Chapter 34

5.1K 88 4
                                    

continuation. . .



[Saturday]


Alas dose na ng tanghali ako nagising dahil ala-una na ako nakatulog kagabi. Napahawak ako sa pisngi ko dahil may naalala nanaman ako.

Ganito ba talaga kapag inlove? Nagiging weirdo? Ang sakit ng pisngi ko. Parang may anesthesia dahil namamanhid.

Biglang tumunog ang cellphone ko, sign na may tumatawag. "S-si Kriss.. Ehem. *answer* Umm, hello?"

[Hi. Kanina pa ako tumatawag. Busy ka ba?]

Nailayo ko ang cellphone mula sa tenga ko. 17 missed calls? 31 messages? "Na-miss mo ba ako?" Tanong ko. Grabe eh.

[Oo.] Isang salita lang yon pero gusto kong tumili ng tumili. Kriss naman! Masyado kang prangka. Expected ko sasabihin mo hindi! Kumuha ako ng unan at doon idinukdok ang mukha ko para pigilan ang kilig. [H-hoy Cess? Ok ka lang b-ba?]

Doon lang ulit ako natauhan. Inayos ko ang sarili ko at nag-salitang muli. "A-ahh oo. Nga pala, bakit ka napatawag?"

[Ay oo nga pala, busy ka ba mamaya?]

Wahhh!! Don't tell me, yayayain mo akong mag-date. "H-hindi eh. Alam mo, bored nga ako eh. Hmm, san kaya pwedeng pumunta?" Tsaka ko lang naisip na masyado na pala akong pahalata.

[Ah? Oh sakto! Pwede ba tayong lumabas mamaya?] Pinutol ko ang tawag at....


"KYAHHHHHHHH!!! MY GOD!!!" Tili ko.

"Se-señorita? Anon pong problema? Bakit po sumisigaw kayo?" Humahangos na tanong ng katulong namin.

"Ah,, e-eh ano kasi, m-may ipis! Oo tama, may ipis sa kwarto ko! S-sino bang naka-assign na mag-linis d-dito?" Nauutal na tanong ko.

Napa-kunot ang noo ng katulong namin. "Ipis? Si Marta po ang taga-linis ng kwarto nyo. Señorita? Kailan pa po nagka-ipis ang kwarto nyo?" Naguguluhang tanong nya.

"Malay ko! Kayo ang nagli-linis eh. Nga pala, sabihin mo kay Aling Marta, paki-ayos ang pagli-linis dito ha? Iniipis kasi." Sagot ko. Wooo! Reason out.

"Sige po Señorita."

"Ok. Thank you." Tinitigan ako ng katulong namin. Ano? "What? May nasabi ba akong mali?" Nagta-takang tanong ko.

"W-wala po." Ani nya sabay labas ng kwarto ko. Weird.

Naalala ko bigla si Kriss. Oh my god! Kinuha ko agad ang cellphone ko at kinontak si Kriss. Naka-apat na ring lang at sinagot na nya ang tawag. "H-hello Kriss? I'm sorry, nagka-emergency lang. Anyway, ano na nga pala yung pinag-uusapan natin?"

[Ah. I was asking you before kung free ka ba mamaya?]

"Oo. B-bakit?" Great! Princess you're a great pretender. Alam mo naman kung bakit tapos nagta-tanong ka pa? But on the second thought, nagwo-worried lang ako dahil baka mamaya, nag a-assume lang pala ako. Mahirap umasa noh!

[Pwede ba kitang yayain lumabas mamaya?]

"Sure. What time ba?" Kinikilig na tanong ko.

[Mga 7pm.]

"Ok. SMS me the exact location later." I said. We bid our goodbyes and the call got ended.

Napa-tingin ako sa orasan. 12:34pm na? Ang mga katulong namin, hindi man lang ako ginising para kumain?

Bumaba na ako at nag-diretso sa kusina. Nadaanan ko si dad sa sala habang nanunuod. Nung isang araw ko pa sya iniiwasan dahil sa nangyari nung nakaraan.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon