PRINCESS'S POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa ginawang pagli-lihim sa akin nila Nico at Andy. May sakit pala ang kapatid nya na limang buwan ng naka-confined sa hospital namin, and yet, hindi sya humingi ng tulong sa akin. Sa amin.
Inisip nya pa yung nararamdaman ko eh halos walang-wala itong pinagdadanan ko sa pinagdadaanan ng kapatid nya. Alam ko naman na hindi lang sya nag-take advantage sa akin pero sana naman, hindi na sya nahiya dahil paano kung hindi ko pa aksidenteng narinig ang usapan nila Andy? Hanggang kailan pa magsa-suffer ang kapatid nya?
"Everything is settled Ma'am." Rinig kong sabi ng doctor. Humarap ako kay Nico na naka-tungo.
"I-ready mo na ang kapatid mo. After an hour, isasagawa ang operasyon." Parang kumislap ang mga mata ni Nico sa narinig nya habang si Andy naman ay pinipigilang ngumiti.
Pagka-uwi namin kagabi ay sinabi ko kila daddy ang balak kong pagtulong kay Nico at sa kapatid nya. Nagulat sila sa nalaman nila kaya hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at agad na in'schedule ang operasyon para sa bata.
Iniwanan ko muna silang dalawa at bumaba ako sa cafeteria. Pero napahinto ako ng madaanan ko ang nurse station.
Naalala ko pa yung iskandalong nagawa ko dito. Naalala ko rin yung babae. Pero hindi ko matandaan ang pangalan nya. Siya ang dahilan kung bakit umuwi kami dati ng Andy ng may mga bangas sa katawan. Sila ng mga kaibigan nya.
Nasaan na kaya sya? May nahanap na kaya syang matinong trabaho?
"Tatlong cappuccino and tatlong chocolate roll with vanilla extract syrup cake." Order ko pagkarating ko sa cafeteria.
Pabalik na sana ako sa taas ng may makita akong pamilyar na pigura ng tao na papalapit sa gawi ko habang tutok ang paningin sa cellphone nya.
Papalapit na sya ng papalapit sa akin ay mas lalong kumakalabog ang puso ko na parang anytime ay pwede na syang lumabas mula sa dibdib ko. Kaya dali-dali akong nag-tago sa isang pasilyo sa kaliwa. Humaharap ako sa kanan ko para in case na dumaan sya sa hallway ay hindi nya ako mamumukhaan.
May narinig akong yabag ng mga paa kaya mas lalo akong sumiksik sa puwesto ko.
Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang maihaharap ko sayo, Kriss. Sana maintindihan mong ginagawa ko ito para sa kapakanan natin pareho.
Ganon na lang ang gulat ko ng pagharap ko sa kaliwa ko kung saan ang daan papuntang hallway ay nakita kong naka-tayo si Kriss sa gilid ko habang ang kanang kamay nya ay naka-hawak sa pader, naka-cross ang mga paa nya at medyo naka-tagilid ang postura ng katawan nya. Kahit madilim sa puwesto ko, hindi ko alam kung paano nya ako namukhaan pero ako, alam kong si Kriss itong nasa gilid ko dahil maliwanag ang puwesto nya.
"Done?" Napakapit ako ng mahigpit sa mga pinamiling hawak ko ng marinig ko syang nag-salita.
"Done with what?" Painosenteng tanong ko.
"Done staring at me?"
"I'm not staring at you." Pinostura ko ng maayos ang katawan ko at huminga ng malalim. "Excuse me, your blocking the pathway."
Ngumisi sya ng may tunog at nakaka-insulto. "Excuse me too, but I'm not blocking your way." Then tinuro nya ang puwesto namin at parang gusto ko na lang mawala bigla.
Lupa, kainin mo na ako ngayon na!
Malaki pa ang espasyo sa gitna ng pasilyo at nandito lang kami sa pinakagilid pero ang nasabi ko ay hinaharangan nya ang daanan ko kung pwede naman akong dumaan sa gitna.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...