KRISS
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at puro puti lang ang nakita ko.
Mabigat ang katawan ko at nanakit ang mga mata ko. Ang labi ko ay parang tuyong-tuyo.
Where I am? What am I doing here?
Iginala ko ang mata ko sa paligid at napagtantong nasa hospital ako. Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang mga pangyayari kagabi kaya ako narito.
Masakit para sa akin na alalahanin ang nangyari at nalaman ko kagabi. Ganon na ba ako kahina para paglaruan ako ng mga tao sa paligid ko?
Tumayo ako at dumiretso sa fridge para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Pagtalikod ko ay halos mapatalon ako ng makitang nakahiga si Princess sa maliit na sofa sa may tabi ng bintana.
Dahan dahan ko syang nilapitan at muntik ko nang maapakan ang cellphone nya na nalaglag sa sahig. Mataman ko muna syang tinignan bago maingat na lumuhod para pulutin ang cellphone nya at ilagay sa mesa.
Ngunit nang mahawakan ko na iyon ay may kung anong nagtulak sa akin na pakialaman ito.
Napakagat ako ng labi ng makita ang wallpaper nya.
Ang saya saya nya pala sa ibang bansa. Yung tuwang nakikita sa mukha nya dito sa litrato ay walang wala sa mga 'saya' na natamo nya dito sa Pilipinas.
Buti na lang at walang screen lock ang cellphone nya kaya nabuksan ko agad ito. Pinindot ko ang gallery at parang may kung anong sumaksak sa puso ko ng makita ang mga litrato nya kasama ang isang lalaki.
May mga stolen shots, wacky poses, at may mga formal.
Tinignan ko ang kabuuang laman ng folder na may file name na 'JerNica' at napangiti ako ng mapait nang mapagtantong halos isang libo mahigit ang mga pictures nila.
Ang swerte naman ng lalaki na to. Kung ako, wala pa sa sampu ang mga pictures namin ni Princess. Ikaw ba? Ikaw na ba ang ipinalit nya sa akin?
Naisip ko lahat ng sinabi sa akin ni Nico.
"Mahal mo nga ba talaga? O panakip butas mo lang sya?"
Sa loob ng dalawang taon, minahal ko nga ba talaga si Rica? Kasi kung oo, sana nasaktan ako ng sobra sa ginawa nila na pagtataksil sa akin. Pero hindi eh. Parang kurot lang sya.
Unlike sa ginawa ni Princess sa akin na sa loob ng mahigit dalawang buwan, sobra nya akong nasaktan nung bigla nya akong iniwan.
I sighed.
Well I guess, panakip butas ko lang si Rica.
Pinagpatuloy ko ang pag-scroll down sa gallery ng cellphone nya habang maingat na umupo sa baba ng sofa.
Napahinto ako ng makita ang isang album na talaga namang nakapag-pakabog ng husto sa puso ko.
Nanginginig na binuksan ko ang files at muntik ko nang mabitawan ang cellphone nang makita ko ang mga litrato ko. Oo, litrato ko. Mula stolens, smiles at kung ano-ano pang pictures ko. Meron din nung magkasama kami.
Sinulyapan ko ang mahimbing na natutulog na si Princess bago muling itinuon ang atensyon ko sa mga litrato. Tinignan ko isa-isa ang details kung kailan kinunan ang litrato and to my surprise, it was five years ago.
Pinakalma ko ang nagwawala kong puso at maingat na maingat kong hinaplos ang mukha nya.
Damn Trinity! Oo, hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita at hindi na yata iyon mawawala pa. At gustong-gusto na kitang makalimutan. Pero bakit may ganito ka pa?! Fuck! Ngayon, mas lalo mo lang akong pinahihirapan.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...