Habang nagma-maneho ako, pinagma-masdan ko ang mga kalyeng nadaraanan ko. Nagba-baka sakaling mahanap si Kriss.
Hindi ko naman sinasadyang sabihin ang mga nasabi ko kay Kriss pero hindi ko napigilan. Alam ko wala akong karapatan na diktahan sya dahil kahit ako, alam ko sa sarili kong ginagamit ko lang sya. Pero hindi ko kasi kayang masaktan sya lalo na't alam kong ako ang dahilan.
Itinigil ko ang paninisi sa sarili ko dahil nawawala ako sa konsiderasyon ng pagha-hanap. Sinubukan ko ulit syang tawagan pero cannot be reached pa din. Lalo akong kinabahan dahil past 7pm na. Kung saan saan na ako nag-libot pero walang signs ng Kriss Chua sa lahat ng nadaanan ko.
Hindi ko alam ang bahay nila kaya sinubukan ko nalang puntahan ang lugar kung saan ko sya singot. But to be failed, wala pa din sya.
Sa kahuli-hulihang pagkakataon, tinwagan ko ulit sya. Naka-apat na ring lang at sinagot nya na ito.
"Kriss!" Bulyaw ko. Pero walang sumasagot. "Hello Kriss!?" Biglang namatay ang tawag. Tinignan ko ang phone ko at dahil bukas ang GPS ng cellphone ni Kriss, na-detect ko kung nasaan sya. But fvck! Dark Rivalry Underground? Hindi ako palamurang tao, pero sa lagay ngayon, TANGINA! Hindi nya ba alam kung gaano kadelikado sa DRUG?!
Walang ano-ano, pinaandar ko na ang sasakyan ko.
KRISS'S POV
"May magagawa ba yang sorry mo sa katotohanang nag-alala ako ng sobra sayo!" Hindi ko na na-control yung emosyon ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil ok lang si Cess, o maiinis ako dahil hindi nya iniisip ang nararamdaman ko. Boyfriend ako eh. BOYFRIEND! Hindi naman ako kaibigan lang na basta basta magta-tanong kung nasaan sya at kung anong ginagawa nya. Leche na yan!
[Sorry ha? Sorry talaga. Kung ayaw mong mag-alala, wag ka nang mag-girlfriend! Masyado kang nakaka-sakal! Gusto mo lahat ng kilos pinaaalam pa sayo. Bwisit!]
Nabitawan ko ang cellphone ko. Ang sakit! Ang sakit sakit pala na yung taong pinahahalagahan mo ng sobra ay ipinagta-tabuyan ka na lang bigla.
'Sorry din Cess. Sorry din na mahal lang kita ng sobra kaya ayokong mapahamak ka. Sorry din kung pinahahalagahan kita kaya hindi ko kayang masaktan ka. At sorry din kung sa bawat pagma-mahal na ipinapakita ko sayo, hindi ko nararamdaman na nasasakal ka na pala. Sorry talaga!
Ganon na lang ba yon? Kung sino yung mas nag-aalala, sya pa yung nagiging masama?
Lumabas ako ng kwarto ko at hindi pinansin ang mga nakakasalubong ko na nagta-tanong kung saan ako pupunta. Naiinis ako sa mga tanong nanghi-himasok sa buhay ko!
Pumasok na ako sa sasakyan ko. Ngunit bago ko ito paandarin, napa-ngisi ako. 'Ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ni Trinity sa tuwing nanghi-himasok ako sa buhay nya.'
---
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maga-alas sais na ng gabi kaya nakaramdam na din ako ng gutom. Huminto muna ako sa isang 7/11 na nakita ko.
Bumili ako ng ice cream. Sabi nila, ice cream is the best pain reliever. Sabihin na ng iba na bakla ako pero susubukan ko. Tutal masakit na eh. Hindi naman ako manikin lang para mag-panggap na presentable at walang nararamdaman. Kahit lalaki ako, hindi naman ibig sabihin na malakas ako. May kahinaan din ako. At yun ay ang ipag-tabuyan ng taong mahal ko. Ngayon, masasabi nyo ng mahina ako dahil ipinagtabuyan na ako ng taong mahal ko.
Pumasok na ako sa sasakyan ako upang doon kainin ang binili ko. Binuksan ko ang ice cream na binili ko. Huminga ako ng malalim bago ito kinagatan.
Habang paunti-unting nangangalahati ang ice cream ko, na-realize ko na parami ng parami ang luha na pumapatak mula sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...