sabi ng binata. "Yeah I saw that too dati, I find it cute na SUV" sabi ni Dani. "Sana isang araw ganito din ako, I mean may nice work din ako para mabili ko din mga gusto ko on my own" sabi ni Onofre.

"Mag asawa ka ng matandang mayaman na malapit na mamatay, yung cougar" biro ni Dani kaya natawa yung binata. "Salamat sa inspiration ha" sagot niya. "Joke lang, may tita akong single parin" hirit ni Dani kaya napakamot yung binata habang yung dalaga tawa ng tawa.

Isang oras lumipas sa loob ng isang mall nahiya si Dani na kunin si Nina. "Oh can I take her with me? Ninny you want to come with tita?" tanong ni Patricia. "Ate, baka umiyak yan" sabi ni Onofre. "Hindi, akin na yang bag mo, is her change of diaper there?" tanong ni Patricia.

"Yes" sagot ni Dani. "Akin na, take your wallet then akin na yang bag. Sige na you two enjoy at kami naman ni Ninny ang mag date" sabi ni Patricia. "Ate" reklamo ni Onofre. "What? I said go already. So baby where do you want to go? There? You want to go there? Oh yes lets go there" sabi ni Patricia saka umalis nalang bigla dala si Nina.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon