KRISS
Napamulat nalang ako bigla ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko .
From:Rica <3
Hai babesss ! Alam kong tulog ka pa hanggang ngayon , wala lang, gusto ko lang na ma-feel mo ang presence ko. I love you
Napangiti nalang ako bigla dahil sa text ni Rica. Napaka sweet nya talaga.
Sya lang ang nag-iisang babae na nakaintindi sakin nung panahon na naluklok ako sa mga problema ko. That's why I loved her.
Pagkatapos ko syang replyan, tumayo na agad ako sa kama at lumabas na ako ng kwarto ko. Aaminin ko, hindi ako ganon kayaman tulad ng iba. Dati yon. Sobrang luho ako sa kayamanan. Sabi nga nila, ako daw yung tipo ng tao na "What Krisst wants, Kriss gets".
Until one day ...
Flashback
"Kriss!!!!!"
Eto na, eto na yung kinakatakot ko. Nakita na ni daddy lahat ng grades ko. I did all my best para makakuha ng high grades Pero kahit na anong pagsusumikap ko, alam ko sa sarili ko na hindi kayang tanggapin ni dad lahat ng mga nagawa ko.
"Kriss David Chua! Come to my office, Right now!" Galit na giit ni daddy. This is the first time He called me by my full name.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa office.
Nang makarating na kami duon, mas lalo akong kinabahan dahil sa mga nakita kong bags, shit! Hindi ko na napigilan ang umiyak ng palihim.
"Dad! Don't tell me, papalayasin mo ako dahil lang sa mababa kong grades?!" Tanong ko.
Umupo sya sa upuan nya habang ako naman ay naiwang nakatanga sa tapat nya. "Nakikita mo naman diba? Oh? Ano pang hinihintay mo, go pick up those bags and pack your things as soon as possible. I don't wanna see your face here in my house anymore" Ito nanaman yung mga matutulis na tingin ni dad sakin.
"But dad---"
"No buts, nakahanda na ang condo na tutuluyan mo at naka hold na ang mga credit cards na gagamitin mo. I will give you one credit card worth of 50,000. Iiwan mo na lahat ang kotse mo dito at isa lang ang dadalhin mo. You're so irresponsible. Sa lahat ng bagay inintindi kita! Sa mga kalokohan at katarantaduhan mo sa buhay, hindi kita pinakialaman but damn! Yung pag-aaral lang naman ng mabuti ang hinihingi kong kapalit ng mga ibinibigay ko sayo, hindi mo pa binigay! And for the nth time you disappoints me. So you can go now."
"Dad, please don't do this to me" Pagma-makaaawa ko.
Binigyan nya lang ako ng isang napaka talim na tingin kaya wala na akong nagawa at isa isa ko nalang binitbit palabas ang mga maleta na gagamitin ko sa pag alis.
Hindi ko na napigilian ang mainis dahil sa mga nangyayari sakin. 50,000 lang ang pera ko? Eh halos budget ko lang ng ilang araw yun, kasama sa mga pagimik gimik namin ng tropa. Tapos isa lang yung kotse na dadalhin ko? Buti nalang nakuhanan na ako ng mommy ko ng student license nung first year high palang ako. Pero hindi ko talaga kayang mabuhay ng limitado ang galaw. Bwisit! Bakit ba kasi hindi nya matanggap lahat ng pagsu-sumikap ko?
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...