Chapter 39

4.9K 62 0
                                    


PRINCESS'S POV

Mag-isa lang ako sa bahay bukod sa mga katulong namin. Nasa business trip nanaman kasi sila dad. Naisipan kong i-text si Kriss dahil bored ako.

To: Kriss
Good morning! Woke up already?

Hindi naman nag-tagal at naka-received na din ako ng text nya.

From: Kriss
Good morning too. Just got up. Did you eat your breakfast?

To: Kriss
Yeah. How 'bout you?

From: Kriss
Not yet.

Hindi na ako nag-reply sa huling message nya. 'Not yet' Ano pa bang dapat kong i-reply? Haha? Hindi pa nga kumakain yung tao tapos tatawanan ko pa?

Itinali ko ang buhok ko ng pony. Nag-lakad ako papuntang closet ko para mag-hanap ng masusuot. Since 6:00 am palang naman, mas better siguro kung magjo-jogging muna ako. It's been two months na akong nahinto sa page-exercise kaya feeling ko tumaba na ako.

Lumabas na ako. Pero bago ako tumakbo, isinintas ko muna ng mabuti ang shoe lace ng sapatos ko. Binuksan ko na ang gate at lumabas na para mag-simula.

Naikot ko na ang buong village namin kaya nakaramdam na ako ng pagod at pagka-hingal. Nainis lang ako dahil pataas na ang sikat ng araw. Tapos wala pa akong tubig. Umupo muna ako sa isang bench na nakita ko.

"Ang init!" I uttered.

"Oo nga eh."

"Ay kabayo!" Sigaw ko dahil nagulat ako sa taong sumagot sa akin. Nilingon ko sya. He looks familiar. "Kailan ka pa nandito?" Tanong ko since hindi ko naman sya nakita kanina nung umupo ako.

"Nauna ka lang ng 2 seconds."

Wow. Talaga? Eh bakit hindi ko napansin ang presence nya? "Have we met before?" Pag-iiba ko ng tanong. Ayoko namang maging rude since maaga pa.

"Naka-limutan mo na ba ang gwapo kong mukha?" Hinawi nya ang buhok nyang kulay brown pataas.

Ang hangin pero hindi natutuyo ang pawis ko ah! "Seriously kuya? Hindi ko naman itatanong kung kilala kita." Inirapan ko sya.

"Chill ka lang PriNity. Sabi ko nga blind date." Uminom sya ng Gatorade.

Blind date? "Ah! Ikaw pala yun. Nico? Nico right?"

Tumango sya. Inabutan nya ako ng Gatorade. Nagda-dalawang isip pa ako bago kunin. "Sige na. Walang gayuma yan."

Kinuha ko na lang at binuksan. "So, paano ka napunta sa village namin?" Ininom ko ang Gatorade habang hinihintay ang sagot nya.

"Taga dito din ako."

Nag 'ah' nalang ako bilang sagot. "Sige mauna na ako. Mainit na eh." Paalam ko.

"Sandali." Awat nya. Tumingin sya sa wrist watch nya. "8:30 am pa lang. May vitamin E pa ang sikat ng araw."

"Ok na ako. Hindi ko naman na kailangan ng vitamin E. Exercise naman ang habol ko. Isa pa feeling ko, nabawasan na ng 5 pounds ang weight ko. Nga pala, thanks sa Gato. Una na ako!" Paalam ko at tumakbo na pabalik sa bahay.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon