[Short update. . .]
PRINCESS
*School bell!*
Nice! Uwian na. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Mag-isa akong naglalakad sa corridor dahil wala sila Andy at Les. Nagtatakha ba kayo kung bakit parang madalas ko nang bina-banggit name ni Leslie? Kasi mukha naman syang mapagka-katiwalaan at mabait, so yun kaibigan ko na din sya ngayon. Ugh! I don't think so.
Nakarating na ako sa gate at may pila pa. So pumila ako sa hulihan since ako naman talaga ang huli.
Nung turn ko na, "Miss, nasan ang ID mo?" Tanong ni kuyang guard.
"Eh? Kailangan pa ba non?" Takang tanong ko.
"Oo." Sagot nung guard.
"Ako yung anak ng owner ng school na to. Kaya palabasin mo na ako."
"Kailangan ko ang ID mo. Kung palalabasin kita ngayon, paano ka bukas? Mas matapang at mas mahigpit ang magba-bantay bukas dito sa gate."
"Tss." Wala na akong nagawa, walk-out ang peg ko.
Ever since, hindi pa ako nauutusan. Tapos ngayon, uutos-utusan lang ako ng mga mas mababa sa akin? And worse, ay dahil pa sa Identification card? Wow!
Habang naglalakad ako papuntang detention room ay isinet ko ang earphones at cellphone ko para magpatugtog.
Tinext ko muna si Andy na mauna na sakin since naghihintay na sya sakin sa labas ng gate. Sabay kasi sana kaming uuwi.
DETENTION ROOM:
Isang malaking room na kulay puti lang at walang kagamit-gamit maski isa ang tumambad sakin. Tss.
May nakita akong isang lalaki na naka-tungo lang sa gilid.
Umupo ako sa kabilang parte ng room na to at tumungo lang din habang hinihintay na lumipas ang oras.
Tik... tak... tik... tak... tik... tak
Dahil borred na borred na ako ay naisipan kong tignan ang lalaki na nasa kabilang gilid.
Unti-unti akong tumingin sa lalaking nasa-kabilang parte ko.
"YOUUU??/ IKAWW?!" Sabay kaming napa-sigaw nung nakita na namin ang isa't-isa.
"Wengya!!/ Psh!!" Sabay ulit kaming nag-salita.
Imbis na matuwa ako dahil ang sabi nila pag-sabay kayong nag-salita eh soulmate kayo. SYA? SI ANTIPATIKO? SOULMATE KO? Naku wag na! Magma-madre nalang ako!
Would my first day in here make me say that... THIS SCHOOL WAS CURSED?!
***
KRISS
Nakanang pucha!
Ang malas ko naman yata ngayong araw!
Gusto nyo malaman kung bakit? Ge, eto oh..
Flashback. . .
Sobrang antok akong pumasok sa WP Academy dahil pasado alas-dos na ng madaling araw ako nakatulog. Tinapos ko pa kasi muna lahat ng mga requirements na kakailanganin ko para sa mga scholarship program ko sa school.
---"MR. CHUA?!!"
"Yes po ma'am?"
"Why are you sleeping in my class?!"
Duon ko lang naalalang nakatulog nga pala ako.
"It's your first day here, tapos matutulog ka lang? Give me your ID, detention room ka after lahat ng klase mo."
"Psh. Yes ma'am!"
---
Pagka-tapos ng mga sumunod na klase ko... uwian na. Hindi pa naman din pwedeng lumabas pagka-walang ID, so no choice. Detention room talaga bagsak ko. Hayyss..
At DR:
Umupo lang ako sa isang tabi at tumungo. Maya maya ay may naramdaman akong pumasok. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan kung sino man yon dahil alam kong pasaway na estudtante lang din yon.
Ilang minuto na ang nakakalipas kaya naisipan kong silipin kung sino man yung pumasok kanina.
Pagtingin ko, isang makinis at magandang babae pala ang kasama ko ngayon.
Napatingin din sya sakin at....
"YOUUU??/ IKAWW?!" Sabay kaming napa-sigaw nung nakita nanamin ang isa't-isa.
"Wengya!!/ Psh!!" Sabay ulit kaming nag-salita.
Sadya bang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana para sa mas lalong ikasisira ng araw ko?!
*School bell!*
End of flashback. . .
***
TWITTER: @ayanniyah
~
INSTAGRAM: @ayanniyah
~
FACEBOOK: Andrea Rae Paulino Cruz
**(PAALALA: Kung gusto mo akong i-add, kung gusto mo lang... PM mo yung facebook account ko na WATTPADER ka. Dahil hindi ako nag-a-accept ng hindi nakaka-relate sa wattpad. Thank you.)Please do VOTE, COMMENT and SHARE.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...