Two weeks later. . .
KRISS'S POV
It's been two weeks. Two hell weeks of my life. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal ng dalawang linggo.
Wala naman akong ginawang masama para iwanan nya diba?
Oh crap that! Sya nga pala ang masama.
Pero kahit ganon ang ginawa nya sakin, na ginawa akong rebound, hindi ko pa rin sya makalimutan. Mahal na mahal ko sya to the point na kaya kong magpaka-tanga para lang maging masaya sya.
Ilang araw, ilang linggo akong umiiyak because of here. I don't even know where she lived. Minsan nasa tapat ako ng condo unit nya. Umaasang baka makita ko sya. Umaasang baka maayos pa namin ito.
Umaasang pwedeng maging kami ulit kahit walang kasiguraduhan.
I knew that she can't do what she said. Baka may iba pa syang rason kaya nya ako iniwan.
Here I am now, standing and searching for some fresh air to breath. Nakatanaw lang ako sa asul na kalangitan.
Ang rooftop na ito ang pinaka favorite kong lugar dito sa school. For me, it was memorable. Dito ako unang narinig ni Trinity na kumanta. Dito kami unang kumain. Yung kaming dalawa lang. Dito ko sya unang hinarana. Dito nya ako unang nginitian.
Dito nya rin ako sinaktan.
Nag-pasya na akong umalis dahil kusang bumabalik yung mga alala ko. Alala naming dalawa.
Pagdating ko ng ground, agad ko syang nakita. Kasama ang kaibigan nya at ang isang lalaki na naka-akbay sa kanya.
Agad kong naikuyom ang kamao ko. So he's the reason why she left me?
Bakit sya?! Bakit sya pa na halos itinuring kong kuya?!
I walked towards them at nakita kong nanlaki ang mata ni Princess. Why? Akala ba nya porket sinaktan at iniwan nya ako, hindi na ako nag-e-exist sa mundo?
Then if that's was she think, she's wrong.
Nandito ako para bawiin sya kahit sinaktan nya ako ng sobra. Hindi nya alam kung anong dinanas ko nung mga panahon na inamin nya sa akin na rebound lang pala ako.
Kung mas masakit noon, pipilitin kong tiisin kung ano man yung sakit na maari kong harapin ngayon. Mabawi lang sya.
"What are you doing here?"
"Sya ba ang dahilan?" I glanced at Nico. I saw his shocked reaction. Ano, kahit sya iniisip na wala na ako sa landas nila?
"Excuse me, but who you think you are to blocked our way?" Singit ng isang babae na kasama nila. "Wait pamilyar ka sakin. Did we met before?"
Oo. Naalala ko din sya. Sya yung babaeng naki-table sa akin dati. Andy Cruz. "No." Tumingin ulit ako kay Princess. "Am I right?"
"Wag mo na akong pakialaman ok? We're done. Ayoko na. Napaka-tanga mo naman kung ipagpipilitan mo yung sarili mo para sa akin kahit alam mong niloloko lang kita!"
"Did you tell him already?!" Tanong ni Andy. So totoo nga? Hindi nya ako mahal at rebound lang talaga ang dating ko sa kanya?
Hindi ko na sya pinag-salita. I punched Nico's face. "Kung ikaw nga ang dahilan, have pity on yourself. Ok na kami eh. Tinuring kitang kuya! Pinagkatiwalaan kita kahit kay Trinity but you fucked me! You lied to me!" May mga estudyanteng nanood sa amin but I don't care. Kailangan kong ilabas yung sama ng loob ko. "Tandaan mo Trinity na kahit mahal na mahal kita, wala ka ng babalikan. Minulat mo ako sa kasamaan at kasinungalingan. Nakakadiri ka!" Then I turned my back to them and started to walk away.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...