ANDY'S POV
Hinawakan ko ang kamay nya. "San ka pupunta?" Hinila ko sya pabalik sa pwesto namin kanina.
"Bitawan mo'ko!" Nagpu-pumilit sya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka-hawak ko sa braso nya.
"Ano makiki-tulong ka? Ang bobo mo naman yata mag-bilang. Dalawa laban sa isa tapos dadagdag ka pa?" Na-shock ako sa ginawa nya. Dinuraan nya ako sa mukha kaya naman sinampal ko sya ng dalawang beses. "Tarantado ka ah!"
Imbis na sila Trinity lang ang magpa-gulong gulong sa kalsada at ipagchi cheer ko lang sya, makikisali na ako. Bastos tong babaeng ito eh.
Wala na kaming pakialam kung pinapanood at vini videohan na kami ng maraming tao.
"PRRRRTTT!" Napa-bitaw ako dahil may narinig kaming pumito. "Anong kaguluhan to?!"
---
"Sila naman po ang nauna eh! Dumadaan lang kami tapos binangga nila kaming dalawa!"
"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MONG BALIKTARIN ANG KWENTO! DIBA IKAW ANG BUMANGGA KAY TRINITY TAPOS SINABIHAN MO PA SYA NG MALANDI?! MAMANG PULIS, SILA PO ANG NAUNA KAYA SA AMIN KAYO MANIWALA!" Naiimbyerna na ako. Nandito kami ngayon sa presinto at pinagpa-paliwanag. Tang*na! Magga-gala lang sana kami ngayon tapos anong nangyari? Ang masaklap, binabaliktad pa nitong tatlong babae yung pangyayari!
"KALMA LANG MISS." Mas kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko. Kalma?! Paano pag nalaman ito nila tito Erson? Kawawa sa Trinity! "Hindi kasi natin pwe-"
"I'LL PAY. KAHIT MAGKANO." Nilabas ni Trinity ang bag nya at kumuha ng pera. "Pag kulang pa, just call my lawyer." Hinila na nya ako paalis.
RICA'S POV
SHIT! Ano na namang laban ko sa kanya? "KUYA BAKIT HINAYAAN MO SILANG MAKAALIS?! SANA IKINULONG MO SILA DAHIL SILA NAMAN TALAGA ANG MAY KASALANAN! TIGNAN MO KAMI, WE'RE FULL OF WOUNDS AND SCARS!"
"I'm sorry Miss but napanood namin sa CCTV ang buong pangyayari kanina. Kayo ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga itcuhra nyo ngayon." Dammit!
Nag-bayad na lang din si Ashley ng casual penalties para tapos na ang usapan. Nakaka-g*go! Porket mas marami syang pera!
"Hoy Rica! Sigurado ka bang sya yung naka-away mo? Yung dahilan ng pagka-wala mo sa trabaho at kung anong sinasapit mo ngayon?" Oo. Oo sya! Hinding hindi ko sya kakalimutan at pagba-bayaran nya lahat ng sakripisyong ginawa ko! Malandi sya! Kaya siguro ako iniwan ni Kriss dahil sa kanya! At ang swerte ko nga naman at nag-tagpo kami dito sa Cavite. "OO. Bakit?!"
"Alam mo ba? Naka-arrange marriage na yun eh. Tapos may boyfriend pa? Ang landi!" Para akong nanalo sa Lotto dahil sa mga narinig ko.
"Sigurado ba kayo dyan?!" Baka mamaya umasa lang ako.
"Oo. Sobrang sikat kaya nya mapa-dito or ibang bansa. Bakit kaya sumikat ng ganun yun eh malandi naman?!"
"Maganda kasi!"
"Mas maganda ako!"
"Magsi-tigil nga kayo Frances at Ashley. Kailangan kong humanap ng pwedeng ikabagsak nya."
---
[2 DAYS AFTER]
"Hello. What can I do for you?" Namangha ako dahil sa laki ng opisina ni Mr. Villegas.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Fiksi RemajaPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...