Chapter 2

14.1K 243 8
                                    

KRISS

Naiinis pa din ako sa nangyari kanina. Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung itsura ng amazona na yun--

"Waiter!! Paki deliver naman yung order namin dito!" Sigaw ng isang costumer.

"Waiter!! Paki serve naman yung sa amin!"

"Waiter!--"

"Waiter!--"

"Waiter!--"

"Waiter!!!!"

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko sa kanila.

Nakaramdam agad ako ng matinding pagkahilo kaya napa hawak ako sa isang vacant seat.

"Waiter!"

Hindi ko na napigilan yung sakit ng ulo ko. Feeling ko ay umiikot ang paligid ko.

Pinilit ko pang idilat ang mata ko pero hindi ko na nakayanan ang sakit ng ulo ko.

"Hala! Tulong! Yung waiter oh!!!" Narinig kong sigaw ng isang costumer...

And everything went black.

PRINCESS

Ako nga pala ang nag-iisang prinsesa ng mga Villegas. Ang may-ari ng iba't-ibang airlines, five-star hotels, malls, factories at buildings sa buong bansa.

Maganda ako, mayaman, matalino, sexy. Mabait din ako dun sa mga taong malapit sa akin. Sabi rin nila mayabang ako. They don't like my attitude but I don't like them even more.

Yun kasi ang ayaw ko. Nanghu-husga sila kahit hindi ko sila kilala. Maybe they knew me but wala silang karapatan na pagsabihan ako ng kung ano-ano dahil hindi naman sila ang bumubuhay sa akin.

Nakaka badtrip.

Kaya lang ay masyado akong badtrip ngayon dahil sa isang lalaki na hindi naman ka-gwapuhan pero kung makaasta akala mo gwapo sya.

Nanggi-gigil pa din ako kapag naaalala kong yun! Sira na ang araw ko dahil sa kutong lupa na yun...

Sasabihin nya lang na maganda ako, nag-deny pa! Kung inamin nya, edi sana hindi ko na sya pinahiya!

Darn! Ang mga tao ngayon gumagawa ng paraan para masaktan sila. Tapos sa bandang huli, sila pa ang argabyado!

Mabuti pa makakain muna ako sa Jollibee dahil hindi pa ako nakakapag breakfast mula kanina.

Habang papasok ako sa Jollibee ay nakita kong nagkakagulo sa loob. Hala! Ano yon? Patay?

Bumalik nalang ako sa ulirat ng narinig kong lumabas na yung mga tao at buhat buhat nila yung isang lalaki na walang malay.

Teka lang... His presence. Parang familiar eh. Dahil curiousity kills ang umiral sa akin, naki-usyoso ako.

Damn! Mag-dahan dahan naman sila. Yung disguise ko oh! Mahirap machempuhan ng lintek!

"Excuse! Excuse! Excuse me pooo!" Napatingin silang lahat sa akin. Natigilan naman ako bigla dahil may mga taong naka taas ang kilay na akala mo ay aabot ng sun. Sana huwag nila akong mamukhaan. "Padaan po! Patingin lang naman po." Sambit ko. Hindi nila ako pinansin at patuloy lang sila sa pagtanaw sa lalaki.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon