THIRD PERSON'S POV
Tulala ang dalagang si Trinity sa mga nangyari sa kanyang araw. Feeling nya ay sobrang na-haggard ang beauty nya nang umeksena sya sa isang tragedic scene of the day ng kanyang buhay. Halos nanlaki talaga ang mata nya nang makitang ang lalaking pinagkakaguluhang namatay, joke, pinagkakaguluhang naka handusay sa daan at walang malay ay ang lalaking ibinalibag nya sa elevator. Sobrang naiinis talaga sya. Pero may tuwa din na pakiramdam sa puso nya dahil for the first time. For the first time, nag-malasakit sya sa isang tao na hindi nya ka-dugo. The guiltiness she felt was lessened when she helped that guy.
Naligo nalang ang dalaga. Nagbabad sya sa bathtub nya with warm water at tila pinipilit na inererelax ang isipan at katawan ngunit talagang sumasagi sa isipan nya ang lalaking kanyang tinulungan.
---
Sa kabilang banda naman, maligalig din si Krisstofen dahil unti unting umuukit sa kanyang isipan ang napakagandang imahe ng dalaga.
Hirap din syang makapag pasalamat dahil kahit pangalan ng dalaga ay hindi nya alam.
Nagkaroon pa sya nang isang malaking gusot na kelangan nyang plantsahin dahil sa pagtulong sa kanya ng dalagang pinangalanan nyang Ms. Amazona.
---
Kinabukasan, nakasimangot na gumising ang dalaga dahil puyat na puyat sya. Ikaw ba naman ang magdamag na bulabugin ng magaling nyang bestfriend, si Andy. Andy Cruz to be exact.
Magte- ten thirty na nang umaga nang maalala nya ang napagdesisyunan habang naliligo sya na bisitahin ang kaisa isang tumawag sa kanya ng pangit.
Sariwang sariwa pa din sa isipan ni Trinity lahat ng pinagsasasabi ng kung sino mang Poncio Pilato na yun ang sumira sa napakagandang araw nya na kasing ganda nya.
"Dadalawin ko pa ba yung impakto na yun?" Litong litong tanong ni Trinity sa sarili nya.
---
Maaga naman umalis si Kriss sa ospital dahil nakaligtaan na nyang umuwi kagabi at naiwan nyang nakatengga ang unit nya.
Minadali na nyang ayusin ang mga gamit nya at dali daling umalis sa ospital na yun.
PRINCESS
Ewan ko ba kung bakit ko pa kailangang puntahan yung kutong lupa na yon na walang ginawa kundi hindi ako patulugin kakaisip kung bakit ko pa sya kailangang puntahan.
Naka chin up akong naglakad sa passilio ng Gen. McVillegas Hospital. Halos lahat ng mga lalaking staff dito ay nakatingin sakin. Nginingitian nila ako kaya kinindatan ko nalang sila.
"Akala mo maganda, if I know na gumagamit lang naman sya ng glutathione. Psh! Nahiya naman sa kanya ang Natural Beauty ko!" Maarteng puna sakin ng isang staff na babae.
Unti unti ko syang nilingon at naglakad ako papunta sa kanya
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...