PRINCESS"IKAW?!" Napatingin ako kay Mrs Ocampo at ang ngiti nya ay napakaganda. "Paano?" Nalilitong tanong ko.
"Hindi mo man lang ba ako yayakapin at kakamustahin?" Tanong nya.
Matagal kaming nagkatitigan bago ako napangisi at patakbong napayakap sa kanya. "I miss you." Sabi ko.
"I miss you more." Malambing na sagot nya bago hinagod ang likod at buhok ko. "How are you?"
"Hindi ba dapat ikaw tinatanong ko nyan? How's your flight?"
Inakay nya ako paupo sa couch na pinag-upuan ko kanina. Nagbeso muna sya sa mom nya bago ako tinabihan.
"Ehem. Princess, he's my son. Jerome Augustine." Matamis syang ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. "I'm very thankful to you because you've encouraged this boy to appreciate what he have. Hindi na sya pasaway. Hindi na sya basagulero."
Augustine?
"Walang anuman po." Magalang na sagot ko. "Pero, how come na anak nyo sya?"
"He's my son sa first husband ko. Actually, dalawa sila. I've changed my surname already because I am married to someone. Means, may dalawa na akong pamilya." Nakangiting sagot nya.
Tinitigan ko si Jerome na ngayon ay parang alon ang mga kilay habang nakatitig rin sa akin.
"Dalawa po sila?" Nakakunot noong tanong ko.
"Uh oo. Bakit?"
"Nasan po yung isa?" Takang tanong ko.
Nagkatinginan silang mag-ina bago humalakhak ng malakas si Jerome.
"You mean, hindi mo alam?" Pigil ang tawang tanong ni Jerome.
Bumuntong hininga muna ako bago sya inirapan.
"You think I will ask if I already know the answer? Stupid."
"Actually, sya ang dahilan kung bakit ka nandito. Please remember him." Ani Mrs. Ocampo.
Ikinunot ko ang noo ko at inutusan ang utak ko na alalahanin kung sino nga ba ang isang anak nya. Mga ilang minuto akong nag-isip. At nung naisip ko na kung sino sya, biglang nanlaki ang aking mata.
"Augustine?! You mean si Mister Augustine na boss ko?!" Naghi-hysterical na tanong ko.
"Oo. Kuya ko si Jeremy Augustine. Any problem with that?" Maangas na wika ni Jerome.
"Sorry po. Hindi ko sya na-recognize kaagad." Magalang na sabi ko kay Mrs. Ocampo. Naramdaman ko ang pagsiko ni Jerome sa tagiliran ko kaya tinaasan ko sya ng kilay. "What?"
"You're too formal. Drop that formality. Hindi bagay sa attitude mo." Nakangising sabi nya.
Mas lalong tumaas ang kilay ko. "Why? Ano bang attitude ko?"
He spread his arm at the back of my nape. Para tuloy syang nakaakbay sa akin. "Well, you're boyish, amazon and bitch."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi nya. Sinapak ko sya sa tyan kaya agad syang namilipit sa sakit. "How dare you call me a bitch?!"
"See? You're too stubbo-- AWW! Stop that!" Asik nya.
"Bitch? Then stubborn? What more?!" Nanggigil ako sa kanya. Ghad! Kung alam ko lang na aasarin nya ako pag nagkita kami, sana hindi na sya bumalik!
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Fiksi RemajaPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...