Chapter 43

4.4K 64 9
                                    

[Play nyo yung Let Me Be The One. For better reading.]

MARKY'S POV

Nakatitig ako kay Andy habang papalayo sya sa akin. Ang sakit  pala na makita mong yung taong mahal mo ay unti-unti nang nagla-lakad palayo sayo. Aaminin ko may kasalanan din ako dahil hindi ko pinag-laban ang relasyon namin. Masisisi nyo ba ako kung yung kapakanan at kaligtasan lang ng taong mahal ko yung iniintindi ko?

Nag-lakad ako papunta sa isang bench at doon umupo kahit sobrang lakas ng ulan. Wala na akong pakialam kahit pinagti-tinginan na ako ng mga tao dito sa park. Wala rin akong pakialam kung isipin nilang nagse-senti, EMO or feeling nasa music video ako. Gusto ko lang talaga na mapag-isa.

Nag-taka ako kung bakit parang hindi na ako nababasa kaya tumingala ako. "Sayang ang ganda ng mga mata mo kung lagi mong iniiyakan ang maling tao." Naka-tayo sya sa harap ko habang pinapayungan ako. Umupo sya sa tabi ko. "Sorry. Sorry talaga kung naging dahilan ako ng pagka-sira ng relasyon nyo. Patawarin mo sana ako."

"Wala naman ng magagawa yung sorry mo. Past is past... Pero yung nararamdaman ko para kay Andy, hindi pa rin kumukupast."

"Sorry. Gusto mo bang tulungan kita para maging kayo ulit na dalawa?" Tinignan ko sya ng diretso sa mata.

"Para saan pa? Dalawang taon na Leslie. Dalawang taon na simula ng bitawan ko yung pagma-mahal na pinanghahawakan nya para sa relasyon naming dalawa." Naalala ko na naman ang mga masasayang araw na mag-kasama kami ni Andy. Mula ng ligawan ko sya sa mismong park na ito. Mula ng sagutin nya ako sa mismong park rin na ito hanggang sa dito ko rin binitawan ang relasyon na dito mismo namin binuo. "There's no other way to cure my broken heart."

"But-"

"Ok na Leslie. Kung naka move on na sya, then fine. Hindi ko naman na kailangang ipag-siksikan yung sarili ko sa isang tao. Lalo na sa relasyon naming dalawa na ako mismo ang unang sumuko." Pero yung totoo? Hindi ko pa din kayang bitawan si Leslie. Masakit mag-let go lalo na kung yung taong sinusubukang mong pakawalan ay yung taong hindi mo kayang bitawan.

"The choice is yours. I'm sorry." Tumayo na sya at nag-lakad paalis.

Tumila ng ang ulan kaya naisipan ko na din na umuwi. Ewan ko pero hindi pa din ako maka-get over sa mga binitawang salita sa akin ni Andy.

Nang maka-uwi na ako ay nag-palit lang ako ng damit at pumunta sa pinaka malapit na bar sa village namin. Gusto kong magpaka-lunod sa alak para naman kahit isang gabi lang, mawala ng panandalian ang sakit na kinimkim ko sa loob ng dalawang taon.

LESLIE'S POV

Sinundan ko si Marky hanggang sa bar. Bakit ba kasi laging si Andy ang nasa isip at puso nya? Ganon ba talaga sya kamanhid para hindi nya maramdamang may ibang taong nagpa-pahalaga sa kanya na ipinagta-tabuyan nya?

Umupo si Marky sa high stool ng bar. Umupo naman ako sa bandang likod para hindi nya ako mapansin. "Three shots of vodka." Tinitigan ko lang sya.

"Ma'am ano pong inyo?" Tanong sa akin ng kalalapit lang na waiter.

"Three shots of Margaritas." Umalis na ang waiter kaya tinignan ko ulit si Marky. He's drinking intensively.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya tumayo ako para mag-cr. 'I'll be back Marky.' Bulong ko sa sarili ko. Nag-lakad na ako papunta sa CR.

---

"WHAT THE?! ASAN NA SYA?" Nataranta ako ng makita kong wala na sa pwesto kung saan ko iniwan si Marky. "Nakita mo ba kung saan nag-punta yung lalaki na naka-upo dito kanina?" Tanong ko sa bar tender na pinag-orderan ni Marky ng vodka kanina.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon