Chapter 75

4.6K 61 2
                                    

•••
M•E•R•R•Y
C•H•R•I•S•T•M•A•S 🎉
•••




PRINCESS

"Ang ganda!" Wika ko pagkakita ko sa wedding gown na gagamitin ko bukas.

Naramdaman ko ang kamay ni Tita Jane sa balikat ko kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

"Hindi talaga ako makapaniwala, hijah. Dati baby ka palang. Tapos high school at nag-kolehiyo ka. At, matagal na panahon kang nawala. Pagkabalik mo naman, ilang buwan lang ang lumipas, na-engaged ka na. Tapos ngayon, ito na! After almost one year, ikakasal ka na. I'm so happy for you."

Naramdaman ko ang luha ni Tita kaya humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang mga luha nya.

"Easy, Tita. Daig mo pa si mommy eh."

"Ay basta! I'm so happy for you. At sana. Sana hindi ka nagkamali sa naging desisyon mo."

Umiling ako. "Nagkamali na ako noon and I assure you that hindng-hindi na ako magkakamali ngayon."

She tapped my shoulders before leaving.

Sinulyapan kong muli ang gown na gagamitin ko bukas. Hinaplos ko ang kabuuan nito bago tumungo sa kama ko.

Umupo ako rito at tumingin sa kalangitan na nagtataglay ng milyong-milyong mga bituin.

Bumuntong hininga ako bago ngumiti.

"After almost 6 years, kami rin pala ang para sa isa't-isa."

I mesmerized all the things that we've been through. The ups and downs that made our relationship stronger. Lahat. Lahat lahat. Parang napakasariwa pa sa alala ko ang mga iyon.

At ngayon, hindi ako makapaniwala. Na bukas ay ikakasal na ako sa taong akala ko'y hindi ko na kahit kailan makikita. Parang ang sarap sarap sa pakiramdam na isipin na matapos ng lahat ng mga probelamg kinaharap namin, sa huli, kami pa rin.

Naramdaman kong may pumasok sa pinto kaya napatingin ako doon. Nakita ko si mommy na nakangiti habang lumalapit sa akin. Gumanti rin ako ng ngiti.

"Anak."

"Mom."

Bago nya pa maituloy ang sasabihin nya ay pumatak na ang luha nya. I swiped it using my thumbs and hugged her.

"Mom, don't cry."

"Kahit pilitin kong maging masaya para sayo, parang hindi ko kaya."

Napalayo ako sa pagkakayakap sa kanya. "What do you mean?"

She sighed. "It's not what you think. Parang hindi ko kaya na mawala ka sa amin. Dati, bata ka pa lang. Uhugin ka pa."

"MOM!"

"Its true!" Natatawang sabi nya. "Dati rati, kinukwentuhan pa kita ng mga bedtime stories. And now, hindi ko maisip na ikaw na ang gagawa ng mga ginagawa ko noon sayo."

"But mom, I don't have children yet." Natatawang sagot ko.

"Doon din ang punta non." Pinatalikod nya ako at sinuklay suklay nya ang buhok ko. "Dati nung elementary ka, ayaw mong pumasok. Inaaway mo rin yung mga classmates mo."

Napahalak ako. Am I that stubborn and bitch?

Napatigil ako sa pagtawa ng maalala ko sya.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon